[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Bonsai

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang Trident Maple ang punong bonsai na ito na hiniwa upang lumaki sa hugis ng isang dragon.

Ang bonsai (Hapones: 盆栽, Tsino: 盆栽, Koreano: 분재, literal na "nakapasong halaman") ay ang sining ng pagpapatubo at pag-aalaga ng mga puno at halaman na pinananatiling maliit. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pangangalaga ng isang puno sa isang maliit na paso at pagpuputol ng mga sanga at ugat nito. Tinuturuan ang mga punong bonsai na lumaki sa hugis na kaakit-akit sa paningin. May anyong matanda na ang mga pinakamainam na halimbawa ng mga punong bonsai, at may hubog na tila likas.

Nangangahulugang "halamanan sa bandeha" ang bonsai sa wikang Hapon. Isang napakatandang uri ng sining sa Hapon ang bonsai, subalit hindi kasingtanda ng penjing. Isang anyo ng sining sa Tsina ang penjing na halos katulad ng bonsai. Sa Pilipinas, tinatawag din itong bansoy o "ang bansot na halamang makahoy", isang taguring pinasimulan ni Jerusalino V. Araos bilang pagtatangi sa sining ng bonsai sa bansa.[1]

Nagsimula ang sining ng bonsai sa Tsina mga higit na sa dalawang libong taon na ang nakalilipas, kung saan tinatawag itong penzai, isang salitang halos kaparis ng bonsai. Dinala ito sa Hapon ng mga panahon malapit sa taong 1300 A.D. Lumaganap ang bonsai sa Korea noong mga panahon mula ika-7 hanggang ika-13 daantaon - noong kapanahunan ng Dinastiyang Han, Tang o Song. Sa Korea, tinatawag na sa ngayon ang sining bilang bunjae (분재) - na kasingtunog din ng "bonsai". Isinasagawa pa rin ng mga mamamayan ng Tsina ang anyong ito ng masining na paghahalaman. Kalimiting mas malalaki ang mga halamang penjing ng mga Tsino kaysa bonsai ng mga Hapon, sapagkat kadalasang pinapalamuti sa labas ng kabahayan ang Intsik na sining.

Pagtatanim at pag-aalaga

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi likas na maliit ang halamang bonsai. Napapanatiling maliit ito sa pamamagitan ng paghuhugis at paggugupit ng mga ugat. Maaaring mamuhay at tumanda kaysa isang malaking punungkahoy ng katulad na uri ang isang bonsai na tumatatanggap ng mainam na pagkalinga. Subalit kailangan ng bonsai ng sapat na panahon mula sa tagapag-alaga, sapagkat hindi magiging malusog at maaaring mamatay ang isang hindi kinakalingang bonsai.

Sa sining ng bonsai, kailangang lamang mayroong nadaramang kagandahan, katiyagaan, at mabuting pangangalaga ang isang tao. Mahalaga ang mismong halaman, ang hugis ng halaman, ang pagkakaayos ng lupa, at maging ang pagkakapili ng lalagyan ng tanim.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bansoy," ang bansot na halamang makahoy, Bonsai in Asia Guide Book, Bonsai-in-Asia.com.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]