[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Sultanato ng Delhi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Naabot ng Sultanato ng Delhi ang taluktok nito sa ilalim ng Turko-Indiyanong dinastiyang Tughlaq.[1]

Ang Sultanato ng Delhi ay isang imperyong Islamiko na nakabase sa Delhi na umabot sa malaking mga bahagi ng subkontinenteng Indiyano at tumagal ng 320 taon (1206–1526).[2][3] Namuno ang limang dinastiya sa Sultanato ng Delhi sa ganitong pagkakasunod: ang dinastiyang Mamluk/Alipin (1206–1290), ang dinastiyang Khilji (1290–1320), ang dinastiyang Tughlaq (1320–1414),[4] ang dinastiyang Sayyid (1414–1451), at ang dinastiyang Lodi (1451–1526). Sumasakop ito sa mga bahagi ng Indya, Pakistan, Bangladesh at ilang mga bahagi ng katimugang Nepal.[5]

Bilang sumunod sa Sultanato ng Gurida, orihinal ang Sultanato ng Delhi sa isa sa mga ilang bilang ng mga prinsipalidad na pinamunuan ng mga Turkong aliping-heneral ni Muhammad Ghori, na sinakop ang malaking bahagi ng hilagang Indya, kabilang ang Yildiz, Aibek at Qubacha, na minana at hinati ang mga Guridang teritoryo sa kanilang mga sarili[6] Pagkatapos ng mahabang panahon ng malapit na labanan, napatalsik ang mga Mamluk ng rebolusyong Khalji na minarkahan ang paglipat ng kapangyarihan mula sa mga Turko tungo sa isang heterogeneyong maharlikang Indo-Mussalman.[7][8] Nakita ng parehong nagresultang dinastiyang Khalji at Tughlaq sa ganoong pagkakabanggit ang isang bagong bugso ng mabilis na mga pananakop ng Muslim sa kalaliman ng Timog Indya.[9] Sa wakas, sinapit ng sultanato ang rurok ng naabot nito sa heograpiya noong dinastiyang Tughlaq, na inokupa ang subkontinenteng Indiyano.[10] Sinundan ito ng panghina dahil sa muling pagsakop ng Hindu, na may mga estado tulad ng Imperyong Vijayanagara at Mewar na iginiit ang kalayaan, at tumiwalag ang mga bagong sultanatong Muslim tulad ng Sultanatong Bengal.[11][12] Noong 1526, nasakop ang Sultanato at sinundan ng Imperyong Mughal.

Nakilala ang sultanato para sa pagsasama nito ng subkontinenteng Indiyano sa pandaigdigang kalinangang kosmopolita[13] (na matibay na nakikita sa pag-unlad ng wikang Hindustani[14] at arkitekturang Indo-Islamiko[15][16]), na isa sa iilang mga kapangyarihan na itinaboy ang mga atake ng mga Mongol (mula sa Kanatong Chagatai)[17] at para sa pagkakaluklok sa isa sa iilang pinunong babae sa kasaysayan ng Islam, si Razia Sultana, na namuno mula 1236 hanggang 1240.[18] Ang mga pagsasanib ni Bakhtiyar Khalji ang may pananagutan sa malawakang kalapastanganan ng mga templong Hindu at Budista[19] (na nagdulot sa paghina ng Budismo sa Silangang India at Bengal[20][21]), at ang pagkawasak ng mga pamantasan at aklatan.[22][23] Ang mga paglusob ng Mongol sa Kanluran at Gitnang Asya ay itinakda ang eksena para sa mga siglo ng pandarayuhan ng mga tumatakas na sundalo, taong marurunong, mistiko, alagad ng sining, mangangalakal, at artesano mula sa mga rehiyong iyon tungo sa subkontinente, sa gayon itinatatag ang kulturang Islamiko sa Indya[24][25] at sa natitirang bahagi ng rehiyon.

