[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Phở

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pho)
Phở
UriSabaw at luglog
KursoPangunahing Putahe
LugarBiyetnam
Rehiyon o bansaHanoi, Lalawigan ng Nam Định
Taon1900–1907[1]
Ihain nangMainit-init
Pangunahing SangkapLuglog-kanin at baka o manok
BaryasyonPho na manok (phở gà), phở tái (pho na tinalbusan ng hiniwang bakang rara)

Ang phở o pho[2] (NK /fɜː/, EU /fʌ,_f/, Canada: /fɑː/;[3] Vietnamese: [fəː˧˩˧]  ( listen)) ay isang sabaw-Biyetnames na binubuo ng kaldo, luglog-kanin na tinatawag na bánh phở, iilang damong-gamot, at karne, na karaniwang ginamit ang baka (phở bò) o manok (phở gà).[4][5]. Tanyag na pagkaing kalye ang pho sa Biyetnam[6] at inihahain sa mga restawran sa buong mundo.

Nagmula ang pho sa unang bahagi ng ika-20 siglo sa hilagang Biyetnam, at pinasikat sa buong mundo ng mga nagsilikas pagkatapos ng Digmaang Biyetnames. Dahil di-masyadong dokumentado ang pinagmulan nito,[7][8] mayroong makabuluhang pagtatalo sa mga kultural na impluwensiya na humantong sa kanyang paglago sa Biyetnam, pati na rin ang etimolohiya ng salita mismo.[9] Naiiba ang mga estilo ng Hanoi at Saigon na pho ayon sa haba ng luglog, tamis ng sabaw, at pagpili ng damong-gamot.

Posibleng nagmula ang pho mula sa mga magkatulad na putahe; halimbawa, sinabi ng mga tagabaryo sa Vân Cù na kumain sila ng pho bago ang panahong kolonyal ng Pranses.[10] Lumabas ang modernong anyo ng putahe mula 1900 hanggang 1907 sa hilagang Biyetnam,[7][1] timog-silangan ng Hanoi sa Lalawigan ng Nam Định, dating mahalagang pamilihan ng tela. Ipinapalagay na ang tradisyonal na sinilangang-bayan ng pho ay mga nayon ng Vân Cù at Dao Cù (o Giao Cù) sa komuna ng Đông Xuân, Distrito ng Nam Trực, Lalawigan ng Nam Định.[10][11]

Pinaniniwalaan ni Trịnh Quang Dũng, isang mananalaysay at mananaliksik ng kultura, na nanggaling ang katanyagan at pinagmulan sa interseksyon ng ilang mga makasaysayang at kultural na salik sa unang bahagi ng ika-20 siglo.[12] Kabilang dito ang pagdami ng suplay ng baka dahil sa pangangailangan ng Pranses na nagresulta sa pagkakaroon ng buto ng baka na binili ng mga Tsinong manggagawa para gumawa ng putahe na magkatulad sa pho na tinatawag na ngưu nhục phấn.[12][13] Sa simula, pinakamataas ang pangangailangan ng putaheng ito sa mga manggagawang galing sa mga lalawigan ng Yunnan at Guangdong, na nagkagusto nito dahil kanyang pagkakatulad sa mga putahe ng kanilang bayang sinilangan, na nagpatanyag at nagpalaganap ng putaheng ito sa pangkalahatang populasyon.[13]

Dating ibinenta ang pho tuwing pagbubukang-liwayway at pagdadapit-hapon ng mga gumagala-galang nagtitinda sa kalye na nagbalikat ng mga karinderya sa mga pingga (gánh phở).[14] Nakasabit sa pingga ang dalawang aparador na gawa sa kahoy, isang nilagyan ng kaldero sa ibabaw ng gatong na kahoy, at ang isa pa ay imbakan ng luglog, pampaanghang, panluto, at puwesto para makahanda ng mangkok ng pho. Palaging binabalikat ng mga kalalakihan ang mabigat na gánh.[15] Pinananatili nilang mainit ang kanilang ulo sa pamamagitan ng natatanging, gusot na sombreong pyeltro na tinatawag na mũ phở.[16]

