[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Notabilidad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikipedia:N)

Sa Wikipedia, ang notabilidad ay isang pagsubok ng mga patnugot upang pasyahan kung ang isang binigay na paksa ay dapat may sariling artikulo.

Ang impormasyon sa Wikipedia ay kailangang napapatunayan; kung walang makikitang sangguniang maaasahan, at malaya tungkol sa isang paksa, hindi dapat magkaroon ito ng isang hiwalay na artikulo. Nailalapat ang konsepto ng notabilidad ng Wikipedia sa panimulang pamantayang ito upang maiwasan ang walang itinatanging pagsama ng mga paksa. Kailangang may notabilidad, o "karapatdapat na mapansin" ang artikulo o paksang nakatala. Hindi kinakailangang dumepende ang pagtukoy sa notabilidad ang mga bagay tulad ng kasikatan, kahalagaan, o popularidad-bagaman, maaring mapabuti nito ang pagiging katanggap-tanggap ng isa paksa na ipinaliwanag sa ibaba.

Ipinapalagay ang isang paksa na karapat-dapat magkaroon ng isang artikulo kung:

  1. Natutugunan nito ang pangkalahatang gabay sa notabilidad sa ibaba, o ang nakabalangkas na pamantayan sa gabay sa notabilidad ng isang espesipikong-paksa; at
  2. Hindi ito kasama sa patakarang "Ano ang hindi sa Wikipedia".

Hindi ginagarantiya nito na maisasagawa ang paksa bilang isang hiwalay, nakapag-isang pahina. Maaring gamitin ng mga patnugot ang kanilang mabuting pagpapasya na pag-isahin o igrupo sa dalawa o higit pa na magkakaugnay na mga paksa sa iisang artikulo. Binabalangkas lamang ng mga gabay na ito kung papaano nararapat ang isang paksa na magkaroon ng sarili nitong artikulo o tala. Hindi nililimitahan nito ang nilalaman ng isang artikulo o tala, bagaman, karaniwang ginagamit ang notabilidad bilang isang pamantayan sa pasasali para sa mga tala (halimbawa, para sa pagtatala ng mga alumnus ng isang paaralan). Para sa mga patakaran ng Wikipedia tungkol sa nilalaman, tingnan ang Walang pinapanigang pananaw, Pagpapatunay, Walang orihinal na pananaliksik, Ano ang hindi sa Wikipedia, at Talambuhay ng mga buhay na tao.

Pangkalahatang gabay sa notabilidad

Pinapalagay na narararapat ang isang paksa na magkaroon ng nakapag-isang artikulo o tala kapag nakatanggap ito ng isang makabuluhang pansin sa mga maaasahang sanggunian na malaya sa paksa.

