[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Vasectomy

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang vasectomy ay isang proseso na isinasagawa sa mga lalaki upang mabaog at permanenteng mapigilan ang pagkakataong makabuntis. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpuputol sa vasa deferentia at itinatali at upang hindi makapasok ang similya sa seminal stream (daloy na semen) nang sa gayon ay mapigilan ang fertilization. Ang operasyon ng vasectomy ay karaniwang isinasagawa sa mga klinika, at sa mga klinikang pambeterinaryo kapag sa hayop, na hindi na kailangan pang manatili sa hospital nang matagal matapos ang operasyon sapagkat hindi komplikado ang operasyon. Maliit lamang ang sugat at ang mga kailangang gawin sa operasyon.

May iba’t ibang mga paraan upang maisagawa ng doktor ang operasyon, lahat ng ito ay sinasarahan ang isang bahagi ng vas deferens. Upang mabawasan ang kaba at upang maging komportable ang mga pasyente lalo na kapag mayroong matinding takot sa karayom, maaaring isagawa ng walang karayom ang pagtuturok ng anaesthesia at hindi gagamit ng scalpel sa operasyon upang mapabilis at tumaas ang tiyansa ng napagaling na mga pasyente.

Ang tradisyonal na proseso ng pagsasagawa ay ang pagturok ng anaesthesia sa scrotum upang mamanhid. Pagkatapos ay gumagamit ng scalpel upang gumawa ng tig-isang sugat sa magkabilang bahagi ng scrotum kung saan maaaring ilabas ang mga vas deferens upang tuluyang tanggalin ng doktor. Ang vasa deferentia ay hinahati, pinaghihiwalay, tinatakpan ang isang bahagi sa pamamagitan ng pagtatali, pagseselyo, o pag-iipit. Maraming pamamaraan upang mapabilis ang paggaling, epekto at upang maiwasan ang pangmatagalang sakit kagaya ng vasectomy pain syndrome (PVPS) or epididymitis.

Pagkatapos ng vasectomy, ang paggamit ng mga contraceptive precaution (pag-iingat na kontraseptibo) ay dapat ituloy hanggang sa makumpirma ang azoospermia o ang tuluyang pagkawala ng mga similya. Karaniwang dalawang analisis ng semen at 3 hanggang 4 na mga buwan ang inaabot sa pagkumpirma ng azoospermia. Kung kumpirmadong tagumpay ang operasyon, siguradong baog na ang sumailalim sa vasectomy. Ang vasectomy ay itinuturing na permanente sapagkat ang pagpapawalang bisa rito ay mahal at kalimitan ay hindi na maibabalik pa ang dating dami ng similya at/o paggalaw ng sperm na katulad ng antas bago isinagawa ang vasectomy. Ang mga sumailalim na sa vasectomy ay mayroong maliit na posibilidad na makabuntis pa ngunit wala itong epekto sa nakakahawang sakit sa sekswal na paraan.

MedisinaSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.