[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Teodosio I

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Teodosio I
Ika-67 Emperador ng Imperyo Romano
Paghahari19 Enero 379 – 15 Mayo 392 (emperador sa Silangang Imperyo Romano);
15 Mayo 392 – 17 Enero 395 (buong imperyo)
Buong pangalanFlavius Theodosius (mula kapanganakan hanggang sa pag-akyat sa trono);
Flavius Theodosius Augustus (bilang emperador)
Kapanganakan11 Enero 347(347-01-11)
Lugar ng kapanganakanCauca, o Italica, malapit sa Seville, modernong Espanya
Kamatayan(395-01-17)17 Enero 395 (aged 48)
Lugar ng kamatayanMediolanum
PinaglibinganConstantinople, kasalukuyang Istanbul
SinundanValens sa Silangang Imperyo Romano
Gratian sa Kanlurang Imperyo Romano
Valentinian II
KahaliliArcadius sa Silangang Imperyo Romano ;
Honorius sa Kanlurang Imperyo Romano
Konsorte kay1. Aelia Flaccilla (?-385)
2. Galla (?-394)
SuplingArcadius
Honorius
Pulcheria
Galla Placidia
DinastiyaTheodosian
AmaMatandang Theodosius
InaThermantia
Mga paniniwalang relihiyosoKristiyanismong Niseno

Si Flavio Teodosio (11 Enero 347 – 17 Enero 395), o Teodosio I at Dakilang Teodosio (Latin: Flavius Theodosius) ay ang emperador ng Roma mula 379-395. Dahil sa kanyang pinag-isa ang Silangan at Kanlurang bahagi ng Imperyo Romano, siya ang pinakahuling emperador ng Silangan at Kanlurang Imperyong Romano. Pagkalipas ng kanyang kamatayan, ang 2 bahagi ng Imperyo Romano ay tuluyan nang nagkahiwalay. Si Theodosius din ang emperador na gumawa sa relihiyonng Kristiyanismong Niseno bilang opisyal na relihiyong estado ng imperyo. Siya ay kinikilalang santo sa Silangang Ortodokso bilang San Theodosius. Kanyang tinalo ang mga mang-aagaw ng tronong si Magnus Maximus at Eugenis at nagtaguyod ng pagwasak ng mga kilalang templong pagano: ang Serapeum sa Alexandria, ang Templo ni Apollo sa Delphi at ang Mga birheng bestal sa Roma. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang mga anak na sina Arcadius at Honorius ay respektibong nagmana ng mga kalahating Silangan at Kanluran ng imperyo at ang Imperyo Romano ay hindi na kailanman muling nagkaisa. Noong 393 CE, kanyang ipinagbawal ang palarong Olimpiko sa Sinaunang Gresya. Ang Olimpiko ay idinaos lang muli noong 1896.

