[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/

Pagpapaliwanag sa Iyong Privacy

Madalas na may kahabaan ang privacy policies — at medyo nakakalito. Kaya naman ginawa namin ang lahat para ang aming Privacy Policy ay maikli, malinaw, at madaling basahin!

Dapat mong basahin ang aming buong Privacy Policy, pero kung may ilang minuto ka lang o gusto mong tandaan ang isang bagay para sa ibang pagkakataon, maaari kang tumingin sa summary na ito—para matutunan o matandaan mo ang ilan sa mga basic sa loob lang ng ilang minuto.

Ano ang Ginagawa Namin sa Snap

Sa Snap, ang misyon namin ay bigyang kakayahan ang mga tao na ipahayag ang kanilang mga sarili, i-enjoy ang sandali, matuto tungkol sa mundo, at magsaya nang magkakasama.

Upang maibigay ang aming mga Serbisyo at mas pahusayin ang mga ito, inaalam namin ang ilang bagay tungkol sa iyo para gawing personal ang iyong karanasan kapag ginagamit mo ang Snapchat, Bitmoji, at ang iba pa aming mga Serbisyo. Halimbawa, kung alam naming kaarawan mo, pwede kaming magpadala sa iyo o sa friends mo ng Lens upang makatulong sa pagdiriwang! O kaya, kapag nakita naming nasa beach ka, pwede naming tiyakin na nakabihis para sa okasyon ang iyong Bitmoji. Ang galing, 'no?

Isa pang paraan kung paano kami nagbibigay ng personalized na Serbisyo ay sa pamamagitan ng mga ad na ipinapakita namin — ito rin ay isa sa mga paraan kung paano kami makapagbigay ng masaya, ligtas, at makabagong online na espasyo, nang walang bayad. Ginagamit namin ang ilang nalalaman namin tungkol sa iyo upang maghatid ng ads na maaaring makakuha ng atensyon mo — kung kailan maaaring makuha nito ang interes mo. Halimbawa, kung marami kang pinapanood na Stories tungkol sa fashion, maaari kaming magpakita sa iyo ng mga ad para sa pinakabagong estilo ng maong. O kung nag-click ka sa ilang ads ng video games, maaaring dagdagan pa namin ang ads na iyon! Pero ginagamit din namin ang iyong impormasyon para iwasan ang pagpapakita sa iyo ng ads na malamang na hindi mo magustuhan. Halimbawa, kapag sinabi sa amin ng isang ticketing site na nakabili ka na ng mga ticket para sa isang pelikula — o kung binili mo iyon sa pamamagitan ng Snapchat — pwede naming itigil ang pagpapakita ng ads noon sa iyo. Alamin pa.

Ikaw ang May Kontrol sa Iyong Impormasyon

Gusto mo bang i-update ang impormasyon ng iyong account o baguhin kung sinong makakapanood ng iyong Story o makakakita sa iyo sa Snap Map? Pumunta ka lang sa iyong mga setting sa app. Nais malaman ang tungkol sa iyong impormasyong wala sa app? Pumunta dito para i-download ang iyong data. Kung sakaling naisin mong umalis sa Snapchat at tuluyang burahin ang iyong account, mayroon din kaming mga tool para diyan. Alamin pa.

Paano Kami Kumukuha ng Impormasyon

Una, nakikilala ka namin batay sa anumang impormasyong pipiliin mong ibigay sa amin. Halimbawa, kapag nag-set up ka ng Snapchat account, malalaman namin ang iyong kaarawan, email address, at ang natatanging pangalan na gusto mong gamitin — itong username.

Pangalawa, natututo kami tungkol sa iyo kapag ginamit mo ang aming mga Serbisyo. Kaya, bagama't maaaring hindi mo sabihin sa aming tagahanga ng isports, kung palagi kang nanonood ng highlights ng basketball sa Spotlight at suot ng iyong Bitmoji ang mga kulay ng team mo, ito ay ligtas na hula.

Ikatlo, minsan ay nakikilala ka namin dahil sa ibang tao at serbisyo. Halimbawa, kapag inupload ng isang friend ang contact list niya, maaari naming makita ang phone number mo. O, kapag nag-tap ka sa isang ad para sa isang video game, maaaring ipaalam sa amin ng advertiser na ininstall mo iyon. Alamin pa.

Paano Kami Nagse-share ng Impormasyon

Kapag nagbabahagi kami ng impormasyon, madalas ito ay dahil hiniling mo iyon sa amin — tulad ng kapag gusto mong magdagdag ng Snap sa Spotlight o Snap Map o magpadala ng Chat sa isang friend. Ang ilan sa iyong impormasyon, tulad ng iyong username at Snapcode, ay naka-default na makita ng publiko.

Nagse-share din kami ng impormasyon sa loob ng pamilya ng mga kumpanya ng Snap, sa mga kasosyo sa negosyo at mga integradong partner na tumutulong sa aming ibigay ang aming mga Serbisyo, kapag sa tingin namin ay kinakailangan ito ng batas, at kapag naniniwala kaming kailangan ito para protektahan ang kaligtasan ng Mga Snapchatter, namin, o ng iba pa.

Para sa halos lahat ng iba pa, ikaw ang may kontrol! Alamin pa.

Gaano Katagal Naming Itinatabi ang Iyong Impormasyon

Ang Snapchat ay tungkol sa pagsasaya sa kasalukuyan. Kaya naman, kapag nagpadala ka ng Snap o Chat sa isang kaibigan, ang aming sistema ay dinisenyo para awtomatikong burahin ito pagkatapos itong maview o mag-expire (depende sa iyong settings). Pero maaari pa rin naming panatilihin ang mga mensahe kapag hiniling mo o ng friend mo, tulad ng 'pag gusto mong mag-save ng mensahe sa Chat o ng Snap sa Memories.

At tandaan: pwedeng mag-screenshot ang Snapchatters!

Maaaring itago nang mas matagal ang ibang impormasyon. Halimbawa, itinatago namin ang iyong pangunahing impormasyon sa account hanggang sa hilingin mo sa amin na ito'y burahin. At patuloy kaming nangongolekta at nag-a-update ng impormasyon tungkol sa mga bagay na posibleng gusto mo o hindi, upang makapaghatid kami sa iyo ng mas mabuting nauugnay na content at mga advertisement. Alamin pa.

Paano Ka Matuto Nang Higit Pa

Tingnan ang aming buong Privacy Policy!

Alam mo bang binibigyan ka ng Privacy by Product ng higit pang impormasyon sa mga partikular na feature, at gumawa rin kami ng napakaraming support page para tulungan kang matutunan kung paano gumagana ang iba't ibang bahagi ng app?

Hindi mo pa rin makita ang hinahanap mo? Huwag mag-alala, makipag-ugnayan lang sa amin at babalikan ka ng aming mabait na support team!