Ang unang dalawang nakapirming na tindahan ng pho sa Hanoi ay Cát Tường sa Kalye Cầu Gỗ, na pag-aari ng Biyetnames at isang tinadhan na pag-aari ng Tsino sa harapan ng hintuan ng ng trambya sa Bờ Hồ. Sinalihan sila noong 1918 ng dalawa pa sa Quạt Row at Đồng Row.[17] Noong mga 1925, nagbukas si Vạn, isang tagabaryo ng Vân Cù, ng unang tindahan ng "estilong Nam Định" na pho sa Hanoi.[17] Bumaba ang numero ng mga gánh phở noong mga 1936–1946 sa pabor ng mga nakapirming kainan.[16]

Noong huling bahagi ng dekada 1920, nag-eksperimento ang maraming mga tindero ng húng lìu, mantika ng linga, tokwa, at kahit katas ng lethocerus indicus (cà cuống). Hindi sumikat ang "phở cải lương" na ito.[17][18]

Ipinakilala ang phở tái, na inihahain na may kasamang bakang rare noong 1930. Lumitaw ang pho na manok noong 1939, posibleng dahil hindi ibinenta ang baka sa mga merkado mula Lunes hanggang Biyernes sa panahong iyon.[17]

Pho na timugang-estilo na inihain na may kasamang balanoy and toge

Noong partisyon ng Biyetnam noong 1954, higit sa isang milyon ang tumakas mula sa Hilagang Biyetnam patungo sa Timugang Vietnam. Dati, hindi popular ang pho sa Timog, pero sumikat ito bigla.[11] Hindi na nakakulong sa mga tradisyon ng pagluluto sa hilaga, lumitaw ang mga baryasyon sa karne at sabaw, at naging karaniwan ang mga karagdagang palamuti, katulad ng dayap, toge (Giá đỗ), kulantro (ngò gai), kanelang balanoy (húng quế), sarsang Hoisin (tương đen), at maanghang na sawsawan (tương ớt).[7][11][17][19] Nagsimulang magkalaban ang phở tái sa lutung-luto na phở chín sa katanyagan. Pinabantog din ng mga dayuhan mula sa Hilaga ang bánh mì na sandwits.[20]

Samantala, sa Hilagang Biyetnam, isinabansa ang mga pribadong restawran ng pho (mậu dịch quốc doanh)[21] at nagsimulang maghain ng luglog ng pho na gawa sa lumang kanin. Pinilitan ang mga tindero sa kalye na gumamit ng mga luglog gawa sa inangkat na harinang patatas.[22][23] Opisyal na ipinagbawal bilang kapitalismo, pinahalagahan ng mga tindero ang portabilidad, kaya dinala nila ang kanilang paninda sa mga gánh at naglabas sila ng upang bangkitong plastik para sa mamimili.[24]

Pho na hilagang-estilo na inihain na may kasamang quẩy (pinritong tinapay)

Noong tinatawag na "panahon ng subsidyo" pagaktapos ng Digmaan ng Biyetnam, naghain ang mga kainan ng pho na ari ng estado ng baryasyon ng putahe na walang karne na kilala bilang "pho na walang piloto" (phở không người lái),[25] isang pagtukoy sa ng mga droneng pampagmamatyag na walang tauhan ng Hukbong Panghimpapawid ng mga Amerikano. Binuo ang sabaw ng pinakuluang tubig na dinagdagan ng betsin bilang pampalasa, dahil nagkaroon ng kakulangan sa iba't ibang kasangkapan katulad ng karne at kanin noong panahong iyon.[26] Inihain din ang tinapay o malamig na kanin bilang pamutat, na humantong sa kasalukuyang kaugalian ng pagsasawsaw ng quẩy sa pho.[27]

Naging pribado ang mga kainan ng pho bilang bahagi ng Đổi Mới. Gayunpaman, kailangan pa ring manatiling tago ang mga magtitinda para maiwasan ang mga pulis na nagpapatupad ng tuntunin sa kalinisan ng kalye na pumalit sa pagbabawal ng pribadong pagmamay-ari.[24]

Globalisasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang restawran ng pho at bánh cuốn sa Paris

