[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Dota 2

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dota 2
NaglathalaValve
Nag-imprentaValve
DisenyoIceFrog
Sumulat
  • Marc Laidlaw
  • Ted Kosmatka
  • Kris Katz
Musika
  • Jason Hayes
  • Tim Larkin
SeryeDota
EngineSource 2
Plataporma
Release
  • Windows
  • Hulyo 9, 2013
  • Linux, OS X
  • Hulyo 18, 2013
DyanraMOBA
ModeMultiplayer

Ang Dota 2 ay isang libreng larong labanan sa isang lugar na pangmaramihang manlalaro sa internet na ginawa at nilinang ng Valve Corporation. Nilabas ang laro para sa Microsoft Windows, OS X at Linux noong Hulyo 2013, pagkatapos ng pampublikong "beta testing" na yugto na nagsimula noong 2011, at naging nag-iisang kasunod sa larong "Defense of the Ancients", isang "mod" para sa "Warcraft III: Reign of Chaos" at "expansion pack" na "The Frozen Throne". Ang Dota 2 ang isa sa pinakaaktibong laro sa "Steam" na umaabot ng lampas isang milyong magkakasabay manlalaro.

Ang Dota 2 ay nilalaro ng dalawang grupo na may limang manlalaro bawat isa, at may base sa bawat sulok ng mapa. Mananalo ang isang grupo kapag masira na nila ang "Ancient" ng kalaban. May 111 na tauhan na may kanya-kanyang kapangyarihan at estilo ng paglalaro na pwedeng pagpilian. Habang naglalaro, ang bawat manlalaro ay nag-iipon ng pera, sandata, at "experience points" para sa kanilang tauhan.

Sinimulang gawin ang Dota 2 noong 2009 kasama si IceFrog, ang namumunong taga-disenyo ng Dota na "mod", pagkatapos siyang kunin ng Valve. Nakalikom ng maraming papuri ang Dota 2 dahil sa "gameplay", kalidad ng produksyon, at pagiging tapat nito sa hinalinhan nito kahit na mahirap itong matutunan. Ginamit ng Dota 2 ang "Source engine" hanggang sa paglipat nito sa "Source 2 engine" noong Setyembre 2015. Ito ay ang unang laro ng Valve na gumagamit ng "Source 2 engine".

Ang Aegis of Champions

Isang buwan bago sa official launch, ang Dota 2 ay ang pinaka-nilalaro na laro sa Steam na may concurrent player count na halos 300,000. Nanatili itong pinaka-nilalaro na laro sa Steam ng apat na taon, hanggang nalampasan ito ng PlayerUnknown's Battlegrounds noong 2017. Ang manonood sa mga propesyonal na Dota 2 na liga at paligsahan ay patok rin, na milyun-milyun ang mga bilang ng manonood sa mga premiyer na pagligsahan. Naging parte na rin ang Dota 2 sa mga multi-sport event sa Asya, katulad ng Asian Indoor and Martial Arts Games at ang Palaro ng Timog Silangang Asya. Dahil sa katanyagan ng Dota 2, napagawa ng kasuotan, kosmetiko, pigurin, at maraming iba pang produkto na nagtatampok ng mga "hero" o ibang elemento sa laro. Sa Septyembre 2012, ang Weta Workshop, ang estudyo na gumagawa sa "Aegis of Champions" na tropeo para sa kampeon ng The International.

Isang dokumentaryo na pinangalanan na Free to Play tungkol sa propesyonal na manlalaro ay ginawa ng Valve noong Marso 2014. Ang pelikula ay sumusunod sa tatlong manlalaro sa panahon ng unang International noong 2011. Sa 2016, ang Valve ay gumawa ng isang seryeng dokumentaryo na pinamagatang True Sight. Ang unang tatlong kabanata ay sumunod sa mga propesyonal na koponan na Evil Geniuses at Fnatic sa panahon ng paligsahan sa Boston Major noong huling bahagi ng 2016. Mas maraming kabanata ang inilabas sa susunod na taon, na nakatuon sa mga grand final ng ibang Major na paligsahan, at ang International. Gumawa rin ang Valve web komiks na nagpapakita ng mga heroes upang mas lalo idetalye ang pinaggagalingan nila. Ang pisikal na koleksyon ng mga komiks ay pinalabas bilang Dota 2: The Comic Collection ng Dark Horse Comics noong Agosto 2017. Isang anime na serye sa pangalan na Dota: Dragon's Blood ay inilabas noong Marso 2021.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]