[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/

Ang Collesano ( Sinaunang Griyego: Κολασσαέων; Griyego: Κολεσάνο, romanisado: Kolesáno, Siciliano: Culisanu) ay isang maliit na bayan sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, Sicilia, Katimugang Italya. Ito ay nasa humigit-kumulang 70 kilometro (43 mi) mula sa kabesera ng probinsiya ng Palermo Matatagpuan ito sa Madonie Park sa pagitan ng mga burol at Dagat Tireno at nasa Targa Florio racing circuit mula pa noong simula (1906). Ang bayan ay nagmamay-ari ng opisyal na Museo Targa Florio.

Collesano
Comune di Collesano
Lokasyon ng Collesano
Map
Collesano is located in Italy
Collesano
Collesano
Lokasyon ng Collesano sa Italya
Collesano is located in Sicily
Collesano
Collesano
Collesano (Sicily)
Mga koordinado: 37°55′N 13°56′E / 37.917°N 13.933°E / 37.917; 13.933
BansaItalya
RehiyonSicilia
Kalakhang lungsodPalermo (PA)
Pamahalaan
 • MayorGiovanni Battista Meli
Lawak
 • Kabuuan108.17 km2 (41.76 milya kuwadrado)
Taas
468 m (1,535 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan4,020
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
90016
Kodigo sa pagpihit0921
Santong PatronMadonna ng mga Milagro
Saint dayMayo 26
WebsaytOpisyal na website

Kasaysayan

baguhin

Ang mahabang kasaysayan ng Collesano ay nauugnay sa kasaysayan ng mga orihinal na naninirahan sa Sicily, ang mga Sicano, mga taong nagmula sa España, at nang maglaon sa bayan ng Imera, ang bayan ng makata na si Stesichoros, ang lumang bayan ng Griyego na itinatag ng mga Calcideo at winasak ni Hannibal[ ?] noong 208 BK[212 - 210 na mas malamang]. Ang Arabeng heograpong si al-Idrisi ay nagsasalita tungkol kay Collesano, na inilarawan niya sa "Ang Aklat ni Rogelio". Isinalaysay niya ang pagkawasak ng bayan ng Qal'at as-Sirat na nasa tuktok ng Ginintuang Bundok ng Normanong Haring si Ruggero II. Pagkaraan ay muling itinayo ang bayan at tinawag na Bagherino. Noong Gitnang Kapanahunan, ang pangalan ay pinalitan ng Golisano at pagkatapos ay sa Collesano. Maraming maharlikang pamilya ang nasangkot sa pamamahala ng bayan, tulad ng kondesa Adelicia de Alife, pamangkin ng Normandong haring si Roger II ng Sicilia; ang konde ni Avenel; ang mga Ventimiglia; ang mga Cicala; ang mga Centelle; ang de Folch Cardona; ang Aragona; ang mga Moncada; at ang mga Ferrandina. Ang mga monumento na bibisitahin ay kinabibilangan ng: ang mga guho ng Normandong kastilyo; ang lumang seramikong pabrika; ang Katedral ng San Pedro; ang mga simbahan ni Santa Maria "ang Lumga", Santiago, San Sebastian at Fabian, Santo Domingo o Santa Maria "ang Bago", at ng Santa Maria ng Hesus; ang Abadia ng Pedaly, at ang Museo Targa Florio kung saan humihinto ang maraming old-time car club sa panahon ng kanilang event sa Madonie Circuit. Ang Collesano ay sikat din sa kaniyang seramikong likhang sining at ang Mga Dulang Misteryo: "la Cercha", isang prusisyon kasama ang mga Penitentes na inorganisa taun-taon sa Semana Santa; at "la Casazza", ang "Siklo na Collesano" na limang beses nang ipinakita noong nakaraang siglo.

Ugnayang pandaigdig

baguhin

Kakambal na bayan – Kinakapatid na lungsod

baguhin

Ang Collesano ay kakambal sa:

Mga pinagkuhanan

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Association Suisse des Communes et Régions d'Europe". L'Association suisse pour le Conseil des Communes et Régions d'Europe (ASCCRE) (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-24. Nakuha noong 2013-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliograpiya: Settimana Santa sa Sicilia - La Cercha di Collesano -ISBN... ni Kaori Sakurada-Giuseppe Valenza - Qanat publishing (Palermo)

baguhin