[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Katolisismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Roman Catholic)
Bahagi ito ng serye hinggil sa
Kristiyanismo

Kasaysayan ng Kristiyanismo
Mga Alagad
Mga kapulungang ekumenikal
Malakihang Pagkakapangkat
Pagbabago

Trinidad
Diyos Ama
Kristo Anak ng Diyos
Banal na Espiritu

Bibliya
Lumang Tipan
Bagong Tipan
Apokripa
Mga Ebanghelyo
Sampung Utos
Pangaral sa Bundok

Teolohiyang Kristiyano
Pagliligtas · Biyaya
Pananampalatayang Kristiyano

Simbahang Kristiyano
Katolisismo
Ortodoksiya
Protestantismo

Mga denominasyong Kristiyano
Mga kilusang Kristiyano
Ekumenismong Kristiyano

Para kilalanin ang kasaysayan ng Simbahang Katoliko at ang kanyang organisasyon, silipin ang Simbahang Katoliko.

Ang salitang Katolisismo o Katolisidad ay may dalawang eklestiyastikal na kahulugan ayon sa talatinigang Webster , una ay ang buong Ortodoks ng Kristiyanong Simbahan o ang pagsunod dito, at pangalawa, ang mga doktrina na paniniwalaan ng Simbahang Romano Katoliko o ang pagsunod dito.

Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyegong καθολικός -ή -όν (katholikos), nangangahulugan ng "pangkalahatan" o "unibersal". Sa Griyego, ang salita para sa simbahan ay gumagamit ng pambabaeng porma ng pang-uri ἡ Καθολικὴ Ἐκκλησία.

"Isa, Banal, Katolika at Apostolika"

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sulat para sa mga Kristiyano noong 107 AD, ng isang obispo ng Antioch na si San Ignacio ay ang pinakamaagang paggamit ng salitang "Simbahang Katolika" (Smyrnaeans, 8). Sa paggamit ng nasabing salita, itinakda ni San Ignacio ang kabuluhan nito sa unibersal na aspeto. Gayumpaman, hindi kasama sa nasabing kabuluhan ang mga erehe tulad ng mga hindi nagsisipaniwala na sa Banal na Pakikinabang ay naroon ang laman ng Tagapagligtas na si Hesukristo, na syang nagpakasakit para sa kasalanan ng mga tao, sya rin na binuhay na magmuli ng kaniyang Ama (Smyrnaeans, 7). Tinawag niya ang mga nasabing tao bilang "mababangis na hayup sa wangis ng tao" na hindi dapat "tanggapin ni kilalanin (o pakisalamuhaan)" (Smyrnaeans, 4).

Samantalang, may mayroong mas direktang paggamit ng salitang "Simbahang Katolika", na naghihiwalay sa Simbahan ito sa iba pang mga ereheng simbahan. Ito ay ang paggamit ni San Cirilo ng Herusalem (315-386 siglo). Sa Araling Katekismo, XVIII, 26 (Ingles:Catechetical Lectures, XVIII, 26), ibinilin ni San Cirilo na "kung paroroon ka sa mga siyudad, huwag mong basta hahanapin o ipagtatanong ang Tahanan ng Panginoon, (pagkat ang ibang sekta ng mga di karapat dapat (o kagalang kagalang) ay sumusubok ding tawagin ang kanilang kural bilang tahanan ng Panginoon), bagkus ay inyong hanapin ang Simbahang Katolika, pagkat ang hindi nakasanayang pangalang ito, ang tunay na Banal na Simbahan, ang ina nating lahat, ang esposo ng ating Panginoong Hesukristo; ang nagiisang bugtong na Anak ng Diyos.