Pagkatapos ng Digmaan ng Biyetnam, dinala ng mga Biyetnames na takas ang pho sa mararaming bansa. Lumitaw ang mga restawran na espesyalista sa pho sa mga maraming Asyanong napakaloob at mga Little Saigon, katulad ng nasa Paris at sa pangunahing lungsod sa Estados Unidos, Canada, at Australya.[28][29] Noong 1980, nagbukas ang una sa daan-daang restawran ng pho sa Little Saigon ng Kondado ng Orange, California.[30]

Sa Estados Unidos, nagsimulang pumasok ang pho sa daniw noong dekada 1990, noong gumanda ang relasyon ng Estados Unidos at Biyetnam.[29] Noong panahong iyon, nagsimulang magbukas agad-agad ang mga Biyetnames na restawran sa Texas at California at mabilis kumalat sa Golpo at Kanlurang Babayin, pati na rin ang Silangang Babayin at ang natitirang bahagi ng bansa. Noong dekada 2000, kumita ang mga restawran ng pho sa Estados Unidos ng US$500 milyon sa taunang kitambayan, ayon sa isang hindi opisyal na tantiya.[31] Mahahanap na ngayon ang pho sa mga kapiterya sa maraming mga kampus ng kolehiyo at koporasyon, lalo na sa Kanlurang Babayin.[29]

Idinagdag ang salitang "pho" sa Shorter Oxford English Dictionary noong 2007.[32] Nakalista ang pho sa numero 28 sa "World's 50 most delicious foods [Ang 50 pinakamasarap na pagkain ng mundo]" na naitala ng CNN Go noong 2011.[33] Ipinagdiwag ang Araw ng Pho sa Biyetnames na Embahada sa Mehiko noong Abril 3, 2016, at nagdiriwang ang prepektura ng Osaka ng kawangis na pagdiriwang sa susunod na araw.[34] Hiniram ang pho ng mga ibang lutuin ng Timog-silangang Asya, katulad ng lutuing Hmong.[5] Lumalabas ito minsan bilang "Phô" sa mga menu sa Australya.

Etimolohiya at pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Phở
Pangalang Biyetnames
Alpabetong Biyetnamesphở
Chữ Nôm𬖾 (𬖾)[35]

Natuklasan ng mga pagsusuri ng panitikang Indotsino na pumasok ang pho sa daniw noong mga dekada 1910. Mayroong tala sa Nhật dụng thường đàm, ang 1827 diksyunaryong Hán-Nôm ni Phạm Đình Hổ, para sa luglog-kanin (tradisyonal na Tsino: 玉酥餅; ; Biyetnames: ngọc tô bính) na may kahulugang 羅𩛄普𤙭 (Biyetnames: là bánh phở bò; "ay luglog pambakang pho"), na hiniram ang isang panitik na "phổ" o "phơ" ang dating pagbigkas para tumukoy sa pho.[36] Walang binanggit na pho sa salaysay noong 1907 ni Georges Dumoutier tungkol sa lutuing Biyetnames,[9] habang naaalala ni Nguyễn Công Hoan ang pagbenta nito ng mga tindero noong 1913.[37] Ibinigay ang kahulugan ng phở sa unang pagkakataon ng isang diksyunaryo noong 1931 na: "mula sa salitang phấn. Isang putahe na binubuo ng maliit na hiwa ng kakanin na pinakuluan kasama ng baka."[9][16][38]

Posible na ang unang pagtukoy ng pho sa wikang Ingles ay nasa librong Recipes of All Nations (Mga Kaluto ng Lahat ng mga Bansa), na namatnugot ni Countess Morphy noong 1935: sa libro, inilarawan ang pho bilang "Anamesang sabaw na pinahahalagahan ... gawa mula sa baka, buto ng baka, isang bayleaf, asin at paminta at isang maliit na kutsarita ng nuoc-mam."[39]

Mayroong dalawang nananaig na teorya tungkol sa pinagmulan ng salitang phở at, bilang karugtong, ang putahe mismo. Katulad ng ibinanggit ni Nguyễn Dư, isang may-akda, mahalaga ang dalawang tanong sa pagkakakilanlan ng Biyetnames.[14]

