[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Kosito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kosito o Cocytus /kˈstəs/ o Kokytos /kˈktəs/ (Sinaunang Griyego: Κωκυτός, literal: "panaghoy") ay isang ilog sa Hades sa mitolohiyang Griyego.[1] Dumadaloy ang Kosito sa ilog Acheron, sa kabilang banda na kung saan matatagpuan ang Hades, Ang Mundo sa Ilalim, ang mitolohiyang tirahan ng mga patay. May limang ilog ang pumapalibot sa Hades: ang Styx, Phlegethon, Lethe, Acheron at Kosito.

Ang ilog Kosito ay isa sa mga ilog na pumapalibot sa Hades. Karaniwang paksa ang Kosito, kasama ang mga ibang ilog na may kaugnayan sa mundo sa ilalim, sa mga sinaunang may-akda. Sa mga sinaunang mga manunulat, binanggit ang Kosito nina Virgil, Homer, Cicero, Aeschylus, Apuleius at Plato, at iba pa.[2]

Lumitaw ang Kosito sa epikong tula ni John Milton na Paradise Lost. Sa Ikalawang Aklat, binanggit ni Milton ang Kosito.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Cocytus" . Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 6 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. pp. 631–632.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  2. "KOKYTOS" (sa wikang Ingles). Theoi Project. Nakuha noong 2009-12-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Milton, John (2005). Paradise Lost (sa wikang Ingles). New York: W. W. Norton & Company. p. 591.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)