[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Giho

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Giho
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Malvales
Pamilya: Dipterocarpaceae
Sari: Shorea
Espesye:
S. guiso
Pangalang binomial
Shorea guiso
Kasingkahulugan [2]
  • Isoptera burckii Boerl.
  • Mocanera guiso Blanco
  • Shorea vidaliana Brandis

Ang giho o guijo[3] (Shorea guiso) ay isang espesye ng halaman sa pamilya ng Dipterocarpaceae.[2] Matatagpuan ang puno sa Kambodya, Laos, Biyetnam, Sumatra, Peninsular na Malaysia, Borneo at Pilipinas.[1] Nagmula ang pangalang guijo sa salitang Kastilang mula sa Pilipinas na hinango sa Tagalog na gihò.[3] Kilala din ito bilang pulang balan (red balan)[4] o pulang balau (red balau)[1][5] na kapareho din na pangalan ng Shorea balangeran. Kabilang sa ibang pangalan nito ang yamban-yamban sa Zambales at taralai sa Tarlac.[6]

Isang puno ang Shorea guiso na maaring lumago hanggang 30 m (98.43 tal.) o 40 m (131.23 tal.) at sumusukat ang diyametro nito sa 1.80 m (5.91 tal.) o higit pa.[7][8] Maipagkakaiba ang giho sa pamamagitan ng sanga nito, na madilim ang kulay.[8] Pangunahing tumutubo sa gubat na mababa ang altitud, na karaniwang nasa gulod.[8]

Ang kulay ng banakal nito ay malinawag na mamula-mulang kayumanggi kapag bagong lantad.[8] Karaniwan nasa medyo mabigat hanggang mabigat ang bigat nito at ang kahoy ay medyo matigas hanggang sa matigas at mahirap itong biyakin.[7] Mayroong itong manipis na sapwood na may kulay na maliwanag na kulay-abo na kayumanggi na malinaw na maipagkakaiba mula sa heartwood nito, na maliwanag na abuhing kayumanggi hanggang kayumangging kulay, na may paminsan-minsang mamula-mulang mapusyaw na kulay.[7]

Ang hugis ng dahon ay nasa lanceolate (hugis sibat) o ovate lanceolate (hugis sibat na pahaba) hanggang pahaba na may guhit na 15 pares.[8] Matalas din ang dahon na may accuminate (nagiging manipis tungong dulo) na taluktok, bilugan na katawan, at glabrous (makinis) o halos glabrous na balat.[8]

Pangkalahatang ginagamit ang giho sa konstruksyon, paggawa ng muebles, pagsasaka sa pamamagitan ng bangka o barko, at iba pang gamit na nangangailangan ng matigas na kahoy na may estetikang kaaya-aya na butil o grain..[8] Ginagamit din ito para sa decking (panlabas na sahig) dahil nilalabanan nito pagkabulok at sa mga kulisap[5] maliban sa mga anay.[7] Bagaman, hindi tumatagal ang giho kapag sobrang nababad sa paglipas ng panahon o kapag nailatag sa lupa.[7] Samakatuwid, kapag hindi problema ang labis na katibayan at ang materyal ay hindi naman ibabad ng sobra, maaring gamitin ang giho.[7] Ang resina nito ay ginagamit bilang sangkap sa paggawa ng barnis at pintura.[4]

Sa Pilipinas, pinangasiwaan ang presyo ng kahoy ng giho noong 1947 nang nagtakda ng kautusan si Pangulong Manuel Roxas sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 66.[9] Nagtakda ang kautusan ng isang pinakamataas na presyo para sa kahoy ng giho at ibang uri ng kahoy sa Pilipinas.[9]

Katayuan ng pagpapanatili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Pilipinas, masagana ang giho noong 1921 at tinatayang nasa 5% ng bolyum ng mga kagubatan ang tinaktakpan nito.[7] Noong panahon na iyon, matatapuan ito sa mga lalawigan o pulo ng Cagayan, Isabela, Bontoc, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Union, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Batangas, Tayabas, Camarines, Albay, Sorsogon, Marinduque, Ticao, Mindoro, Masbate, Samar, Leyte, Negros, Capiz, Agusan, Misamis, Davao, Cotabato at Zamboanga.[7]

Noong 2017, ang websayt para sa Pulang Tala ng IUCN ay tinala ang Shorea guiso bilang isang espesye na maaaring mawala[1] ngunit sabi ng isang websayt na tinatawag na Binhi, isang luntiang programa ng Energy Development Corporation mula sa Pilipinass, ay tinala ang espesye bilang kritikal na nanganganib.[6] Noong 2018, matatagpuan ang espesye sa mga lugar ng Timog-silangang Asya na Luzon (Cagayan hanggang Sorsogon), Mindoro, Panay, Negros, Samar, Leyte, Mindanao, Basilan, Thailand, Malaya, Sumatra at Borneo.[8] Bumaba ang bilang ng giho dahil sa pagtotroso at kaingin.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Khou, E.; Luu, H.T.; Pooma, R.; Newman, M.F.; Barstow, M. (2017). "Shorea guiso". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2017: e.T33114A2832842. doi:10.2305/IUCN.UK.2017-3.RLTS.T33114A2832842.en.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Shorea guiso". Plants of the World Online (sa wikang Ingles). Royal Botanic Gardens, Kew. Nakuha noong 13 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Definition of GUIJO". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Shorea guiso - Useful Tropical Plants". tropical.theferns.info (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-27. Nakuha noong 2020-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Red Balau Decking - Balau Wood Is an Affordable and Durable Option". mcilvain.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Guijo". BINHI (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-26. Nakuha noong 2020-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 7.7 Valencia, F. V. (Mayo 1921). "THE PHILIPPINE JOURNAL OF SCIENCE - MECHANICAL TESTS OF SOME COMMERCIAL PHILIPPINE TIMBERS" (PDF). Department of Science and Technology (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-05-11. Nakuha noong 2020-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 8.7 8.8 "Guijo". Cainta Plant Nursery (sa wikang Ingles). 2018-12-14. Nakuha noong 2020-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Roxas, Manuel (Hunyo 27, 1947). "Excutive Order No. 66 - FIXING THE CEILING PRICE OF LUMBER AND OTHER PURPOSES". Official Gazette of the Philippnes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 27, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)