Mula sa Pranses

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karaniwang kumain ng baka ang mga dahuyang Pranses, habang kumain ang mga Biyetnames, ayon sa kaugalian, ng baboy at manok at ginamit ang mga baka bilang mga hayop ng pasanin.[21][40] Iniuugnay ni Gustave Hue (1937) ang cháo phở sa pot-au-feu isang klase ng nilagang baka ng Pranses (literal: "palayok sa apoy").[9] Alinsunod dito, pinapanatili ng mga Kanluraning sanggunian na nagmula ang phở mula sa pot-au-feu sa pangalan at nilalaman.[3][9][41] Bagaman, pinagtatalunan ng ilang mga iskolar ang etimolohiyang ito batay sa lubos na pagkakaiba ng dalawang putahe.[9][42][43] Sa balintunang paraan, matagal nang binibigkas na [fo] ang salitang pho sa Pranses sa halip ng [fø]: sa Lettre de Hanoï à Roger Martin Du Gard ni Jean Tardieu (1928), sumisigaw ang isang tindero ng "Pho-ô!" sa kalsada.[23]

Ipinapaliwanag ng maraming taga-Hanoi na nagmumula ang saitang phở mula sa pag-order ng "feu" (apoy) ng mga sundalong Pranses mula sa gánh phở, na tumutukoy sa singaw na umaangat mula sa mangkok ng pho at sa panggatong na kumikinang mula sa gánh phở sa gabi.[16]

Nakipagtalo si Erica J. Peters, isang mananalaysay ng pagkain, na niyakap ng mga Pranses ang pho sa paraan na binabalewala ang kanyang pinagmulan bilang lokal na improbisasyon na nagpapatibay "ng ideya na idinala ng mga Pranses ang modernong pagkamalikhain sa tradisyonalistang Biyetnam".[23]

Inaakala minsan na ang mga pangalan ng mga baryante ng pho, lalo na phở bò (baka) at phở gà (manok), ay may pinagmulang Pranses o kahit na Latin, dahil ang ibig sabihin ng Lating bos at gallus ay "baka" at "manok", ayon sa pagkabanggit. Subalit malinaw na pagkakataon lamang ito, dahil katutubong salita sa Biyetnames ang at .

Mula sa Kantones

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagbibigay si Hue at Eugèn Gouin (1957) ng kahulugan sa phở mismo bilang pagpapaikli ng lục phở. Ipinaliwanag ng diksyunaryo noong 1931, ipinahayag ni Gouin at Lê Ngọc Trụ (1970) na ang lục phở ay korapsyon ng ngưu nhục phấn (Tsino: 牛肉粉; Kantones Yale: ngau4 yuk6 fan2; "luglog-baka"), na kadalasang ibinebenta ng mga Tsinong dayuhan sa Hanoi.[9] ([ɲ] ay alopono ng /l/ sa ilang mga hilagang diyalekto ng Biyetnames.)

Pinagtatalunan ng ibang iskolar na nagmula ang pho (ang putahe) mula sa xáo trâu, isang putaheng Biyetnames na karaniwan sa Hanoi noong huling bahagi ng siglo. Orihinal na kinain ng mga karaniwang tao sa Ilog Pula, binuo ito ng ginisang karne ng kalabaw pantubig na inihain sa sabaw sa ibabaw ng bihon.[44] Noong mga 1908–1909, nagdala ang industriya ng pagpapadala ng pagdagsa ng manggagawa. Nagtayo ang mga manlulutong Biyetnames at Tsino ng mga gánh para maghain ng xáo trâu sa kanila, ngunit pinalitan nila ito kinamamayaan ng mga murang piraso ng baka[9][10] na iniwan ng mga magkakarne na nagbenta sa mga Pranses.[45] Inanunsiyo ng mga Tsinong tindero ang xáo bò sa pagsigaw ng, "Baka at luglog!" (Kantones Yale: ngàuh yuhk fán; Biyetnames: ngưu nhục phấn).[17] Sa huli, ang sigaw sa kalye ay naging "Karne at luglog!" (Tsino: 肉粉; Kantones Yale: yuhk fán; Biyetnames: nhục phấn) na pinahaba ang huling pantig.[11][16] Iminumungkahi ni Nguyễn Ngọc Bích na inalis ang huling "n" sa wakas dahil katulad ang tunog nito sa phẩn (tradisyonal na Tsino: 糞; pinapayak na Tsino: 粪; "dumi").[8][46] Tinutukoy ni Jean Marquet, isang Pranses na may-akda, ang putahe bilang "Yoc feu!" sa kanyang nobela noong 1919, Du village-à-la cité.[45] Siguro ito ang tinutukoy ni Tản Đà, isang Biyetnames na may-akda, na nhục-phở sa Đánh bạc ("Pagsusugal"), na isinulat noong mga 1915–1917.[14][43]

