Tustadong tinapay
Itsura
Ang tustadong tinapay, tinapay na tustado, tinustang tinapay, natustang tinapay, o tustang tinapay (Ingles: toast, toasted bread) ay ang tinapay na naging kayumanggi ang kulay dahil sa pagkakadarang sa bumubuga o nagliliyab na init. Dahil sa pagtutusta, umiinit ang tinapay at nagiging mas matatag, kaya't hindi natatapon o bumabagsak mula rito ang mga palaman o iba pang pagkaing ipinapatong. Isang pangkaraniwang paraan ang pagtutusta upang maggawang makakain pa at malasa ng hindi na sariwa, bilasa, o tira-tira (luma) nang tinapay. Isang kasangkapang ginagamit sa pagtutusta ng tinapay ay ang tustahan ng tinapay.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.