[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/

Ang Taksonomiya ay ang agham ng pag-uuri ng mga biyolohikong organismo sa basehan ng mga pare-parehas na katangian at pagbibigay pangalan sa mga ito. Ang mga organismo ay inuuri sa taxa (isahan: taxon) at binibigyan ng ranggong pantaksonomiya; mga grupo ng isang antas ay pwedeng pagsama-samahin upang makabuo ng isang super group ng mas mataas na antas na tinatawag na herarkiyang pang-taksonomiya.[1][2] Ang Suwekong botanista na si Carolus Linnaeus ay itinuturing na ama ng Taxonomy; nakagawa siya ng sistema na Linnaean classification na nakakapag-uri ng mga organismo at pangalang dalawahan upang mapangalanan ang mga ito.

LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
Ang hierarkiya ng byolohikong klasipikasyon ng mga walong pangunahing taksonomiyong ranggo. Hindi ipinakita ang mga menor na ranggo.

Sa pamamagitan ng mga iba't-ibang larangan ng pagaaral katulad ng pilohenetika, kladistika at sistematika, ang Linnaean system ay naging isang sistema ng modernong byolohikong pag-uuri batay sa mga ebolusyonaryong relasyon sa pagitan ng mga organismo, buhay o ekstinto.

Ang taksonomiya ay tinawag na "pinakalumang hanapbuhay ng mundo", ang pagpapangalan at pag-uuri ng ating paligid ay malamang nagaganap na noon pa mang kaya ng tao makipagusap. Laging mahalaga ang pagkaka-alam ng pangalan ng mga nakakalason at nakakain na halaman at hayop upang maipasa ang impormasyon na ito sa ibang mga miyembro ng pamilya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Judd, W.S., Campbell, C.S., Kellog, E.A., Stevens, P.F., Donoghue, M.J. (2007) Taxonomy. In Plant Systematics – A Phylogenetic Approach, Third Edition. Sinauer Associates, Sunderland.
  2. Simpson, Michael G. (2010). "Chapter 1 Plant Systematics: an Overview". Plant Systematics (ika-2nd (na) edisyon). Academic Press. ISBN 978-0-12-374380-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Biyolohiya  Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.