Mga sangkap at paghahanda

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikibooks
Wikibooks
Ang Wikibooks Cookbook ay may artikulo hinggil sa

Inihahain ang pho sa isang mangkok na may partikular na hiwa ng lapad na luglog-kanin sa malinaw na sabaw ng baka, na may manipis na hiwa ng baka (isteyk, fatty flank, lean flank, pitso). Sa mga barasyon nito, makikita ang litid, goto, o almondigas sa Timugang Vietnam. Inihahanda ang pho na manok gamit ang mga parehong pampaanghang tulad ng bersyong baka, ngunit ang sabaw ay gawa sa buto at karne ng manok, pati na rin ang mga lamang-loob ng manok, tulad ng puso, ang maliit na itlog, at balumbalunan.[47][48]

Kapag kumakain sa mga tindahan ng phở sa Biyetnam, karaniwang tinatanong ang mga mamimili kung ano ang gusto nilang hiwa ng baka at ang luto nito.

Kabilang sa mga hiwa ng baka ang:

  • Tái băm: Rare na patty ng giniling na karne
  • Tái: Karneng medium rare
  • Tái sống: Karneng rare
  • Tái chín: Karneng medium hanggang well-done
  • Tái lăn: Ginigisa ang karne bago idinadagdag sa sabaw
  • Tái nạm: Bakang patty na may kamto
  • Nạm: Kamto
  • Nạm gầu: Punta y petso
  • Gân: Litid
  • Sắc: Bituka ng baka
  • Tiết: Pinakuluang dugo ng baka
  • Bò viên: Bola ng baka

Para sa manok na phở, kabilang sa mga opsyon ang:

  • Gà đùi: Hita ng manok
  • Gà lườn: Pitso ng manok
  • Lòng gà: Lamang-loob ng manok
  • Trứng non: Maliit na itlog ng manok
  • Trứng tái: Pinakuluang itlog ng manok

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Trịnh Quang Dũng (Disyembre 8, 2017). "Phở Việt - Kỳ 1: Khởi nguồn của phở". Tuổi Trẻ (sa wikang Biyetnames). Ho Chi Minh Communist Youth Union. Nakuha noong Hulyo 16, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Vietnamese spelling is phở – ending with an O with horn and hook above. However, the word is commonly simplified to pho in English-language text.
  3. 3.0 3.1

