[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/
Community Guidelines
In-update: Enero 2024

Sa Snap, nag-aambag kami sa pag-unlad ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan sa mga taong ipahayag ang kanilang mga sarili, mabuhay sa kasalukuyan, alamin ang tungkol sa mundo, at magsaya nang magkakasama. Ginawa namin ang Community Guidelines na ito para suportahan ang aming misyon sa pamamagitan ng paghikayat sa pinakamalawak na saklaw ng pagpapahayag sa sarili, habang sinisikap na tiyaking magagamit ng Snapchatters ang aming mga serbisyo nang ligtas bawat araw. Gusto naming maging malinaw at madaling maunawaan ang Guidelines na ito sa lahat ng miyembro ng ating komunidad. Pakitandaan na upang makasali sa aming komunidad, dapat ay 13 taong gulang pataas ka. 

Nalalapat ang Guidelines na ito sa lahat ng content (na kinabibilangan ng lahat ng anyo ng komunikasyon, tulad ng text, larawan, generative AI, mga link o attachment, mga emoji, mga Lens at ibang creative tools) o paggawi sa Snapchat — at sa lahat ng Snapchatters. Partikular kaming sensitibo sa content o gawi na may banta ng malubhang panganib sa mga Snapchatter, at nakalaan sa amin ang karapatang magsagawa ng agaran at permanenteng pagkilos laban sa mga user na nagpapakita ng ganitong gawi. Karagdagang gabay tungkol sa kung ano ang tinutukoy naming malubhang panganib at kung paano kami nagsasagawa ng pagkilos laban dito ay makikita rito

Nag-aalok ang Snap ng mga feature ng Generative AI sa pamamagitan ng aming mga serbisyo. Nagpapatupad kami ng mga proteksyon na idinisenyo para tulungan ang content ng Generative AI na manatiling naaayon sa aming Community Guidelines, at umaasa kaming responsableng gagamit ng AI ang mga Snapchatter. Nakalaan sa amin ang karapatang magsagawa ng mga ipapatupad na aksyon laban sa mga account na gumagamit ng AI para lumabag sa aming Community Guidelines, na puwedeng umabot sa o may kasamang pag-aalis ng isang account.

Sumasang-ayon ang mga Advertiser at media partner sa Discover sa mga karagdagang patnubay, kabilang ang kahingian na tumpak at, kung saan naaangkop, sinuri ang katotohanan ng kanilang content. Ang mga developer ay napapailalim din sa mga karagdagang tuntunin.

Binalangkas namin dito at sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ang mga partikular na panuntunan para sa content na ipinagbabawal sa Snapchat, at nagsusumikap kaming tiyaking nalalapat ang mga panuntunang ito nang tuluy-tuloy. Kapag inilalapat ang mga tuntuning ito, isinasaalang-alang namin ang uri ng content, kabilang kung ito ay nararapat ibalita, may katotohanan, at nauugnay sa usaping pampulitika, panlipunan, o iba pang pangkalahatang alalahanin sa aming komunidad. Karagdagang konteksto tungkol sa kung paano kami nagmo-moderate ng content at nagpapatupad ng aming mga patakaran ay makikita rito. Nagbibigay rin kami ng mga link sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa aming Community Guidelines sa bawat isa sa mga seksyon sa ibaba.

Gusto naming maging ligtas at positibong karanasan ang Snapchat para sa lahat. Inilalaan namin ang karapatang magpasya, sa aming sariling paghuhusga, kung anong content o pag-uugali ang lumalabag sa diwa ng aming mga panuntunan.

Seksuwal na Content

  • Ipinagbabawal namin ang anumang aktibidad na nagsasangkot ng seksuwal na pananamantala o pang-aabuso sa isang menor de edad, kabilang ang pagbabahagi ng imahe ng seksuwal na pananamantala sa bata o pang-aabuso, pag-groom, o seksuwal na pangingikil (sextortion), o ang seksuwalisasyon ng mga bata. Iniuulat namin ang lahat ng natukoy na pagkakataon ng seksuwal na pagsasamantala sa bata sa mga awtoridad, kabilang ang mga pagtatangka na gumawa ng ganoong pag-uugali. Huwag kailanman mag-post, magsave, magpadala, magpasa, mamahagi, o humingi ng hubo't hubad o tahasang seksuwal na nilalaman na kinasasangkutan ng sinumang wala pang 18 taong gulang (kabilang dito ang pagpapadala o pag-save ng mga ganoong larawan ng iyong sarili).

