[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Candidiasis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Candidiasis
Kultura ng Candida albicans na nasa plato ng Agar
EspesyalidadInfectious diseases, dermatology Edit this on Wikidata

Ang Candidiasis (iba pang pangalan sa Ingles: thrush, yeast infection) ay isang impeksiyong fungal (mycosis) o dahil sa halamang singaw ng anumang espesye ng Candida (lahat ng mga yeast o lebadura kung saan ang Candida albicans ang pinakaraniwan.[1][2] Ito ay karaniwan ding tinutukoy na impeksiyon ng mga mikrobyong pampaalsa o mikrobyo ng lebadura at teknikal na kilala rin bilang candidosis, moniliasis, at oidiomycosis.

Ang Candidiasis ay sumasakop sa mga impeksiyon mula sa superpisyal gaya ng pambibig na thrush at vaginitis hanggang sa sistemiko at potensiyal na nakapanganganib sa buhay na mga sakit. Ang mga impeksiyong Candida ng huling kategorya ay tinutukoy rin bilang candidemia at karaniwan ay nakikita sa mga indibdiwal na may napinsalang sistemang imyuno gaya ng kanser, transplantasyon ng organo at mga pasyente ng AIDS, at gayundin din sa mga pasyente ng hindi traumatikong siruhiya na pang-emerhensiya.

Ang superpisyal na mga impeksiyon ng balat at membranong mukosa ng Candida na nagsasanhi ng lokal na implamasyon (pamamaga) at kawalang kaginhawaan ay karaniwan sa maraming mga populasyon ng tao. Bagaman maliwanag na maituturo sa pagkakaroon ng mga oportunistikong patoheno ng genus na Candida, ang candidiasis ay naglalarawan ng isang bilang ng iba't ibang mga sindroma ng sakit na kalimitan ay iba sa kanilang mga sanhi at kinalalabasan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Walsh TJ, Dixon DM (1996). Deep Mycoses in: Baron's Medical Microbiology (Baron S et al., eds.) (ika-4th (na) edisyon). Univ of Texas Medical Branch. (via NCBI Bookshelf) ISBN 978-0-9631172-1-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-18. Nakuha noong 2014-09-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Medline Plus at the U.S. National Library of Medicine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-13. Nakuha noong 2014-09-07.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)