[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Pulot-gata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pulot-gata, o pulut-gata ay isang kinaugaliang pagbabakasyon ng mga bagong-kasal upang ipagdiwang ang kanilang pagiisang-dibdib, pagiging magkatipan, at pagmamahalan sa isang matalik na paraan at malayo't hiwalay sa ibang mga tao. Tinatawag din itong hanimun at lunademiyel. Nagmula sa salitang honeymoon ng wikang Ingles ang hanimun, samantalang nanggaling sa luna de miel ng wikang Kastila ang lunademiyel. Sa kasalukuyang panahon, karaniwang isinasagawa ang pulot-gata ng mga bagong-kasal sa isang lugar na kakaiba o di kaya sa isang pook na itinuturing na bukod-tangi at romantiko.[1]

Mga talasanggunian

  1. English, Leo James (1977). "Pulot-gata". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)