[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Kamera

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang lumang uri ng kamera mula sa kompanyang Agfa.
Isang kamerang dihital na gawa ng kompanyang Fujifilm.

Ang kamera[1] o kamara ay isang kasangkapan o aparatong nakakakuha ng mga larawan (litrato o piktyur). Sa Pilipinas, tinatawag din itong kodak bagaman isang pangalan ng kompanya at tatak ng kamera ang Kodak. Kaya mayroong salitang magkodakan na nangangahulugang "magkuhanan ng litrato (sa pamamagitan ng kamera)."

Ginagamitan ng potograpikong pilm (pilm na panlitrato) o elektroniks ang kamera para makalikha ng larawan ng isang bagay. Nililikha ng lenteng pangkamera ang imahen na nakikita ng pelikula o elektroniks. Sa Ingles, tinatawag na still camera o "hindi gumagalaw na kamera" ang kamerang kumukuha ng isang larawan bawat isang ulit. Tinatawag namang movie camera o kamerang pampelikula ang kamerang kumukuha ng maraming mga larawan sa isang hanay. Tinagurian namang video kamera (bideyo kamera, kamerang pangbidyo) o kamkorder (mula sa camcorder) ang kamerang kumukuha ng bideyo (video).

Sa kapayakan, isang kahon ang lahat ng kamera na hindi napapasok ng liwanag hanggang sa makuha ang isang larawan. Mayroon butas sa isang gilid ng kamera kung saan makakapasok ang liwanag, at tinatawag itong apertura (aperture). Sa kabilang gilid, naroon ang pilm sa isang pilm kamera o elektronikong sensor (elektronikong pandama) sa isang dihital na kamera (tambilangang kamera). Bilang huli, mayroon ding isang shutter o pansara, na nagpapatigil sa pagpasok ng liwanag hanggang sa makuha ang isang litrato.

Kapag nakuha na ang isang larawan o litrato, umaalis ang pansara. Sa pagtanggal na ito, pinapahintulutang makapasok ang liwanag sa apertura at magagawa ang isang larawan sa pilm o pandamang eletroniko. Sa maraming mga kamera, maaaring palitan ang sukat ng apertura para payagang pumasok ang mas marami o mas kaunting liwanag. Maaari ring baguhin ang bilang o tagal ng panahong pumapayag ang pansara para dumaan ang liwanag. Sa pinakakadalasan, kinokontrol ito ng elektroniks sa loob ng kamera, ngunit ang taong kumukuha ng litrato ang nakapagbabago rin nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Kamera, kodak". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)