Silangang Aprika
Ang Silangang Aprika o Silanganing Aprika ay ang pinakasilangang rehiyon sa kontinente ng Aprika, na iba't iba ang kahulugan sa heograpiya o heopolitika. Sa Mga Nagkakaisang Bansa iskima ng mga heograpikong rehiyon, binubuo ng 19 na mga teritoryo ang Silangang Aprika:
- Kenya, Tanzania, at Uganda – kasapi din ng East African Community (EAC)
- Djibouti, Eritrea, Ethiopia, at Somalia – kadalasang pinapangalan din bilang Sungay ng Aprika
- Mozambique at Madagascar – bahagi minsan ng Katimogang Aprika
- Malawi, Zambia, at Zimbabwe – kadalasang kasama din sa Katimogang Aprika at Gitnang Pederasyon ng Aprika Central African Federation
- Burundi at Rwanda – bahagi minsa ng Gitnang Aprika
- Comoros, Mauritius, at Seychelles – maliliit na mga pulong bansa sa Karagatang Indiyan
- Réunion at Mayotte – mga panlabas ng mga teritory ng Pransiya na matatagpuan din sa Karagatang Indiyan
Sa heograpiya, napapasama din ang Ehipto at Sudan sa rehiyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.