    "pho, n.". Oxford English Dictionary (ika-3rd (na) edisyon). Oxford University Press. Marso 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    "pho (British & World English)". Oxford Dictionaries. Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Agosto 2013. Nakuha noong 23 Agosto 2013. a type of Vietnamese soup, typically made from beef stock and spices to which noodles and thinly sliced beef or chicken are added. Origin: Vietnamese, perhaps from French feu (in pot-au-feu){{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    "pho (American English)". Oxford Dictionaries. Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2012. Nakuha noong 13 Hulyo 2012.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    "pho". The American Heritage Dictionary of the English Language (ika-5 (na) edisyon). Houghton Mifflin Harcourt Publishing Company. 2011. A soup of Vietnamese origin typically consisting of rice noodles, onions, herbs, seasonings, and thinly sliced beef or chicken in a clear broth.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    "pho". Random House Dictionary. Random House. 2013. Nakuha noong 23 Agosto 2013.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    "pho". Collins English Dictionary. HarperCollins. Nakuha noong 23 Agosto 2013.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Barber, Katherine, pat. (2005). "Pho". Canadian Oxford Dictionary (ika-2nd (na) edisyon). Oxford University Press Canada. ISBN 9780191735219.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  4. Ha, Michelle (2017-06-30). "Pho: A Tale of Survival (Part 1 of 2)". The RushOrder Blog. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-15. Nakuha noong 2017-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Scripter, Sami; Yang, Sheng (2009). Cooking from the Heart: The Hmong Kitchen in America. University of Minnesota Press. p. 25. ISBN 978-1452914510. Phở is made with small (1/16-inch-wide) linguine-shaped rice noodles labeled bánh phở.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Thanh Nien staff (3 Pebrero 2012). "Vietnamese street food a gourmet's delight". Thanh Nien News. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Mayo 2012. Nakuha noong 15 Oktubre 2012. A visit to Vietnam would never be complete, Lister said, without the taste of food on the street, including phở - beef noodle soup,... {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 Nguyen, Andrea Q. "History of Pho Noodle Soup". San Jose Mercury News, reprinted at Viet World Kitchen. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-11. Nakuha noong 2011-10-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Greeley, Alexandra (Taglamig 2002). "Phở: The Vietnamese Addiction". Gastronomica. Oakland, California: University of California Press. 2 (1): 80–83. doi:10.1525/gfc.2002.2.1.80. ISSN 1529-3262.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 9.6 9.7 Vương Trung Hiếu (Hulyo 17, 2012). "Nguồn Gốc Của Phở" [The Origins of Phở]. Văn Chương Việt (sa wikang Biyetnames). Nakuha noong Mayo 16, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 Nguyễn Ngọc Tiến (2 Agosto 2011). "Phở Hà Nội" [Hanoi Pho]. Hànộimới (sa wikang Biyetnames). Communist Party Committee of Hanoi. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2013. Nakuha noong 19 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 An Chi (2010-06-15). "Lai lịch của món phở và tên gọi của nó" [Origin of the phở dish and its name]. An Ninh Thế Giới (sa wikang Biyetnames). Vietnam Ministry of Public Security. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-14. Nakuha noong 2013-05-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Trịnh Quang Dũng (2011), "100 năm Phở Việt", Văn hóa học, Văn hóa học, inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-29, nakuha noong 2016-07-16{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Nguyen, Andrea (2016), "The History of Pho", Lucky Peach, Lucky Peach, inarkibo mula sa orihinal noong 2016-07-19, nakuha noong 2016-07-16 {{citation}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 14.2 Nguyễn Dư (Pebrero 2001). "Phở, phởn, phịa ..." [Pho, euphoria, innovation...]. Chim Việt Cành Nam (sa wikang Biyetnames). Nakuha noong 18 Mayo 2013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Vu Hong Lien (2016). Rice and Baguette: A History of Food in Vietnam. London: Reaktion Books. p. 147. ISBN 9781780237046 – sa pamamagitan ni/ng Google Books. Mobile phở was always sold by men, probably because the stockpot was too heavy for a woman to shoulder.