Si Theodosius ay ipinanganak sa Cauca o Italica, Hispania sa senyor na militar na opiser na si Matandang Theodosius. Kanyang sinamahan ang kanyang upang sugpuin ang Dakilang Konspirasiya noong 368 CE. Siya ay isang komander ng hukbo (dux) ng Moesia na isang probinsiyang Romano sa mas mababang Danube noong 374 CE. Gayunpaman, sa sandaling pagkatapos nito at parehong sa biglaang kahihiyan at pagpaslang ng kanyang ama, si Theodosius ay nagretiro sa Espanya. Ang dahil ng kanyang pagreretiro at ang relasyon kung meron sa pagita nito at kamatayan ng kanyang ay hindi malinaw. Posibleng siya ay inalis mula sa kanyang komando ng emperador Valentinian I pagkatapos ng pagkatalo ng dalawang mga lehiyon ni Theodosius sa mga Sarmatian noong huli nang 374 CE. Ang kamatayan ni Valentinian I ay lumikha ng isang kaguluhang pampolitika. Sa takot ng karagdagang pag-uusig dahil sa kanyang mga ugnayang pampamilya, si Theodosius ay biglaang nagretiro sa mga estado ng kanyang pamilya sa probinsiya ng Gallaecia (kasalukuyang Galicia, Espanya) kung saan ay umangkop siya sa buhay ng isang aristokrata ng probinsiya. Mula 364 CE hanggang 375 CE, ang Imperyo Romano ay pinamamahalaan ng dalawang mga kapwa-emperador na magkapatid na sina Valentinian I at Valens. Nang mamatay si Valentinian noong 375 CE, ang kanyang mga anak na sina Valentinian II at Gratian ay humalili sa kanya bilang mga pinuno ng Kanluraning Imperyo Romano. Noong 378 CE, pagkatapos mapatay si Valens sa Labanan ng Adrianople, inimbitahan ni Gratian si Theodosius na pangasiwaan ang hukbong Illyrian. Dahil walang kahalili sa trono si Valens, ang paghirang ni Gratian kay Theodosius ay katumbas ng isang imbitasyong de facto para kay Theodosius na maging kapwa-Augustus para sa Silangan. Si Gratian ay napatay sa isang paghihimagsik noong 383 CE. Pagkatapos ay hinirang ni Theodosius ang kanyang mas matandang anak na si Arcadius bilang kanyang kapwa-pinuno ng Silangan. Pagkatapos ng kamatayan ni Valentian II noong 392 CE na sinuportahan ni Theodosius laban sa iba't ibang mga pagsunggab sa trono, si Theodosius ay namuno bilang ang tanging Emperador at hinirang ang kanyang mas batang anak na si Honorius Augustus bilang kanyang kapwa-pinuno para sa Kanluran. Sa pagkatalo ng mang-aagaw ng tronong si Eugenius sa Labanan ng Frigidus noong 6 Setyembre 394 CE, kanyang napanumbalik ang kapayapaan.

Kristiyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinaguyod ni Theodosius I ang Kredong Niseno na interpretasyon na pinaniniwalaan ng Simbahan sa Roma at Simbahan sa Alexandria. Noong 27 Pebrero 380 CE, sina Theodosius I, Gratian at Valentinian II ay naglimbag ng "Kautusan ng Tesalonica" upang ang lahat ng kanilang mga nasasakupan ay maghayag ng pananampalataya ng mga obispo ng Roma na si Papa Damaso I at ng Alexandria na si Papa Pedro II ng Alexandria (i.e pananampalatayang Niseno).[1] Kanyang binigyan ng autorisasyon ang mga tagasunod ng kautusang ito na kunin ang pamagat na mga "Katolikong Kristiyano".[1] Ang Kautusang ito ay inisyu sa ilalim ng impluwensiya ni Acholius at kaya ay ni Papa Damaso I na humirang sa kanya. Si Acholius ang obispo ng Tesalonika na nagbautismo kay Theodosius I pagkatapos nitong magkaroon ng malalang sakit. Noong 26 Nobyembre 380 CE, dalawang araw pagkatapos niyang makarating sa Constantinople, kanyang pinatalsik ang obispong hindi-Nicene na si Demophilus ng Constantinople at hinirang si Meletius patriarka ng Antioch at Gregoryo ng Nazianzus na isa sa mga Amang Cappadocian, patriarka ng Constantinople. Noong 38 Mayo 1 CE, hinimok ni Theodosius ang isang bagong konsehong ekumenikal sa Constantinople upang kumpunihin ang schism sa pagitan ng Silangan at Kanluran sa batayan ng ortodoksiyang Niseno.[2] Inilarawan ng konseho ang ortodoksiya kabilang ang misteryosong Ikatlong Persona ng Trinidad, na Banal na Espirito na bagaman katumbas ng Ama ay nagmula sa kanya samantalang ang Anak ay ipinanganak ng Ama.[3] Kinondena rin ng konseho ang mga heresiyang Apollinarismo at Pneumatomachi, niliwanag ang mga hurisdiksiyon ng simbahang estado ng Imperyo Romano ayon sa mga hangganang sibil at nagpasya na ang Constantinople ay ikalawa sa karapatan sa pangunguna sa Roma.[3] Noong 383 CE, iniutos ni Theodosius I sa iba't ibang mga hindi-Nisenong sektang Kristiyano na Arianismo, Anomoeanismo, Macedonian at Novatian na magsumite ng isinulat na mga kredo sa kanya na kanyang siniyasat at pagkatapos ay sinunog maliban sa kredo ng mga Novatian. Ang ibang mga sekta ay nawalan ng karapatan na magpulong, mag-ordina ng mga pari at ikalat ang kanilang mga paniniwala.[4] Ipinagbawal ni Theodosius I ang pagtira ng mga heretiko sa loob ng Constantinople at noong 392 CE at 394 CE ay kinumpiska ang kanilang mga lugar ng sambahan.[5]

