[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Naengmyeon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Naengmyeon
Isang mangkok ng naengmyeon
Ibang tawagRaengmyŏn
UriGuksu
LugarHilagang Korea
Rehiyon o bansaPyongyang at Hamhung
Kaugnay na lutuinLutuing Koreano
Ihain nangMalamig
Pangunahing SangkapPansit (harina at almirol ng hayang trigo, patatas, kamote)
BaryasyonMul-naengmyeon, bibim-naengmyeon, hoe-naengmyeon
Enerhiya ng pagkain
(per 100 g paghain)
110 kcal (461 kJ)[1]
Pangalang Koreano (Timog Korea)
Hangul냉면
Hanja冷麵
Binagong RomanisasyonNaengmyeon
McCune–ReischauerNaengmyŏn
IPA[nɛŋ.mjʌn]
Pangalang Koreano (Hilagang Korea)
Chosŏn'gŭl랭면
Hancha冷麵
Binagong RomanisasyonRaengmyeon
McCune–ReischauerRaengmyŏn
IPA[ɾɛŋ.mjʌn]

Ang naengmyeon[2] (냉면; 冷麵, sa Timog Korea) o raengmyŏn (랭면, sa Hilagang Korea) ay isang putaheng pansit mula sa Hilagang Korea na binubuo ng mahahaba at maninipis na pansit na de-kamay na ginawa mula sa harina at gawgaw ng iba't ibang mga sangkap, kabilang dito ang hayang trigo (메밀, memil), patatas, kamote, gawgaw ng uraro (mas matingkad at mangunguya kaysa sa pansit na hayang trigo) at kudzu (, chik). Pinakakaraniwan ang hayang trigo (sa kabila ng pangalan, hindi ito trigo ngunit mas malapit ang kaugnayan sa alasan). Gawa ang mga ibang baryante ng naengmyeon mula sa sangkap tulad ng damong-dagat at tsaang lunti.

Sa modernong panahon, karaniwang inuugnay at kinakain ng marami ang baryanteng mul naengmyeon (물 냉면) tuwing tag-init; subalit sa kasaysayan tinamasa itong putahe tuwing taglamig.[3][4][5]

Ayon sa ika-19 na siglong dokumentong Dongguksesigi (동국세시기, 東國歲時記), ginagawa ang naengmyeon mula pa noong Dinastiyang Joseon.[6] Isang delikasiya ng Hilagang Korea noong una, lalo na sa mga lungsod ng Pyongyang (평양) at Hamhung (함흥),[7] pumatok nang todo ang naengmyeon sa buong Korea kapwa Hilaga at Timog Korea pagkatapos ng Digmaang Koreano.[6]

Inihahain ang naengmyeon sa isang malaking mangkok na tanso o di-kinakalawang na bakal na may masigid at malamig na sabaw, hinulyanang pipino, mga hiwa ng Koreanong peras, maninipis at malalapad na piraso ng labanos na inatsara nang banayad, at isang nilagang itlog o mga hiwa ng malamig na pinakuluang karne ng baka o ang dalawang ito. Madalas idinaragdag ang maanghang na sarsang mustasa (o langis ng mustasa) at suka bago ito kakainin. Ayon sa kaugalian, kinakain ang mahahabang pansit nang walang anumang pagputol dahil sumisimbolo ang mga ito ng kahabaan ng buhay at mabuting kalusugan. Subalit sa mga restawran ngayon, itinatanong ng mga serbidor kung dapat putulin ang pansit bago kainin, at ipinampuputol ng pansit ang gunting.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "mul-naengmyeon" 물냉면. Korean Food Foundation (sa wikang Koreano). Nakuha noong 16 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. (sa Koreano) "주요 한식명(200개) 로마자 표기 및 번역(영, 중, 일) 표준안" [Estandardisadong Romanisasyon at Salinwika (Ingles, Tsino, at Hapones) ng (200) Pangunahing Ulam ng Korea] (PDF). en. National Institute of Korean Language. 2014-07-30. Nakuha noong 2017-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. HAE-JIN LEE, CECILIA (29 Disyembre 2015). "Here's why you want to go to K-Town for cold noodles, even in the middle of winter" [Narito kung bakit gusto mong pumunta sa K-Town para sa malamig na pansit, kahit na sa kalagitnaan ng taglamig]. Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Behind Story" [Sa Likod ng Kwento]. CJ CHEILJEDANG (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2021. Nakuha noong 12 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Yoon, Sojung. "Korean recipes: Naengmyeon (냉면)" [Mga resiping Koreano: Naengmyeon (냉면)]. KOREA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "냉면" [Naengmyeon]. Doosan Encyclopedia (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2021. Nakuha noong 7 Setyembre 2015 – sa pamamagitan ni/ng Naver Encyclopedia of Knowledge [ko].{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Sohn, Ji-young (20 Abril 2018). "[Weekender] Pyongyang vs. Hamhung: Naengmyeons of Korea" [[Weekender] Pyongyang k. Hamhung: Mga Naengmyeon ng Korea]. The Korea Herald (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Abril 2018. Nakuha noong 18 Hunyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]