[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Pandaigdigang Kasaysayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol ito sa larangan ng pag-aaral na pangkasaysayan na nakikilala bilang Pandaigdigang Kasaysayan. Para sa mga kaganapang pangkasaysayan, tingnan ang Kasaysayan ng mundo.

Ang Pangmundong Kasaysayan (Ingles: World History), na tinatawag ding Pandaigdigang Kasaysayan, Kasaysayang Global, Kasaysayang Pangglobo, o Kasaysayang Transnasyunal (na hindi dapat ikalito sa Kasaysayang Diplomatiko, na katulad ng pangmundong kasaysayan ay natatawag ding Kasaysayang Internasyunal kung minsan) ay isang larangan ng historyograpiya (paga-aaral na pangkasaysayan o pag-aaral ng kasaysayan) na umahon bilang isang namumukod-tanging larangang pang-akademya noong dekada 1980. Sinusuri nito ang kasaysayan magmula sa isang pananaw o perspektibong global o pangglobo. Hindi ito dapat maikalito mula sa kasaysayang pangpaghahambing (historyang komparatibo), na katulad ng pangmundong kasaysayan, ay tumutuon sa kasaysayan ng maramihang mga kultura at mga nasyon, subalit hindi nagsasagawa nito na nasa isang makaglobong talaantasan o kaantasan.

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.