[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Mores

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mores
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Asterales
Pamilya: Asteraceae
Tribo: Cynareae
Sari: Arctium
L., 1753
Mga uri

Ang mores[1] (Ingles: burdock) ay anuman sa isang pangkat ng mga halamang-tinik (mga thistle sa Ingles) na nasa saring Arctium, pamilyang Asteraceae. Katutubo sa Matandang Daigdig, may ilang mga uring malawakang naipakilala sa buong mundo.[2] May maiitim na kaluntian ang mga dahon ng mga halamang nasa saring Arctium, mga dahong lumalaki magpahanggang 18" (45 sentimetro) ang haba. Sa pangkalahatan, malalaki ang mga dahong ito na bilohabain at magagaspang, na hugis-puso ang mga nasa bandang ibaba ng katawan ng halaman. Mabalahibo ang mga dahon sa pang-ilalim na bahagi. Pangkaraniwang walang laman ang mga tangkay ng mga dahong ito. Kalimitang namumulaklak ang mga uring Arctium tuwing Hulyo hanggang Oktubre.

Natatangi ang mga matitinik na ulo ng mga halamang ito sa kadaliang ng pagsabit sa mga damit, kaya't isa itong katangian, mekanismo at kaparaanang nakatutulong sa pagpapakalat ng sariling mga butong maaaring umusbong pa bilang mga bagong halamang mores.[2] Nakapagdurulot ang mga bungang himulmol (mga bungang salubsob o tinga, tinatawag na burr sa Ingles) nito ng iritasyon at maaaring makapagsanhi ng bolang-buhok sa bituka ng mga alagang hayop. Subalit, karamihan sa mga hayop ang umiiwas sa pagkain at paglunok ng mga halamang ito.

Malaking bilang ng mga uri ang inilagay sa saring Arctium sa isang panahon o iba pa, ngunit kabilang na sa kaugnay na saring Cousinia ang karamihan sa kanila. Mahirap tiyakin ang tumpak na mga hangganan ng sakop sa pagitan ng Arctium at Cousinia; mayroong ekstaktong pagkakaugnayan sa pagitan ng kanilang piloheniyang molekular. Paminsan-minsang ikinalilito o ikinamamali ang mga mores sa mga saring Xanthium at saring Rheum.

Kasama ng ibang mga halaman, kadalasang kinakain ng mga larba ng Hepialus humuli ang mga ugat ng mores. Ginagamit na pagkain ng ibang ulyabid (Lepidoptera) ang mga ito kabilang ang Euproctis chrysorrhoea, Coleophora paripennella, Coleophora peribenanderi, Naenia typica, Eupithecia centaureata at Odontopera bidentata.

Maaaring makasanhi ng pangangating sanhi ng pagkakadikit o pagkakadampi sa halamang mores sa mga tao, partikular na ang mga lunting bahaging nasa itaas ng lupa, dahil sa mga lakton na nililikha ng halaman.

  1. Blake, Matthew (2008). "Mores, burdock". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Arctium". Flora of North America. Nakuha noong 2008-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)