[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Pokémon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang opisyal na logo ng Pokemon.

Ang Pokemon ay isang media franchise na mina-manage ng The Pokemon Company, isang consortium na kinabibilangan ng Nintendo, Game Freak at Creatures. Ang copyright ng buong franchise ay pinahahatian ng tatlong kompanya ngunit ang trademark ay pagaari ng Nintendo lamang. Ang Pokemon ay nilikha ni Satoshi Tajiri noong taong 1995, at ito ay binubuo ng mga piksyonal na mga nilikha na tinatawag na "Pokemon". 

Nagsimula ang franchise sa dalawang video games na ginawa para sa unang Game Boy. Ito ay dinebelop ng Game Freak and nilathala ng Nintendo. Binubuo na ito ngayon ng mga video game, larong pang trading card, serye ng mga anime, mga pelikula, komiks at mga laruan. Ang Pokemon isa sa mga pinakamatagumpay na franchise ng isang video game. Pangalawa lamang sa franchise ng Mario na pagaari din ng Nintendo. Ito ay kabilang din sa iba pang franchise ng Nintendo, tulad ng Super Smash Bros.

Ipinagdiwang ng Pokemon and ika-sampung anibersaryo nito noong 2006. Nood 2016 namang ang ika-dalawampung anibersaryo na ipinagdiwang sa pamamagitang ng pag-ere ng isang patalastas sa  Super Bowl 50, pag labas muli ng Pokemong Red (Pula), Blue (Asul) at Yellow (Dilaw), at magpapabago ng kabuang paraan ng paglalaro sa mga bagong laro na ilalabas. 

Ang slogan ng franchise sa USA ay "Gotta Catch 'Em All!" (Tipunin silang lahat!).

Ang mga henerasyon na ginawa ng Nintendo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangunahing Artikulo: Talaan ng mga larong Pokémon

Unang henerasyon (Color Generation)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga bala na para sa Game Boy sa salinlahing ito ay ang Pokémon Red Version, Pokémon Blue Version at Pokémon Yellow Version. Ang Pokémon Yellow ay hango sa istorya ng Pokémon animé. Ang mga Pokémon sa Pokémon Red, Blue (Green sa bansang Hapon) at Yellow ay mula kay Bulbasaur hanggang kay Mew. Ang mga Pokémon dito ay umaabot sa 151. Si Mew ang unang rare Pokémon na hindi mahuhuli kung walang glitch na ginamit. Si Mew ay maaari nang makuha sa pangatlong salinhali sa pamamagitan ng Old Sea Chart.

  • Pokémon Red Version & Pokémon Blue Version (katumbas ng Green Version sa Hapon)
  • Pokémon Yellow
  • Pokémon Stadium (para sa Nintendo 64)
Ang screenshot ng Pokemon Gold.

Pangalawang henerasyon (Metallic Generation)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pangalan ng balang para sa Game Boy Color sa salinlahing ito ay ang Pokémon GoldVersion, Pokémon Silver Version at Pokémon Crystal Version. Dito nadagdagan ang Pokémon ng 100, mula kay Chikorita hanggang kay Celebi. Sa salinlahing ito ay mayroon nang 251 na Pokémon. Sa unang pagkakataon ay pwede nang pagpilian kung ang karakter mo ay lalake o babae.

  • Pokémon Gold Version & Pokémon Silver Version
  • Pokémon Crystal Version
  • Pokémon Stadium 2 (para sa Nintendo 64)

Ikat'long henerasyon (Advance Generation)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga bala para sa Game Boy Advance sa salinlahing ito ay ang Pokémon Ruby Version, Pokémon Sapphire Version, Pokémon FireRed Version, Pokémon LeafGreen Version at Pokémon Emerald Version. Dito nadagdagan ng 135 ang Pokémon, mula kay Treecko papunta kay Deoxys. Sa salinhaling ito, mayroong nang 386 na Pokémon. Sa unang pagkakataon ay pwede nang makipagpalit ng Pokémon sa ibang naglalaro gamit ang wireless adapter.

Ang screenshot ng Pokemon FireRed at LeafGreen.
  • Pokémon Ruby Version & Pokémon Sapphire Version
  • Pokémon FireRed Version & Pokémon LeafGreen Version
  • Pokémon Emerald Version
  • Pokémon Box: Ruby and Sapphire (hango sa Pokémon storage system ng laro; hindi ito talagang laro) (para sa GameCube)
  • Pokémon XD: Gale of Darkness (para sa GameCube)
  • Pokémon Colosseum (para sa GameCube)
Ang screenshot ng Pokedex ng Pokemon Emerald.

