[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

John Napier

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
John Napier
Kapanganakan1 Pebrero 1550 (Huliyano)
  • (Edinburgh, City of Edinburgh, Eskosya)
Kamatayan4 Abril 1617
NagtaposUnibersidad ng St Andrews
Trabahoteologo, matematiko, astronomo, pisiko, imbentor, astrologo

Si John Napier ng Merchistoun (1550 – 4 Abril 1617) - na lumalagda rin bilang Neper o Nepair - na may pangalang Marvellous Merchiston, ay isang Eskoses na matematiko, pisiko, astronomo, astrologo at ika-8 Laird ng Merchistoun, lalaking anak ni Sir Archibald Napier ng Merchiston. Higit siyang naaalala bilang ang imbentor ng mga logaritmo at mga buto ni Napier (Napier's bones sa Ingles)[1], at sa pagpapatanyag ng paggamit ng tuldok na desimal. Bahagi na ngayon ng Pamantasan ng Edinburgh ang pook ng kapanganakan ni Napier na Kastilyo ng Merchiston[1], kilala rin bilang Tore ng Merchiston, Edinburgo, Eskosya. Pagkaraang mamatay dahil sa piyo o gawt, inilibing si Napier sa Simbahan ni San Cuthbert, Edinburgo.

Kaugnay ng mga logaritmo, upang mapapayak ang mga kalkulasyon o pagsusuma na gamit ang kanyang mga logaritmo, umimbento siya ng isang pangkat ng pangsuma o pangkalkulang mga bareta o panukat, o mas pangkaraniwang tinatawag na "mga buto ni Napier" na naging mga ninuno ng mga pantuwid o ruler na napapadulas.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "John Napier". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik na N, pahina 430.

AstronomiyaTalambuhayMatematiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya, Talambuhay at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.