Live While We’re Young
"Live While We're Young" | |
---|---|
Awitin ni One Direction | |
mula sa album na Take Me Home | |
Nilabas | 28 Setyembre 2012 |
Nai-rekord | 2012; Kinglet Studios (Stockholm, Sweden) |
Tipo | Bubblegum pop |
Haba | 3:18 |
Tatak | Syco |
Manunulat ng awit | Rami Yacoub, Carl Falk, Savan Kotecha |
Prodyuser | Rami Yacoub, Carl Falk |
Music video | |
"Live While We're Young" sa YouTube |
Ang Live While We’re Young ay ang pangunahing isahang awit (single) ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction na nagmula sa kanilang ikalawang studio album na Take Me Home (2012). Isinulat nina Savan Kotecha at ng mga prodyuser na sina Rami Yacoub at Carl Falk, ang awitin ay inilabas ng Syco Records noong ika-28 ng Setyembre 2012. Sina Falk, Kotecha at Yacoub din ang nasa likod ng sumikat na mga awitin ng One Direction na What Makes You Beautiful at One Thing. Ang kanta ay mailalarawan bilang uptempo, upbeat bubblegum pop na nagtatampok ng mga rock undertones, harmonya ng mga tinig, mga palakpak, prominenteng riff ng elektronikong gitara at paulit-ulit na mga synthesizer. Ang koro ng kanta'y dominanteng tampok kasama ng tulay nito, at may mga chant na maririnig sa background. Ang pasakalyeng riff ng gitara nito'y may pagkakahawig sa isahang awit ng grupong The Clash noong 1982 na "Should I Stay or Should I Go."
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.