Ika-apat na henerasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga laro ay nasa Nintendo DS, at dito, mas maganda ang paglaro, dahil sa mga makabagong teknolohiyang ginamit upang malikha ito. Ang mga Pokémon dito ngayon ay mula kay Turtwig hanggang kay Arceus. 493 na Pokémon na ang mayroon ngayon. Ang mga laro sa salinlahing ito ay:

  • Pokémon Diamond Version & Pokémon Pearl Version
  • Pokémon Battle Revolution (para sa Wii)
  • Pokémon Platinum Version
  • Pokémon HeartGold Version & Pokémon SoulSilver Version

Ika-limang henerasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay malalaro din sa Nintendo DS, gaya sa pang-apat ng salinlahi. Mayroong 156 na Pokémon ang nadagdag dito, mula kay Victini hanggang kay Genesect. Mayroon nang 649 na Pokémon sa salinlahing ito. Ang mga laro sa salinlahing ito ay:

  • Pokémon Black Version & Pokémon White Version
  • Pokémon Black Version 2 & Pokémon White Version 2

Inanunsyo ni Satoru Iwada, presidente ng Nintendo, noong ika-8 ng Enero, 2013 ang ika-anim na salinlahi ng Pokémon. Malalaro ito sa Nintendo 3DS. May 71 na mga bagong Pokémon ang lumabas, mula kay Chespin hanggang kay Volcanion, at ang kabuuang bilang ng mga Pokémon ay nasa 721 na sa salinlahing ito. Maliban sa mga bagong Pokémon na ito ay nagkaroon na rin ng mga Mega Evolution at Primal Reversion ang ilang Pokémon. Ang mga laro sa salinlahing ito ay:

  • Pokémon X & Pokémon Y
  • Pokémon Omega Ruby & Pokémon Alpha Sapphire

Ibang Larong Pokémon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga spin-off o labas-kuwento na larong Pokémon. Ang ilang ibang laro na nasa kaurian na ito ay mga simpleng laro na walang kuwento.

  • Pokémon Mystery Dungeon
  • Pokémon Card GB
  • Pokémon Pinball
  • Pokémon Picross (hindi mabibili)
  • Pokémon Puzzle Challenge (Game Boy Advance] lamang malalaro)
  • Pokémon Card GB 2 (Game Boy Advance] lamang malalaro)
  • Pokémon Pinball
  • Pokémon Dash
  • Pokémon Trozei!
  • Pokémon Ranger: Shadows of Almia
  • Pokémon Pikachu
  • Pokémon Pikachu 2
  • Cyber Poké Ball
  • Cyber Pokédex
  • Pokémon Party Mini
  • Pokémon Pinball Mini
  • Pokémon Puzzle Collection
  • Pokémon Zany Cards
  • Pokémon Tetris (Japanese)
  • Pokémon Race
  • Pokémon Puzzle Collection 2
  • Pokémon Breeder
  • Togepi's Adventure
  • Pichu Bros. Mini
  • Snorlax's Snacktime
  • Pokémon Conquest
  • Pokkén Tournament (arcade, Japanese)

Pagtrato sa Hayop

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Maraming mga environmentalist ang hindi nagustuhan ang paglaro ng Pokémon, ang paghuli at pakikipaglaban ng mga hayop (Pokémon) ay parang karera ang patayan ng kabayo.
  • Sa Saudi Arabia, ipinagbabawal mabanggit o laruin ang kahit anong produkto ng Pokémon franchise dahil ito raw ay nag-propromote ng Zionism.
  • Nagkaisyu ito sa simbahang katoliko dahil ang mga ibang elemento dito ay may pagka sataniko raw.

Ang Anime at Manga

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangunahing Artikulo: Pokémon (manga)

Mga Pangunahing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Black and White

Name Description
Ash (Satoshi) Si Ash ay 10 (Pokémon X&Y) at isang batang may balak na maging Pokemon Master. Bago

siya umabot sa kanyang pangarap ay kailangang niyang maglakbay sa iba't ibang rehiyon.