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 16.4 Bùi Minh Đức (2009). "Tô phở Bắc và đọi bún bò Huế trên bình diện văn hóa đối chiếu" [‘Phở’ of the North and Beef Noodle of Huế as Compared Under a Cultural View]. Tạp chí Nghiên cứu và Phát triển (sa wikang Biyetnames). 1 (72). ISSN 1859-0152. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-10. Nakuha noong 2019-05-25.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 17.2 17.3 17.4 17.5 Trịnh Quang Dũng (15 Enero 2010). "Phở muôn màu muôn vẻ" [Pho has ten thousand colors and ten thousand styles]. Báo Khoa Học Phổ Thông (sa wikang Biyetnames). Ho Chi Minh City Union of Science and Technology Associations. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 22 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Thạch Lam (1943). "Phụ thêm vào phở"  [Adding to pho]. Hà Nội băm sáu phố phường  [Hanoi: 36 streets and districts] (sa wikang Biyetnames). Đời Nay Publishing House – sa pamamagitan ni/ng Wikisource.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "A Bowl of Pho" Naka-arkibo 2011-10-26 sa Wayback Machine., San Francisco Chronicle, November 1997
  20. Lê Văn Nghĩa (Hunyo 11, 2017). "Chuyện xưa – chuyện nay: Bánh mì Sài Gòn trong thơ" [Then and now: Saigon sandwiches in poetry]. Tuổi Trẻ (sa wikang Biyetnames). Ho Chi Minh Communist Youth Union. Nakuha noong Abril 3, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 Gibb, Camilla (2011). The Beauty of Humanity Movement: A Novel. p. 4. The history of Vietnam lies in this bowl, for it is in Hanoi, the Vietnamese heart, that phở was born, a combination of the rice noodles that predominated after a thousand years of Chinese occupation and the taste for ...{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Xuan Phuong; Mazingarbe, Danièle (2004) [2001]. Myers, Jonathan E. (pat.). Ao Dai: My War, My Country, My Vietnam. Sinalin ni Lynn M. Bensimon. Great Neck, New York: Emquad International. pp. 169–170. ISBN 0-9718406-2-8. The soup that was presented to replace it was made of rotten rice noodles, a little bit of tough meat, and a tasteless broth. … As for the small street peddlers, they no longer had the right to sell pho, but instead, a vile soup in which there were noodles made of potato flour.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 23.2 Peters, Erica J. (2010). "Defusing Phở: Soup Stories and Ethnic Erasures, 1919–2009". Contemporary French and Francophone Studies. 14 (2): 159–167. doi:10.1080/17409291003644255.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 Renton, Alex (Mayo 16, 2004). "Good morning, Vietnam". The Observer. Guardian Media Group. Nakuha noong Disyembre 26, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Hoàng Linh (Marso 5, 2009). "Tản mạn về Phở" [Ramblings about Phở]. BBC Vietnamese (sa wikang Biyetnames). Nakuha noong Mayo 16, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Thanh Thảo (19 Agosto 2012). "Từ bát phở 'không người lái'" [From a bowl of pho, 'no pilot']. Thanh Nien (sa wikang Biyetnames). Vietnam United Youth League. Nakuha noong 19 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Trịnh Quang Dũng (22 Enero 2010). "Phở theo thời cuộc" [Pho in the present day]. Báo Khoa Học Phổ Thông (sa wikang Biyetnames). Ho Chi Minh City Union of Science and Technology Associations. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2013. Nakuha noong 22 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "For Fantastic Pho, The Proof is in the Soup, Georgia Straight. April 2008.
  29. 29.0 29.1 29.2 Loh, Laura (13 Mayo 2002). "The Next Ethnic Dish of the Day: Vietnamese Pho". Los Angeles Times. Tribune Company. Nakuha noong 27 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Nguyen, Katherine (Mayo 1, 2003). "Vietnamese Noodle Soup 'Pho' Scores Cross-Cultural Hit, Like Tacos, Sushi". Orange County Register. Santa Ana, California: Freedom Communications. Nakuha noong Disyembre 26, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Ngữ Yên (3 Nobyembre 2005). "Phở Sài Gòn". Báo điện tử Sài Gòn Tiếp Thị (sa wikang Biyetnames). SGTT Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Disyembre 2013. Nakuha noong 26 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Schuman, Kate, "Oxford's short dictionary adds hundreds of new words, including 'carbon footprint' Naka-arkibo 2012-10-18 sa Wayback Machine.", U-T San Diego, September 19, 2007.
  33. CNN Go.World's 50 most delicious foods Naka-arkibo 2011-10-08 sa Wayback Machine.. 21 July 2011. Retrieved 2012-09-09.
