[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Megan Young

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Megan Young
Si Young noong 2023
Kapanganakan
Megan Lynne Young

(1990-02-27) 27 Pebrero 1990 (edad 34)
TrabahoAktress, Host, Modelo, VJ, Youth Ambassador
Aktibong taon2004 – Kasalukuyan
Tangkad1.73 m (5 ft 8 in)
TituloMiss World 2013
AsawaMikael Daez 2020
Beauty pageant titleholder
Major
competition(s)
Miss World Philippines 2013
(Winner)
Miss World 2013
(Winner)

Si Megan Lynne Young-Daez (ipinanganak 27 Pebrero 1990) ay isang Pilipinang aktres, at may hawak ng titulong Miss World 2013 na napanalunan niya noong 28 Setyembre 2013 sa Bali,Indonesia. Siya ang nakatatandang kapatid ni Lauren Young.

Buhay at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Young sa Alexandria, Virginia sa isang Pilipinang ina na si Victoria Talde mula sa Pandan, Antique, at isang Amerikanong ama na si Calvin Cole Young III.[1]

Lumipat ang pamilya ni Young sa Castillejos, Zambales noong siya ay sampung taong gulang. Nakatanggap siya ng sekondaryang edukasyon sa Regional Science High School III sa loob ng Subic Bay Freeport Zone mula 2002 hanggang 2005 bago lumipat sa Kalakhang Maynila upang ituloy ang kanyang karera sa pag-arte. Noong 2011, nagsimula siyang mag-aral ng filmmaking sa De La Salle-College of Saint Benilde.

2004–07: Maagang karera sa pag-arte sa GMA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang pagsabak ni Young sa showbiz ay sa pamamagitan ng ikalawang season ng talent reality search na StarStruck, kung saan nagtapos ito bilang isa sa anim na pinalista.[2] Ang kanyang unang trabaho sa pag-arte sa GMA ay sa Love to Love Presents: Love Ko Urok, kung saan ginampanan niya ang papel ni Meg. Pagkatapos ay ginampanan niya ang papel ni Anna sa Asian Treasures at ang papel ng isang diwata sa Mga Kuwento ni Lola Basyang.

2007–15: Paglipat sa ABS-CBN at TV5

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos ang mahigit dalawang taon sa GMA Artist Center, lumipat siya sa ABS-CBN kasunod ng kanyang kapatid na si Lauren Young. Siya ang unang artista mula sa StarStruck na lumipat sa karibal na istasyon ng GMA, ang ABS-CBN.

Unang lumabas si Young sa ABS-CBN sa youth oriented show na "Star Magic Presents" Astigs at Abt Ur Luv. Ginampanan din niya ang papel ni Shane sa Kokey, katapat ni Zanjoe Marudo. Nakilala siya nang lumitaw siya bilang isa sa mga celebrity housemates sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2, kung saan siya ay tinaguriang "The Princess of Charm". Pagkatapos ng Pinoy Big Brother, ginampanan niya ang kontrabida na si Marcela sa remake ng ABS-CBN ng I Love Betty La Fea, katapat ni John Lloyd Cruz. Noong 2009, isa siya sa apat na personalidad na ipinakilala bilang mga video jockey para sa muling paglulunsad ng Channel [V] Philippines.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Agting, Ira (29 Setyembre 2013). "8 fun facts about Megan Young". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Javate, Bianca (30 Setyembre 2023). "Megan Young on Her Virtual Empire, Becoming Her Own, and Stressing Out on Seventeen Tickets". Vogue Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.