Ito ang kanyang mga tagumpay sa napuntahang na niyang mga rehiyon:

*Pokémon Indigo league Top 16 finalist

*Pokémon Orange league Champion

*Pokémon Johto League Top 8 finalist

*Pokémon Hoenn League Top 8 finalist

*Pokémon Battle Frontier Champion

*Pokémon Sinnoh League Top 4 Semi-Finalist

*Pokémon Unova League Top 8 finalist

Pikachu Ang Pikachu ay ang unang Pokémon ni Ash at ang kaniang kaibigan. Sila na ay nakapag-lakbay sa Kanto, Johto, Hoenn, Sinnoh, Unova at Kalos.
Clemont (Citron) Isang imbentor na nakasama ni ash sa Labas ng Lumiose City Gym. Ang kanyang backpack ay tinatawag niyang "Clemontic Gear" ay naglalaman ng iba't ibang mga imbensyon niya.
Bonnie (Eureka) Si Bonnie ay ang nakababatang kapatid ni Clemont. Sumasama siya sa paglalakbay nina Ash kasama ang kanyang Pokémon na si Dedenne.
Serena (Serena) Si Serena ay isang Pokemon Performer at kasama ni Ash sa kanyang paglalakbay sa Kalos. Sumasali siya sa mga Pokemon Showcase at nangongolekta ng mga susi na napapanalunan dito upang maging Kalos Queen.

Mga Dating Pangunahing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Brock
    • Si Brock (Takeshi sa Hapones) ay minsang naging gym lider ng pewter city sa kanto region at naging kasama ni ash mula Kanto,Johto,Hoenn at Sinnoh sa kanyang paglalakbay.
    • Ang Balak niya ay maging Pokemon Doctor.
  • Dawn
    • Si Dawn (Hikari) ay isang baguhang trainer sa Sinnoh. Ang balak niya ay isang magaling na Coordinator katulad sa kaniyang ina.
  • May at Max
    • Si May (Haruka) ay isang baguhang trainer na nasabi nya na hindi nya talaga gusto ang mga Pokemon. Naglaon ay nagpasya nalang siyang maging Coordinator(sumsali sa mga pokemon contest). Si Max (Masato) ang nakababatang kapatid ni May. Napapansin ay mas matalino siya kaysa kay May.
  • Guro Oak
    • Si Guro Samuel Oak (Dr. Yukinari Okido) ang Pokemon professor sa Pallet Town at lolo ni Gary. Siya ang nagbigay ng Pikachu kay Ash.
  • Misty
    • Si Misty (Kasumi) ang pinuno ng Cerulean gym. Ang dahilan kaya siya sumama kay ash ay dahil nasira ni Ash ang bisikleta ni Misty. Iniwan niya ang Cerulean gym upang maging Water Pokemon Researcher. Siya ay unang nakita sa episode na "Pokemon, I choose you." at sumama na kay Ash pagkatapos noon. Bago matapos ang "Pokemon MasterQuest" ay umalis na si Misty dahil siya na ang panibagong gym leader ng Cerulean City, pagkatapos umalis nang kanyang tatlong kapatid para sa isang "World Trip".
  • Tracy
    • Siya ay naging kasama ni Ash sa Orange Islands story arc. Siya ay may mga Marill at Venonat na Pokemon at siya ay nangangarap na maging sikat na Pokemon Artist. Ang kanyang orihinal na pangalan sa Hapon ay Kenji.
  • Gary Oak
    • Si Gary (Shigeru Okido) ang karibal ni Ash noong sanggol pa sila. Natanggap niya sa kanyang lolo, si Profesor Oak, ang kanyang unang pokemon na si Squirtle. Sa sumunod na season nag-evolve ang Squirtle ni Gary papunta kay Blastoise. Akala ng iba na si Eevee ang kanyang unang Pokemon, pero Squirtle talaga ang kanyang unang Pokemon. Sinabi ito noong laban nila ni Ash sa Johto League. Kung saan tinalo ng Charizard ni Ash ang Blastoise ni Gary kahit kahinaan ni Charizard ang tubig. Pagkatapos matalo ay sinundan niya ang yapak ng kanyang lolo at umalis upang magsaliksik ng iba pang mga pokemon.
  • Iris
  • Cilan

Team Rocket, Aqua, Magma, Galactic, at Plasma

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tignan ang Mga Kontrabida sa Pokemon na artikulo.