Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
|
---|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Ang Huling Panahon ng Sinaunang Ehipto ay tumutumugan sa mga pinunong Ehipsiyon pagkatapos ng Ikatlong Pagitang Panahon ng Ehipto noong Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto na itinatag ni Psamtik I ngunit kinabibilangan rin ng panahon ng pamumuno ng Imperyong Akemenida sa Ehipto pagkatapos ng pananakop ni Cambyses II noong 525 BC. Ang Huling Panahon ng Ehipto ay umiral mula 664 BCE hanggang 332 BCE kasunod ng panahon ng pamumuno ng mga dayuhang Ikadalawampu't limang dinastiya ng Ehipto at sa pasimula ng maikling panahon ng suseranyang Imperyong Neo-Asirya kung saan si Psamtik I ay sa simula namuno bilang basalyo nito. Ang panahong ito ay nagwakas sa pananakop ng Imperyong Akemenida ni Dakilang Alejandro at pagkakatatag ng Kahariang Ptolemaiko ng heneral ni Dakilang Alejandro na si Ptolemy I Soter na isa sa Helenistikong diadochi mula sa Macedon sa Hilagaang Gresya. Sa pananakop ng Kaharian ng Macedonia sa huling kahalahati ng ika-4 siglo BCE, ang Ehiptong Helenistiko ay nagsimula.