  • Ipinagbabawal namin ang pagsulong, pamamahagi, o pagbabahagi ng pornograpikong content, gayundin ang mga komersyal na aktibidad na nauugnay sa pornograpiya o mga seksuwal na interaksyon (online man o offline). 

  • Ang pagpapasuso at iba pang mga paglalarawan ng kahubaran sa mga hindi seksuwal na konteksto ay karaniwang pinahihintulutan.

  • Karagdagang gabay ukol sa seksuwal na asal at content na lumalabag sa aming Community Guidelines ay makikita rito

Panliligalig at Pambu-bully

  • Ipinagbabawal namin ang anumang uri ng pangbubully o panghaharass. Umaabot ito sa lahat ng uri ng seksuwal na panghaharass, kabilang ang pagpapadala ng mga hindi nais na tahasang seksuwal, pagpapahiwatig, o hubad na mga larawan sa ibang mga user. Kapag may taong nag-block sa iyo, hindi ka maaaring makipag-ugnayan sa kanya mula sa ibang Snapchat account.

  • Ang pagbabahagi ng mga larawan ng isang tao sa isang pribadong lugar — tulad ng banyo, kuwarto, locker room, o medikal na pasilidad — nang hindi nila nalalaman at walang pahintulot ay ipinagbabawal, gayundin ang pagbabahagi ng pribadong impormasyon ng ibang tao nang hindi nila nalalaman at walang pahintulot o para sa pangha-harass (ibig sabihin, “doxxing”).

  • Kung may taong napasama sa Snap mo at hiniling niyang tanggalin ito, pakitanggal iyon! Igalang ang karapatan sa privacy ng iba. 

  • Huwag ding mang-harass ng ibang Snapchatter sa pamamagitan ng pag-abuso sa aming mga mekanismo ng pag-uulat, gaya ng sadyang pag-uulat ng content na pinapahintulutan. 

  • Karagdagang gabay ukol sa kung paano nilalabag ng bullying at pangha-harass ang aming Community Guidelines ay makikita rito.

Mga Banta, Karahasan & Pinsala

  • Ang paghihikayat o pagsali sa marahas o mapanganib na pag-uugali ay ipinagbabawal. Huwag kailanman takutin o pagbantaan na saktan ang isang tao, grupo ng mga tao, o ari-arian ng isang tao.

  • Hindi pinapayagan ang mga Snap ng hindi naaangkop o may matinding karahasan, kabilang ang pang-aabuso ng hayop.

  • Hindi namin pinapayagan ang pagpuri sa pananakit sa sarili, kabilang ang pag-promote ng pagpinsala sa sarili, pagpapakamatay, o mga problema sa pagkain.

  • Karagdagang gabay ukol sa mga banta, karahasan, at panganib na lumalabag sa aming Community Guidelines ay makikita rito.

Nakakapinsalang Mali o Mapanlinlang na Impormasyon

  • Ipinagbabawal namin ang pagpapakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng pinsala o malisyoso, tulad ng pagtangging nangyari ang mga nakapanlulumong kaganapan, mga medikal na pahayag na walang katibayan, pagmamaliit sa integridad ng mga sibikong proseso, o pagmamanipula ng content para sa mga mali o mapanlinlang na layunin (sa pamamagitan man ng generative AI o sa pamamagitan ng mapanlinlang na pag-edit).

  • Ipinagbabawal namin ang pagpapanggap bilang isang tao (o isang bagay) na hindi ikaw, o ang pagtatangkang manlinlang ng mga tao tungkol sa kung sino ka. Kabilang dito ang panggagaya sa iyong mga kaibigan, kilalang tao, pampublikong personalidad, brand, o iba pang tao o organisasyon para sa mga layuning mapaminsala at hindi satirikal.

  • Ipinagbabawal namin ang spam, kasama ang hindi inihayag na may bayad o naka-sponsor na content, pay-for follower na promo, o iba pang diskarte para maparami ang follower, ang pag-promote ng mga spam application, o ang pag-promote ng multilevel marketing o mga pyramid scheme.

  • Ipinagbabawal namin ang panloloko at iba pang mapanlinlang na kagawian, kabilang ang promotion ng mga mapanlinlang na produkto o serbisyo o get-rich-quick scheme, o panggagaya sa Snapchat o Snap Inc.

  • Karagdagang gabay ukol sa mapanganib, huwad o mapanlinlang na content na lumalabag sa aming Community Guidelines ay makikita rito.

