Wikang Romblomanon
Itsura
Romblomanon | |
---|---|
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Lalawigan ng Romblon (Buong Romblon at Sibuyan na mga kapuluan; ilang bahagi ng Tablas maliban sa Banton, Corcuera, Maestro de Ocampo at Carabao) |
Mga natibong tagapagsalita | 94,000 (2011)[1] |
Austronesyo
| |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | rol |
Glottolog | romb1245 |
Lugar kung saan sinasalita ang Romblomanon |
Ang Wikang Romblomanon ay isang Austronesyo na wikang panrehiyon na sinasalita, kasama ang mga wikang Asi at Onhan, sa lalawigan ng Romblon, Pilipinas. Ang wika ay tinatawag din na Ini, Tiyad Ini, Basi, Niromblon, at Sibuyanon. Bahagi ito ng pamilya ng wikang Bisaya at malapit na kaugnay ng iba pang mga wikang Pilipino
Sa partikular, ito ay sinasalita sa mga sumusunod na mga pulo sa loob ng Romblon:
- Romblon: ang tanging munisipalidad ng Romblon.
- Sibuyan: lahat ng munisipalidad nito, ang Cajidiocan, Magdiwang, at San Fernando.
- Tablas: ang munisipalidad ng San Agustin.
- Silangang Mindoro: dinala ng mga mandarayuhan na Romblomanong mananalita mula sa Carmen sa Tablas ang wika partikular sa munisipalidad ng Bansud at pati na rin ng mga mandarayuhan na Romblomanong mananalita mula sa Tablas, Romblon at mga pulo ng Sibuyan sa sumusunod na mga munisipalidad ng Mansalay, Bulalacao at mga bahagi ng Bongabong at Roxas ayon sa pagkakabanggit.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Romblomanon sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)