Ang salitang "Katoliko" ay ginagamit noon pa bilang pantukoy sa tunay at nag-iisang orihinal na Simbahan na itinatag ni Kristo at ng kaniyang mga Apostol. Ito rin ay napapaloob sa ibat ibang kredo (ng ibat ibang pakahulugan sa paniniwala). Ilan sa mga ito ay ang "Sumasampalataya Ako" (Ingles: Apostles' Creed) at Nicene Creed. Maging ang ibang denominasyon ng Kristiyanismo ay naniniwala na sila ang "katoliko". Nahahati sila sa dalawang grupo:

  • yaong kagaya ng mga Katoliko, Ortodoxong Silanganin, Simbahang Ortodoxong Oriental, Simbahang Anglicano na may Apostolikong tagapagmana mula pa sa ninunong simbahan; at ang
  • silang mga naniniwala na sila ay kabilang sa ispiritwal na angkan ng mga Apostol ngunit walang pinapanigang institusyonal na salin, mula sa kasaysayan ng simbahan. Hindi rin nila tinutukoy (o tawag) ang sarili nila bilang "Katoliko"

Ang mga Kristiyano mula sa ibat-ibang denominasyon, kabilang na ang karamihan sa mga protestante ay nananalig sa "Isang Banal na Katoliko at Apostolikong Simbahan". Para sa mga protestante, ang karamihan sa kanila ay naniniwala na ang kanilang pananalig ay ang may pinakaisa sa lahat ng simbahang nasa ilalim ng pamumuno ng Panginoon at ng iisang Tagapagligtas, imbes na sa pinag-isang institusyonal na simbahan. Sa kanilang gamit ng salitang "katoliko", ginagamit nila ang maliit na titik "k" (katoliko, hindi Katoliko). Ang Kredong Apostoles (Apostles Creed) ay may linyang "Sumasampalataya ako sa ... banal na simbahang katolika ... (na may pagkakataon na ginagamitan ng malaking titik). Ginagamit ito sa mga pagsamba ng ibang mga protestante, ngunit hindi ng mga Alemang Luterano. Ang Kredong Niceno (Nicene Creed) naman ay kagaya rin ng Kredong Apostoles (Apostles Creed) na nagtataglay ng mga katagang "isang banal na katoliko at apostolikong Simbahan"

Maikling Kasaysayan ng Simbahang Katolika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Simbahang Katolika ay orihinal na nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong patriarka. Ito ay ang patriarka ng Roma, Alexandria at ng Antiquia. Nang kalaunan ay naidagdag ang patriarka ng Constantinople at ng Jerusalem. Ang obispo ng Roma ang siyang pinakakilala noong mga panahong iyon. May kakataon na ang pagtatalo sa doktrina at pamamalakad ay isinasangguni sa Roma. Noong mailipat ang kabisera sa Constantinople, napadalas ang panghahamon (batikos at kwestiyon) sa mga impluwensiya ng Roma. Bagamat, inaangkin ng Roma ang natatanging kapangyarihan at pagiging angkan ni San Pedro at San Pablo, na pinaniniwalaan ng lahat ng patriarka bilang isang martir at nailibing sa Roma, ang Constantinople naman ang siyang residensiya ng Emperador, at ang simbahan naman ng Antioch at ng Alexandria ay matanda pa sa Roma. Itinuturing din na unang namahala o tatag ng Sede si San Pedro sa Antioch bago ito pumaroon sa Roma.

Noong taong 431, ang Konseho ng Efeso ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal, ay siyang nagbigay pansin sa Nestorianismo. Ang Nestorianismo ay isang ereheng paniniwala ng paghihiwalay ng katauhan at kabanalan ni Jesus. Ito rin ang paniniwalang nagsasabing ang Birheng Maria ay nagluwal lamang, hindi sa Diyos, kundi sa katauhan (o katawang tao) lamang ni Hesukristo. Tahasang itinakwil ng Konsehong ito ang paniniwalang ito, at kinatigan nila ang paniniwalang si Birheng Maria ay Theotokos, o "Ina ng Diyos". Isa ito sa pinakamalaking kaguluhan sa kasaysayan ng Simbahan. Yaong mga hindi tumanggap ng desisyon ng Konseho ng Efeso ay karamihang Persa (Persian) at nagsipagtatag o kinakatawan ng mga Simbahang Assyrian ng Silangan at ng mga kaugnay na simbahan.