Mga Ilegal o Reguladong Gawain

  • Huwag gamitin ang Snapchat para magpadala o mag-post ng content na ilegal sa iyong hurisdiksyon, o para sa anumang ilegal na aktibidad. Kabilang dito ang pag-promote, pangangasiwa, o paglahok sa aktibidad pangkriminal, tulad ng pagbili, pagbebenta, pagpapalitan, o pagpapadali sa pagbebenta ng mga ilegal o kinokontrol na droga, kontrabando (gaya ng imahe ng seksuwal na pananamantala o pang-aabuso sa bata), mga armas, o mga pekeng produkto o dokumento. Kabilang din dito ang pag-promote o pag-facilitate ng anumang anyo ng pananamantala, kabilang ang sex trafficking, labor trafficking, o iba pang human trafficking.

  • Ipinagbabawal namin ang ilegal na pag-promote ng mga kinokontrol na produkto o industriya, kabilang ang hindi awtorisadong promosyon ng pagsusugal, mga produktong tabako o vape na mga produkto, at alkohol.

  • Karagdagang gabay ukol sa ipinagbabawal na ilegal o pinangangasiwaang aktibidad na lumalabag sa aming Community Guidelines ay makikita rito.

Mapanirang Content, Terorismo, at Marahas na Ekstremismo

  • Ang mga organisasyong terorista, marahas na ekstremista, at mga mapanirang grupo ay ipinagbabawal na gamitin ang aming platform. Hindi namin pinapahintulutan ang anumang content na pumapayag o nagsusulong ng terorismo o marahas na ekstremismo.

  • Ang hate speech o content na nagmamaliit, naninira, o nagtataguyod ng diskriminasyon o karahasan batay sa lahi, kulay, caste, etnisidad, bansang pinagmulan, relihiyon, sekswal na oryentasyon, kasarian, pagkakakilanlan ng kasarian, kapansanan, o katayuang beterano, katayuan sa imigrasyon, katayuang sosyo-ekonomiko, edad, timbang, o katayuang nagbubuntis ay ipinagbabawal.

  • Karagdagang gabay ukol sa nakakamuhing content, terorismo, at marahas na extremism na lumalabag sa aming Community Guidelines ay makikita rito.


Pakitandaan na maaari kang palaging magsumite ng ulat sa aming Trust & Safety team gamit ang aming mga in-app feature sa pag-uulat o sa pamamagitan ng pagkumpleto ng form na ito (na nagbibigay-daan sa iyong makapag-ulat ng alalahanin may Snapchat account ka man o wala). Sinusuri namin ang mga ulat na ito upang matukoy ang mga paglabag sa mga Guideline. Kapag nilabag mo ang Community Guidelines na ito, maaari naming tanggalin ang nakakainsultong content, isara ang iyong account, at/o abisuhan ang tagapagpatupad ng batas. Nagre-refer din kami ng impormasyon sa law enforcement kapag ang aktibidad ay nagpapahiwatig ng napipintong panganib sa buhay ng tao. Kung winakasan ang iyong account dahil sa paglabag sa Guidelines na ito, hindi ka na puwedeng gumamit muli ng Snapchat at makalusot sa pagwawakas na ito sa anumang paraan.   

Inilalaan ng Snap ang karapatang tanggalin o paghigpitan ang pag-access sa account para sa mga user na may dahilan kaming paniwalaan, sa aming sariling pagpapapasya, ay nagdudulot ng panganib sa iba, sa loob o labas ng Snapchat. Kabilang dito ang mga pinuno ng mga hate group at teroristang organisasyon, mga indibiduwal na may reputasyon sa pag-uudyok ng karahasan o pagdulot ng matinding pananakit laban sa iba, o pag-uugali na pinaniniwalaan naming nagdudulot ng banta sa buhay ng tao. Sa pagsusuri sa ganitong  gawi, posibleng humingi kami ng gabay sa iba pang source, gaya ng mga subject matter expert o law enforcement, sa pagtukoy kung aalisin o paghihigpitan ang access sa account. 

Pakibisita ang aming Safety Center para sa dagdag na impormasyon tungkol sa kaligtasan sa Snapchat. Makakakita ka roon ng mga detalyadong tagubilin sa pamamahala sa iyong karanasan sa Snapchat, kabilang ang pagsasagawa ng mga aksyon tulad ng pag-update sa iyong privacy settings, pagpili kung sino ang makakakita sa iyong content, at pag-block sa iba pang user.