Eskala ng panahong heolohiko
Ang eskala ng panahong heolohiko (Ingles: geologic time scale o geological time scale o GTS) ay isang representasyon ng oras batay sa tala ng bato ng Daigdig. Ito ang sistema ng pagpepetsang kronolohikal na gumagamit ng kronoestratigrapiya (ang proseso na inuugnay ang estrato sa panahon) at heokronolohiya (isang siyentipikong sangay ng heolohiya na naglalayon na matukoy ang eded ng mga bato). Pangunahin itong ginagamit ng mga siyentipiko ng agham pandaigdig (kabilang ang mga heologo, paleontologo, heopisiko, heokimiko, at paleoklimatologo) upang isalarawan ang pagsasapanahon at ugnayan ng mga pangyayari sa heolohikong kasaysayan. Naisagawa ang eskala ng panahon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga patong ng bato at pagmamasid ng kanilang ugnayan at pagtukoy sa mga katangian tulad ng litolohiya, mga katangiang paleomagnetiko, at mga posil. Ang depinisyon ng pinamantayang internasyunal na mga yunit ng panahong heolohiko ay nasa responsibilidad ng International Commission on Stratigraphy (ICS, lit. na 'Komisyong Internasyunal ng Estratigrapiya'), isang kasamang sangay ng International Union of Geological Sciences (IUGS, lit. na 'Unyong Internasyunal ng mga Siyensyang Heolohikal'), na ang pangunahing layunin[1] ay tumpak na bigyang kahulugan ang pandaidigang kronoestratigrapikong yunit ng International Chronostratigraphic Chart (ICC, lit. na 'Internasyunal na Kronoestratigrapikong Tsart')[2] na ginagamit upang bigyan kahulugan ang panahong heolohiko.[2]
Mga dibisyon ng panahong heolohiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang isang eon ay ang pinakamalaking panahong heokronolohikong yunit at katumbas ng isang kronoestratigrapikong eonothem.[3] Mayroong apat na pormal na ipinakahulugang eon: ang Hadiko, Arkaiko, Proterosoiko at Panerosoiko.[2]
- Ang isang era ay ikalawang pinakamalaking heokronolohikang yunit ng panahon at katumbas ito ng kronoestratigrapikong erathem.[4][3] Mayroong sampung ipinakahulugang era: ang Eoarkaika, Paleoarkaika, Mesoarkaika, Neoarkaika, Paleoproterosoiko, Mesoproterosoiko, Neoprotosoiko, Paleosoiko, Mesosoiko at Senosoiko, na wala kanila ay mula sa eon na Hadiko.[2]
- Ang isang panahon o period ay katumbas isang sistemang kronoestratigrapiko.[4][3] Mayroong 22 panahon na nabigyang kahulugan.[2] Ang isang eksepsyon sa dalawang subpanahon ay ginagamit para sa Panahong Karbonipero.[4]
- Ang isang epoka o kapanahunan ay ang pinakamaliit na yunit heokronolohiko. Katumbas ito ng isang kronoestratigrapikong serye.[4][3] Mayroong 37 ipinakahulugang epoka at isang impormal na isa. Mayroon din 11 subepoka na nasa loob lahat ng Neoheno at Kuwaternaryo.[2] Ang paggamit ng subepoka bilang pormal na yunit sa internasyunal na kronoestratigrapiya ay ipinagtibay noong 2022.[5]
- Ang isang edad ay ang pinakamaliit na herarkikong yunit heokronolohiko at katumbas ito sa isang yugtong kronoestratigrapiko.[4][3] Mayroong 98 pormal at limang impormal na edad.[2]
- Ang isang cron ay ang di-herarkikong pormal na yunit heokronolohiya ng hindi tinukoy na ranggo at katumbas ng isang kronosonang kronoestratigrapiko.[4] May korelasyon ito sa mga yunit na magnetoestratigrapiko, o biyoestratigrapiko habang nakabatay sila sa nakaraang ipinakahulugang yunit estratigrapiko o katangiang heolohiko.
Ang mga subdibisyong Maaga at Huli ay ginagamit bilang heokronolohikong katumbas ng kronoestratigrapikong Mas Mababa at Mas Mataas, halimbawa, ang Maagang Triyasikong Panahon (yunit heokronolohiko) ay ginagamit kapalit ng Mas Mababang Seryeng Triyasiko (yunit kronoestratigrapiko).
Ang mga bato na kinakatawan ang isang binigay na yunit kronoestratigrapiko ay iyon ang yunit kronoestratigrapiko, at ang panahon na nilalatag sila ay ang yunit heokronolohiko, iyan ay, ang mga bato na kinakatawan ang Seryeng Siluriko at dineposito sila noong Panahong Siluriko.
Yunit kronoestratigrapiko (estrato) | Yunit heokronolohiko (panahon) | Tagal ng panahon[a] |
---|---|---|
Eonothem | Eon | Ilang libong milyong taon hanggang dalawang bilyong taon |
Erathem | Era | Mga sampu hanggang mga libong milyong taon |
Sistema | Panahon | Mga milyong taon hanggang mga sampung milyong taon |
Serye | Epoka | Mga daang libong taon hanggang mga sampung milyon taon |
Subserye | Subepoka | Mga libong taon hanggang mga milyong taon |
Yugto | Edad | Mga libong taon hanggang mga milyong taon |
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Malawak na naiiba ang tagal ng panahon ng panahong heolohiko, a walang numerikong limitasyon sa tagal ng panahon na kanilang kinakatawan. Limitado sila sa tagal ng panahon ng mas mataas na ranggo na yunit na kinabibilangan nitla, at sa kronoestratigrapikong mga hangganan na ipinakahulugan sila.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Statues & Guidelines" (sa wikang Ingles). International Commission on Stratigraphy. Nakuha noong 2022-04-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Cohen, K.M.; Finney, S.C.; Gibbard, P.L.; Fan, J.-X. (2013-09-01). "The ICS International Chronostratigraphic Chart". Episodes (sa wikang Ingles) (ika-binagong (na) edisyon). 36 (3): 199–204. doi:10.18814/epiiugs/2013/v36i3/002. ISSN 0705-3797. S2CID 51819600.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Michael Allaby (2020). A dictionary of geology and earth sciences (sa wikang Ingles) (ika-Ika-5 (na) edisyon). Oxford. ISBN 978-0-19-187490-1. OCLC 1137380460.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 "Chapter 9. Chronostratigraphic Units". stratigraphy.org (sa wikang Ingles). International Commission on Stratigraphy. Nakuha noong 2022-04-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Aubry, Marie-Pierre; Piller, Werner E.; Gibbard, Philip L.; Harper, David A. T.; Finney, Stanley C. (2022-03-01). "Ratification of subseries/subepochs as formal rank/units in international chronostratigraphy". Episodes (sa wikang Ingles). 45 (1): 97–99. doi:10.18814/epiiugs/2021/021016. ISSN 0705-3797. S2CID 240772165. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-07. Nakuha noong 2024-01-06.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)