Pag-uusig sa paganismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pag-uusig na Kristiyano ng paganismo sa ilalim ni Theodosius I ay nagsimula noong 381 pagkatapos ng unang ilang taon ng kanyang pamumuno sa Silangang Imperyo Romano. Noong 380, inulit ni Theodosius I ang pagbabawal ni Constantino I sa paghahandog na pagano, ipinagbawal ang haruspicy sa parusa ng kamatayan, pinangunahan ang kriminlasisyon ng mga Mahistrado na hindi nagpapatupad ng mga batas na anti-pagano, sinira ang mga ugnayang pagano at winasak ang mga templong pagano. Sa pagitan ng 389–391, kanyang inihayag ang mga Kautusan na Theodosian na nagbabawal ng paganismo.[6][7][8] Siya ay nag-isyu ng komprehensihibong batas na nagbabawal sa anumang paganong ritwal kahit sa pribasiya ng tahanan ng mga ito [9] at umapi sa mga Manichean.[10] Ang paganismo ay pinagbabawal na, isang "religio illicita."[11]

Ang Kristiyanismo ay naging mas nauugnay sa imperyo na humantong sa mga pag-uusig ng mga Kristiyano sa labas ng imperyo dahil ang mga pinuno nito ay natakot na ang mga Kristiyano ay maghihimagsik na pumapabor sa emperador.[12] Noong 385, ang bagong legal na autoridad na ito ng nananaig na bersiyon ng Kristiyanismo ay humantong sa unang paggamit ng parusang kamatayan na inihahayag bilang sentensiya sa heretikong Kristiyanong si Priscillian. [13]

Si Theodosius ay namatay pagkatapos magdanas sa isang sakit na kinasasangkutan ng isang malalang edema sa Milan noong 17 Enero 395 CE. Si Ambrose ay nangasiwa at namahala ng paghimlay sa estado ni Theodosius. Si Ambrose ay naghatid ng isang panegyric na pinamagatang De Obitu Theodosii[14] sa harapan nina Stilicho at Honorius kung saan ay dinetalye niya ang pagsupil ng heresiya at paganismo ni Theodosius. Si Theodosius ay inilibing sa Constantinople noong 8 Nobyembre 395 CE.[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Theodosian Code XVI.i.2, Medieval Sourcebook: Banning of Other Religions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-27. Nakuha noong 2012-12-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Williams and Friell, p54.
  3. 3.0 3.1 William and Friell, p55.
  4. Boyd (1905), p. 47
  5. Boyd (1905), p. 50
  6. Theodosian Code 16.10.11
  7. Routery, Michael (1997) The First Missionary War. The Church take over of the Roman Empire, Ch. 4, The Serapeum of Alexandria
  8. Theodosian Code 16.10.10
  9. "A History of the Church", Philip Hughes, Sheed & Ward, rev ed 1949 Naka-arkibo 2018-12-23 sa Wayback Machine., vol I chapter 6.
  10. "The First Christian Theologians: An Introduction to Theology in the Early Church", Edited by Gillian Rosemary Evans, contributor Clarence Gallagher SJ, "The Imperial Ecclesiastical Lawgivers", p68, Blackwell Publishing, 2004, ISBN 0-631-23187-0
  11. Hughes, Philip Studies in Comparative Religion, The Conversion of the Roman Empire, Vol 3, CTS.
  12. MacCulloch, Christianity, pp. 185, 212.
  13. "Lecture 27: Heretics, Heresies and the Church". 2009. Nakuha noong 2010-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Review of Church policies towards heresy, including capital punishment (see Synod at Saragossa).
  14. Williams and Friell, p.139.
  15. Williams and Friell, p. 140.