[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Gulong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gulong ng isang bisikleta.

Ang gulong[1] ay isang mabilog na aparatong may kakayahang umikot o uminog sa kaniyang aksis (painugan o paikutan), na nakapagdurulot ng paggalaw na pag-ikot o paggulong. Tinatawag din itong ruweda.[1] Nakatutulong ito sa pagdadala ng mga bagay na may bigat o lulang tao, at maging sa pagsasagawa ng mga gawaing pangmakina. Naiiwasan ng gulong ang pagkakaroon ng pagkagasgas o pamimingki (priksyon) sa pamamagitan ng galaw o kilos na pagulong.

Para umikot ang mga gulong, kailangang may momentum o buwelo sa kaniyang aksis na nagbubuhat sa gawi ng dagsin o iba pang panlabas na lakas o kapangyarihan. Ginagamit ang gulong sa transportasyon o paglalakbay. Nagagamit din ang gulong bilang pangmaneho ng mga sasakyang katulad ng manibela sa kotse at sa barko.

Itinuturing na isang payak na makina ang gulong at kadalasan ginagamitan ng metalikang liyabe para maayos ang paghugot ng mga kunsi[2] at para suwabe tumakbo ang kaakibat nitong sasakyan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Gulong, ruweda". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Syam Na Klasi ng Metalikang Liyabe | Turbolts.com

TeknolohiyaTransportasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya at Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.