[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Inggit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pangingimbulo)
Si Hili o Inggit, isang paglalarawan o pagbibigay ng katauhan sa pangingimbulo.

Ang inggit, pagkainggit, pangingimbulo, o pananaghili, bagaman mas mahina ang hili kaysa inggit (Ingles: envy, invidiousness), ay ang damdaming nagaganap kapag wala o may kakulangan ang isang tao ng isang nakaaangat na katangian, tagumpay, o pag-aari, at maaaring ninanais ito o hinahangad na wala o kulang ang ibang tao nito.[1] Maaari rin itong hanguin mula sa pagkadama ng mababang pagtingin sa sarili na kinalalabasan ng pataas na panlipunang paghahambing na nagsisilbing panganib sa larawang pansarili ng isang tao, sapagkat mayroon ang ibang tao ng bagay na itinuturing na mahalagang dapat ipagkaroon o makamit ng naiinggit na tao. Kapag nahiwatigang ang ibang tao bilang katulad sa naiinggit, ang napasiglang pananaghili ay tiyak na labis, dahil pinararamdaman nito sa nananaghili na dapat na siya ang mayroon ng bagay na kanyang kinaiinggitan.[2][3][4][5] Sa payak na pananalita, ito ang pagkadiskuntento o hindi pagiging masaya dahil sa pananagumpay ng ibang tao, na may kasamang paghahangad na makuha at masarili ang tagumpay ng taong kinaiinggitan.[6]

Ayon kay Bertrand Russell, isa ang pananaghili sa pinakamabisang sanhi ng kawalan ng katuwaan o kasiyahan.[7] Isa itong pandaigdigan at pinaka hindi magandang aspeto ng likas na pagkatao sapagkat hindi lamang nagiging hindi masaya ang taong naiinggit dahil sa kanyang pananaghili, subalit nais rin niyang magbigay ng kamalasan sa iba pang mga tao. Bagaman pangkalahatang itinuturing ang inggit bilang isang bagay na negatibo, naniniwala rin si Russell ay isang lakas o puwersang nakapaguudyok ng kilos o galaw patungo sa demokrasya at kailangan matagalan upang maabot ang isang mas higit pang makatarungan sistema ng lipunan.[8]

Sa Katolisismo, itinuturing ito bilang isa sa pitong nakamamatay na mga kasalanan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Parrott, W. G., & Smith, R. H. (1993). And belongs to Ami. Distinguishing the experiences of envy and jealousy. Journal of Personality and Social Psychology, 64, 906-920.
  2. Salovey, P., & Rodin, J. (1984). Some antecedents and consequences of social comparison jealousy. Journal of Personality and Social Psychology, 47, 780-792.
  3. Elster, J. (1991). Envy in social life. Nasa Strategy and choices ni R. J. Zeckhauser (patnugot), pahina 49-82. Cambridge, MA: Imprentang MIT.
  4. Gaboy, Luciano L. Envy - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  5. English, Leo James (1977). "Inggit". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 707.
  6. "Envy". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 54.
  7. Russell, Bertrand (1930). The Conquest of Happiness. New York: H. Liverwright.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Russell (1930), pahina 90-91.