Inigo Jones
Inigo Jones | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Hulyo 1573 Londres, Inglatera |
Kamatayan | 21 Hunyo 1652 Bahay Somerset, Londres, Inglatera | (edad 78)
Nasyonalidad | Inglatera |
Mga gusali | Banqueting House, Whitehall Queen's House Wilton House Covent Garden |
Si Inigo Jones ( /ˈɪnᵻɡoʊ/; 15 Hulyo 1573 – 1521 Hunyo 1652) ay ang unang tanyag arkitektong Ingles sa unang bahagi ng modernong panahon, at ang unang gumamit ng Vitruviong mga patakaran ng proporsyon at mahusay na proporsiyon sa kaniyang mga gusali. Bilang pinaka kilalang arkitekto sa Inglatera, si Jones ang unang nagpakilala sa klasikal na arkitektura ng Roma at ng Renasimiyentong Italyano sa Britanya. Iniwan niya ang kaniyang pamana sa Londres sa pamamagitan ng kaniyang disenyo ng mga solong gusali, tulad ng Queen's House na siyang unang gusali sa England na dinisenyo sa isang purong klasikal na estilo, at ang Banqueting House, Whitehall, pati na rin ang pagkakaayos ng liwasang Covent Garden na naging isang modelo para sa mga hinaharap na mga estruktura sa West End. Gumawa siya ng mga pangunahing kontribusyon sa disenyo ng entablado sa pamamagitan ng kaniyang trabaho bilang isang tagadisenyo ng teatro para sa ilang dosenang mga mascarada, karamihan ay mula sa kahilingan ng kahatian at marami ay sa pakikipagtulungan kay Ben Jonson.