  34. Nhi Linh (Abril 4, 2016). "April 4 Pho Day in Japan". Vietnam Economic Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 17, 2018. Nakuha noong Hulyo 16, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Trần Văn Kiệm, Giúp đọc Nôm và Hán Việt [Help reading Nom and Sino-Vietnamese], 2004, "Entry phở". This character was introduced in Unicode 8.0. Its Ideographic Description Sequence is ⿰米頗. 頗 is an abbreviated form. [1]
  36. Phạm Đình Hổ (1827). 玉酥餅 [rice noodle]. {{cite ensiklopedya}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Nguyễn Công Hoan (2004). Nhớ và ghi về Hà Nội. Youth Publishing House. p. 94.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Vũ Đức Vượng (14 Nobyembre 2005). "Phở: tấm danh thiếp của người Việt". VietNamNet (sa wikang Biyetnames). Vietnam Ministry of Information and Communications.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Translated into the English: "Pho: Common "name card" of Vietnamese". Sài Gòn Giải Phóng. Translated by Quang Hung. Communist Party Committee of Ho Chi Minh City. 14 Nobyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2013. Nakuha noong 4 Abril 2013. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: others (link)
  39. Morphy, Marcelle (countess) (1935). "Dishes from many lands". Recipes of All Nations. New York: Wm. H. Wise & Co. p. 802. hdl:2027/coo.31924003591769. PHO is the name of an Annamese soup held in high esteem. It is made with beef, a veal bone, onions, a bayleaf, salt, and pepper, and a small teaspoon of nuoc-man [sic], a typically Annamese condiment which is used in practically all their dishes. It is made from a kind of brine exuding from decaying fish, and in former days six years were required before it had reached full maturity. But in modern times the preparation has been put on the market, and can be made by chemical processes in a very short time.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Apple, Raymond Walter, Jr. (13 Agosto 2003). "Asian Journey; Looking Up an Old Love On the Streets of Vietnam". The New York Times. New York Times Company.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  41. Bloom, Dan, "What's that Pho? - French loan words in Vietnam hark back to the colonial days" Taipei Times, May 29, 2010.
  42. Trịnh Quang Dũng (8 Enero 2010). "Khởi nguồn của phở" [Origins of pho]. Báo Khoa Học Phổ Thông (sa wikang Biyetnames). Ho Chi Minh City Union of Science and Technology Associations. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2013. Nakuha noong 21 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. 43.0 43.1 Nguyễn Dư (2006). Khơi Lại Dòng Xưa: Nghiên cứu - biên khảo văn hóa dân gian Việt Nam [Dredging up the past: Researching Vietnamese folk culture] (sa wikang Biyetnames). Hanoi: Nhà xuất bản Lao động. p. 110. Tản Đà gọi nhục phấn là phục phơ. Chữ phấn chuyển qua phơ trước khi thành phở. Phơ của nhục phơ (chứ không phải feu của pot-au-feu) mới là tiền thân của phở.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Siêu Hải (2000). Trăm Năm Truyện Thăng Long – Hà Nội (sa wikang Biyetnames). Youth Publishing House. pp. 373–375. Nguồn gốc của nó là món canh thịt trâu xáo hành răm ăn với bún. Bà con ta thường gọi là xáo trâu rất phổ biến ở các chợ nông thôn và các xóm bình dân ở Hà Nội.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. 45.0 45.1 Peters, Erica J. (16 Oktubre 2011). Appetites and Aspirations in Vietnam: Food and Drink in the Long Nineteenth Century. Rowman Altamira. p. 204. ISBN 0759120757. Networks of Chinese and Vietnamese who cooked or butchered meat for the French most likely diverted beef remnants to street soup vendors …. By 1919, Jean Marquet reports hearing 'Yoc Pheu!' called out on the streets of Hanoi by Vietnamese selling beef soup …. Du village à la cité, Marquet's novel about Vietnamese urbanization and radicalism, …. may be the earliest use of the word in print, and the earliest effort to label phở a uniquely Vietnamese dish.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "pho". The American Heritage Dictionary of the English Language (ika-5 (na) edisyon). Houghton Mifflin Harcourt Publishing Company. 2018. Nakuha noong Hulyo 16, 2018. A soup of Vietnamese origin typically consisting of rice noodles, onions, herbs, seasonings, and thinly sliced beef or chicken in a clear broth.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Johnathon Gold Pho Town; Noodle stories from South El Monte Dec. 12-18 2008 LA Weekly
  48. Diana My Tran (2003). The Vietnamese Cookbook. Capital Lifestyles (ika-illustrated (na) edisyon). Capital Books. pp. 53–54. ISBN 1-931868-38-7. Nakuha noong 2011-10-22.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)