[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Reclusion perpetua

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Reclusión perpetua)

Ang Reclusión perpetua (Kastila mula sa Latin na reclusio perpetua na nangangahulugang "permanenteng pagkakabilanggo") ay isang partikular na hatol ng pagkakabilanggo sa Pilipinas, Argentina at iba pang mga bansa.

Sa Pilipinas, ito ang isa sa dalawang hatol, na ang isa rito ay habang buhay na pagkabilanggo na nilikha upang palitan ang parusang kamatayan at sa legal na parlance ay halos ka-sinonimo ng habang buhay na pagkabilanggo. Gayunpaman, may mga ilang mahalagang pagkakakilanlan sa pagitan ng dalawang termino:

  • Ang reclusion perpetua ay inaatas sa mga krimeng mapaparusahan ng Binagong Kodigo ng Pagpaparusa samantalang ang habang buhay na pagkabilanggo ay itinakda sa mga kasalanang mapaparusahan ng mga Espesyal na Batas.
  • Ang reclusion perpetua ay nagdadala ng mga parusang aksesoriya na inilalarawan sa Batas ng Pilipinas na ang nagkasalang mga partido ay magdaranas ng habang buhay na paghaharang sa paghawak ng isang opisinang pampolitika. Ang habang buhay na pagkabilanggo ay hindi nagdadala ng gayong parusa.
  • Hindi tulad ng habang buhay na pagkabilanggo, ang haba ng hatol para sa reclusion perpetua ay isang hindi mahahating parusa ng 40 taon at hindi maaaring mabago habang isinisagawa ang paghatol(sentencing).
  • Ang reclusion perpetua ay hindi pumapayag ng pagpapatawad(pardon) o parole hanggang matapos ang unang 30 taon ng pagsisilbi sa hatol. Pagkatapos ng 40 taon na walang pagpapatawad o parole, ang hatol ay nagtatapos. Ang nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo ay maaaring mabigyan ng parole sa anumang panahon.