[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

One Thing

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
"One Thing"
Isang makulay na nagtatampok sa limang kabataang lalaki sa isang tulay sa Londres, Inglatera
Awitin ni One Direction
mula sa album na Up All Night
B-side"I Should Have Kissed You"
Nilabas06 Enero 2012
TipoPop rock
Haba3:10
Tatak
Manunulat ng awit
Prodyuser
  • Carl Falk
  • Rami Yacoub

Ang One Thing ay ang ikatlong single ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction mula sa kanilang paunang studio album, ang Up All Night (2011). Inilabas ito sa iba't ibang mga bansa ng Syco Music noong ika-6 ng Enero 2012, bilang kanilang ikalawang single, at ikatlo naman sa Nagkakaisang Kaharian o UK noong ika-13 ng Pebrero 2012. Bilang dagdag, ipinadala naman ito ng Columbia Records sa mga estasyon ng radyong nagpapatugtog ng modernong musika noong ika-22 ng Mayo 2012, bilang kanilang ikalawang single sa Estados Unidos. Isinulat nina Savan Kotecha at ng mga prodyuser na sina Carl Falk at Rami Yacoub, sa simula, ang upbeat pop rock na awiting ito'y isinulat bilang dalawang magkaibang kanta. Dahil sa parehong may magagandang katangian ang magkaibang awit, napagpasiyahan ng tatlo na pagsamahin ito bilang isa. Ang lamang letra ng kanta ay tumutukoy sa nararamdaman ng isang tao sa kanyang pinahahalagahan.


Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.