[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

T-shirt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang asul na T-shirt

Ang Damit (o t shirt, o tee o tisyort) ay isang istilo ng tela ng kamiseta na puwede sa kahit anong kasarian o unisex na ipinangalan sa hugis nitong titik T. Kadalasan itong may maikling mangas at pakurbang suotan ng ulo, na kilala sa tawag na crew neck, na walang kuwelyo. Sa pangkalahatan, gawa ang T-shirt sa magaan, murang tela at madaling labhan.

Karaniwang gawa ito sa bulak na nasa stockinettee o naka-jersey na kunot. Mayroon itong natatanging malambot na pagkayari kumpara sa mga kamiseta na hinabi. Karaniwan sa mga makabagong bersyon ay mayroong tuloy-tuloy na hinabing tubo na ginawa sa pamamagitan ng pabilog na habi, na walang tahi sa gilid nito. Naging mataas ang pagiging automatikong paggawa at maaring mayroon itong mga putol na ginawa ng isang laser o water jet.

Nagbago ang T-shirt mula sa pagiging damit na panloob noong ika-19 na siglo patungo sa pangkalahatang kaswal na gamit na damit noong kalagitnaan ng ika-20 siglo.

Ang isang V-neck T-shirt ay mayroong hugis V na suotan ng ulo, salungat sa mga pakurbang suotan ng ulo o round neckline ng mas karaniwang kamisetang crew neck (kilala din bilang U-neck). Naipakilala ang V-neck para ang suotan ng ulo ng kamiseta ay hindi makikita kapag nasa ilalim ito ng isang panlabas na kamiseta, na hindi tulad ng crew neck.[1][2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Crew neck" (sa wikang Ingles). Merriam-Webster Online. Nakuha noong 2 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sweaters Go Bulky". Milwaukee Journal Sentinel (sa wikang Ingles). 25 Agosto 1957. p. 2. Nakuha noong 2 Agosto 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Kirby, Michael B. (2008). "90th IDPG History of the T-shirt During WW2" (sa wikang Ingles). 90th Infantry Division Preservation Group. Nakuha noong 2 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)