Isa pa pangyayari ang lumikha ng alingusngos sa Simbahang Katolika. Ito ay ang matapos na ilabas ng Konseho ng Kalsedonya ang pananaw nila sa Eutychian Monophysitism. Ayon sa doktrinang ito, nakikiisa ang kabanalan sa katauhan ni Kristo. Dagdag pa ng konseho na ang iisang personang ito ay may dalawang kalikasan "walang pagkakalito, walang pagbabago, walang paghahati at walang paghihiwalay" o "hindi dapat ipagkalito, hindi maipagbabago, hindi mahahati at hindi mapaghihiwalay", at kukng magkagayon ay parehong buong Diyos at buong tao. Ang mga simbahang Alexandrino ay hindi sumang-ayon dito. Ang mga ito ay ang mga "Sinaunang Simbahang Oriental" o ang "Kumunyong Ortodoxong Oriental".

Nagsanga naman noong ikalabing daang taon (siglo 11) ng isa pang usapin ang Simbahang Katolika. Laman ng pangyayaring ito ang mga pagtatalo sa doktrina, di pagkakasundo sa pamamahala ng simbahan, ang ebolusyon ng paghihiwalay ng mga rito at mga kasanayan o tradisyon. Noong 1054 rin ay naganap ang isa pang paghahati ng Simbahan. Ang paghahati sa pagitan ng "Silangan at ng "Kanluran". Kabilang sa silangang grupo ay ang Grecia, Rusya, lupaing Eslabiko (Slavic lands), Anatolia at mga Simbahan ng Sirya, Ehipto. Sila ang mga simbahang tumanggap sa Konseho ng Kalsedonya. Samantala ang Inglatera, Pransiya, Banal na Emperyo ng Roma,Escandinabya at ang kalakhang Kanlurang Europa ang sya namang nasa kanlurang grupo. Ang pagkakawatak watak nito ay tinawag na Malaking Hidwaan Great Schism.

Ang pinahuling pagkakahati ay naganap noong ika labing anim na daang taon (siglo 16), noong panahon ng Repormasyon. Ang mga kanluraning simbahan ay tahakang nagtakwil sa mga turo ng Simbahang Romano Katolika at napangalanang "Protestante"

Gayumpaman, ang ilang sa mga protestanteng ito, ay nanalig pa rin na sila ang tunay, buo at kumpletong Katoliko. Ang ilan sa kanila ay naniniwala na sila ay BAHAGI ng Simbahang Katolika, samantalang ang iba ay naniniwala na sila LAMANG ang Simbahang Katolika.

Simbahang Romano Katoliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Simbahang Katoliko, ay hindi isang abstract at invisible entity, bagkus ay isang nakikita at konkretong bahagi ng sanka-Kristiyanuhan; kadalasang tinatawag ding "Simbahang Romano Katoliko."

Iba pang Katolikong Grupo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Natatanging Paniniwala at Sakramento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Para sa mas detalyadong artikulo tungkol sa seksiyon na ito, tignan ang Sakramento ng mga Katoliko.

Ang Pagaaral ng Katolisismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katolisismo ay isang relihiyon at pinag-aaralan sa konteksto kabilang sa teholohiya at pilosopiya

Karagdagang Babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinanatili ang Ingles na titulo, pagkat walang katiyakan kung ito man ay naisalin sa Tagalog o Filipino.

  • Catechism of the Catholic Church — English translation (Libreria Editrice Vaticana, 2000). ISBN 1-57455-110-8 [1]
  • H. W. Crocker III, Triumph — The Power and the Glory of the Catholic Church: A 2,000-Year History (Prima Publishing, 2001). ISBN 0-7615-2924-1
  • Eamon Duffy, Saints and Sinners: A History of the Popes (Yale Nota Bene, 2002). ISBN 0-300-09165-6
  • K. O. Johnson, Why Do Catholics Do That? (Ballantine, 1994). ISBN 0-345-39726-6

Kaugnay na Paksa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kawing Panlabas (sa Ingles)

[baguhin | baguhin ang wikitext]