Lipunan
Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa mga organisadong boluntaryong asosayon ng mga tao para sa mga layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pang-politika, patriyotiko, o ibang pang dahilan. Sosyolohiya ang siyentipikong, o akademikong, pag-aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa yunit ng isang lipunan.
Kahalagahan:
Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.
Uri ng lipunan:
ayon kay Fr. De Torre, mauuri ang lipunan sa dalawa - natural at artipisyal. Sinasabing natural ang isang lipunan kung ito ay naitatag nang kusa dala ng likas na pangangailangan ng tao, gaya ng pamilya at lipunan sibil. Samantala, Maituturing itong artipisyal na lipunan kung ang dahilan ng pagkakatatag nito ay sinadya para sa kapakanan ng isang tiyak na pangkat. Ang halimbawa ng artipisyal ay gaya ng paaralan, samahang panghanapbuhay, mga NGO's, at iba pa.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Lipunan at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.