  • Nangangahulugan ang "pinapalagay" na ang makabuluhang pansin sa mga maaasahang sanggunian ay nakakalikha ng sapantaha, hindi isang garantiya, na dapat magkaroon ang isang paksa ng sariling artikulo. Maaring mapagpasyahan ng isang mas malalim na usapan na ang paksa ay hindi pala dapat magkaroon ng sariling artikulo—marahil dahil nilalabag nito ang patakarang "Ano ang hindi sa Wikipedia|, partikular ang tuntunin na ang Wikipedia ay hindi isang magulong koleksyon ng impormasyon.[1]
  • Tinutugunan ng "makabuluhang pansin" ang paksa ng direkta at detalyado, upang wala nang orihinal na pananaliksik ang kailangang kunin sa nilalaman. Ang makabuluhang pansin ay higit pa sa isang walang halagang pagbanggit, subalit hindi kinakailangang na ito ang pangunahing paksa sa pinagkunang materyal.
    • Ang kasaysayan ng IBM na nilahad sa isang libro ni Robert Sobel ay isang malinaw na pansin na hindi maliit o walang halaga.
    • Ang pahayag ni Martin Walker sa isang artikulo sa pahayagan tungkol kay Bill Clinton,[2] na "In high school, he was part of a jazz band called Three Blind Mice" ("Noong nasa mataas na paaralan, bahagi siya ng isang bandang jazz na tinatawag na Three Blind Mice") ay malinaw na walang halagang banggit tungkol sa bandang iyon.
  • Nangangahulugan ang "maaasahan" na kinakailangan may editoryal na integridad ang mga sanggunian na pinapahintulot ang mapapatunayan pagsusuri ng notabilidad, ayon sa gabay sa maasahang sanggunian. Maaring sakupin ng mga sanggunian ang mga nakalathalang mga gawa sa lahat ng mga anyo at midya, at sa kahit anumang wika. Ang pagkakaroon ng mga sekondaryang sanggunian na pinapansin ang paksa ay isang mabuting pagsubok para sa notabilidad.
  • Ang "mga sanggunian"[3] ay dapat na mga sekondaryong sanggunian, dahil pinaka-obhetibong ebidensiya ng notabilidad ang mga ito. Walang nakatakdang bilang ng sanggunian ang kinakailangan yayamang magkakaiba ang mga sanggunian sa kalidad at lalim ng saklaw, subalit pangkalahatang inaashan ang maraming sanggunian.[4] Hindi kinakailangan ang mga sanggunian na naka-online o nakasulat sa Tagalog. Ang maraming publikasyon mula sa parehong may-akda o organisasyon ay kadalasang itinuturing bilang isang sanggunian para sa layunin ng pagtukoy ng notabilidad.
  • Ibinubukod ng "malaya sa paksa" ang mga gawa ng ginawa ng paksang pinag-uusapan o sinumang may kaugnayan sa paksa. Halimbawa, patalastas, inilabas para sa midya (o press release), sariling talambuhay, at ang websayt ng paksa ay hindi tinuturing malaya.[5]

Kung ang isang paksa na hindi tumutugon sa mga pamantayang ito subalit mayroon pa ring ilang mapapatunayang impormasyon, maaring may pakinabang na pag-usapan ito sa ibang artikulo.

Talababa

  1. At saka, hindi lahat ng nasaklaw sa maasahang sanggunian ay binubuo ng katunayan ng notabilidad para layunin ng paglikha ng artikulo; halimbawa, mga direktoryo at database, patalastas, pabatid sa lathalain, at kuwento sa balitang hindi lubhang mahalaga, na maaring hindi sinusuporta ang notabilidad kapag sinusuri, sa kabila na nabanggit sila sa mga maaasahang sanggunian.
  2. Martin Walker (1992-01-06). "Tough love child of Kennedy". The Guardian.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kabilang subalit hindi limitado sa mga pahayagan, aklat, e-libro, magasin, dokumentaryo sa telebisyon at radyo, ulat ng mga ahensiya ng pamahalaan, at talaarawang akademiko. Sa kawalan ng maramihang sanggunian, dapat itong mapatunayan na sinasalamin ng sanggunian ang isang walang pinapanigang pananaw, kapanipaniwala, at nagbibigay ng sapat na detalye para sa isang komprehensibong artikulo.
  4. Ipinapahiwatig ng kakulangan ng maraming sanggunian na ang paksa ay maaring mas nararapat para isama sa isang artikulo na nasa isang mas malawak na paksa. Karaniwan sa maraming pahayagan o talaarawan na ilathala ang parehong istorya, na minsan ay may maliit na pagbabago o ibang ulong-pambungad, pero hindi binubuo ng maraming gawa ang isang kuwento. Hindi parating binubuo ng maraming gawa ang ilang talaarawan na sabay-sabay na nilalathala ang iba't ibang mga artikulo, lalo na kapag umaasa ang mga may-akda sa parehong mga sanggunian,at muling inihahayag lamang ang parehong impormasyon. Kapareho nito, ang isang serye ng mga publikasyon ng parehong may-akda o nasa parehong periyodiko ay karaniwang binibilang bilang isang sanggunian.
  5. Ang mga gawa na ginawa ng paksang pinag-uusapan, o yaong mga may malakas na koneksyon sa kanila, ay malabong may malakas na ebidensiya ng notabilidad. Tingnan din: en:Wikipedia:Verifiability#Questionable sources (sa Ingles) para pamahalaan ang mga ganitong mga situwasyon.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.