[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/

Lating Pansimbahan

Ang Lating Pansimbahan o Lating Eklesyastiko (Wikang Latin: lingua Latina ecclesiastica; Ingles: ecclesiastical Latin) ay ang anyo ng Latin na ginagamit ng Simbahang Katoliko sa Lungsod ng Batikano, Roma. Naiiba ito sa Lating Klasikal, na ang pagkakaiba ay kadalasang nasa pagbigkas lamang:

  • Binibigkas ang c, g, sc, at xc na [ch], [j], [sh], at [ksh], bago ng ae, e, i, oe, o y;
  • Hindi ipinagtatangi ang mga mahahaba at maiikling patinig;
  • Hindi binibigkas ang h (liban sa iilang mga salita);
  • Binibigkas ang v na [v];
  • Binibigkas ang qu na [kw];
  • Binibigkas ang gn na [ny];
  • Binibigkas ang ph na [f];
  • Binibigkas ang ti na [tsi] bago ng patinig;
  • Binibigkas ang ae at oe nang [ey] o [e], at madalas na sinusulat na æ at œ; at

Mga tala ng pariralang Latin at mga kahulugan nito

baguhin
Agnus Dei
Kordero ng diyos.
Dominus vobiscum
Sumasainyo ang panginoon.
Ecclesia
Simbahan.
Habemus papam
May Santo Papa na tayo. Ito ang opisyal na pagpapahayag ng Batikano na nakapaghalal na ng isang Santo Papa.
INRI- Iesus Nazarenus, Rex Iudaeorum
Hesus na Nazareno, Hari ng mga Hudyo.
Kyrie eleison
o "Panginoon maaawa ka", na sa Ingles ay Lord have mercy. Ito ay salitang Griyego, pero ginagamit ito sa misang Latin at misang tradisyunal.
Pater noster
Ama namin.
Veritas
Katotohanan.
Vox populi
Naniniwala ang mga experto sa agham pampolitika sa kasabihang "vox populi, vox dei." Kapag isinalin sa wikang Filipino, ang ibig sabihin nito ay “Tinig ng taumbayan, tinig ng Diyos!” Ang vox populi ay "tinig ng taumbayan". Ginamit itong argumentong retorikal laban sa napatalsik na dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.


Wika Katolisismo  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.