Ang konteksto sa likod ng pagbangon ng Sultanato ng Delhi sa Indya ay bahagi ng isang mas malawak na kalakaran na nakakapekto sa karamihan ng kontinenteng Asyano, kabilang ang buo ng katimugan at kanluraning Asya: ang pagdagsa ng lagalag na mga Turko mula sa kalatagan ng Gitnang Asya. Maaari itong masubaybayan pabalik sa ika-9 na dantaon nang nagsimula ang Islamikong Kalipato na magpira-piraso sa Gitnang Silangan, nang nagsimula ang mga namumunong Muslim sa mga kalabang estado na alipinin ang hindi Muslim na lagalag na mga Turko mula sa kalatagan ng Gitnang Asya at pinalaki ang marami sa kanila upang maging tapat na aliping militar na tinatawag na Mamluk. Pagkadaka, lumipat ang mga Turko sa mga lupaing Muslim at nag-Islam. Sa kalaunan, bumangon ang marami sa mga aliping Turkong Mamluk sa pagiging pinuno, at sinakop ang malaking bahagi ng mundo ng Muslim, na itinatag ang mga Sultanatong Mamluk mula sa Ehipto at sa kasalukuyang Afghanistan, bago itinuon ang kanilang atensyon sa subkontinenteng Indiyano.[26]

Bahagi din ito ng mas mahabang kalakaran na bago pa ang paglaganap ng Islam. Tulad ng ibang namalaging agraryong lipunan sa kasaysayan, inatake ang mga nasa subkontinenteng Indiyano ng mga lagalag na mga tribo sa buong haba ng kasaysayan nito. Sa pagsusuri ng epekto ng Islam sa subkontinente, dapat tandaan na ang hilagang-kalurang subkontinente ay madalas na pinupuntirya ng mga tribo na sumalakay mula sa Gitnang Asya noong panahon bago ang Islamiko. Sa diwang iyon, magkatulad ang mga panghihimasok ng Muslim sa mga naunang pagsalakay noong unang milenyo.[27]

Noong 962 AD, nasa ilalim ng bugso ng salakay ang mga kahariang Hindu at Budista sa Timog Asya mula sa mga hukbong Muslim sa Gitnang Asya.[28] Kabilang sa mga ito si Mahmud ng Ghazni, ang anak ng isang Turkong Mamluk na aliping militar,[29] na sinalakay at ninakawan ang mga kaharian sa hilagang Indya mula silangan ng ilog Indus sa kanluran ng labimpitong beses sa pagitan ng 997 at 1030.[30] Sinalakay ni Mahmud ng Ghazni ang mga kaban ng bayan ngunit tumalikod sa bawat pagkakataon, na lumawak lamang ang pamumunong Islamiko sa kanlurang Punjab.[31][32]

Pamahalaan at politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpatuloy ang Sultanato ng Delhi sa pampamahalaang kombensyon ng nakaraang kaayusan ng pamahalaan ng Hindu, na inaangkin ang supremesya sa halip na eksklusibong supremong pagkontrol. Alinsunod dito, hindi ito nakagambala sa awtonomiya at militar ng nasakop na mga pinuno ng Hindu, at malayang isinama ang mga kakamping Hindu at opisyal.[2]

Maraming mga dalubhasa sa kasaysayan ang ipinaliwanag na responsable ang Sultanatong Delhi sa paglikha sa Indya bilang isang mas multikultural at kosmopolita. Naihalintulad ang pagkakatag ng Sultanato ng Delhi sa Indya sa paglawak ng Imperyong Mongol, at tinawag na "bahagi ng isang mas malaking kalakaran na nangyayari sa buong Eurasya, na lumipat ang mga taong lagalag mula sa kalatagan ng Panloob na Asya at naging dominante sa politika."[13]

Sang-ayon kay Angus Maddison, sa pagitan ng mga taon na 1000 at 1500, lumago ang GDP ng Indya, na kinatawan ng mga sultanato sa isang makabuluhan bahagi, sa halos 80% na umabot sa $60.5 bilyon noong 1500.[33] Bagaman, dapat makita ang mga bilang na ito sa isang konteksto: sang-ayon sa pagtaya ni Maddison, lumaki ang populasyon ng Indya ng halos 50% sa parehong kapanahunan,[34] na nagkakahalaga sa isang bawat-kapita ng paglago ng GDP ng mga 20%. Higit sa dumoble ang GDP sa mundo sa kaparehong panahon, at ang bawat-kapita ng GDP ng Indya ay mas mababa kaysa Tsina, na kung saan ito ay dating kapantay. Humina ang bahagi ng GDP ng Indya sa buong mundo sa ilalim ng Sultanato ng Delhi mula sa halos 30% hanggang 25%, at patuloy na bumaba hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 dantaon.

Sang-ayon sa isang pangkat ng mga hindi tiyak na pagtatantya ng mga makabagong dalubhasa sa kasaysayan, walang kilos ang kabuuang populasyon ng Indya sa 75 milyon noong panahon ng Gitnang Kaharian mula 1 AD hanggang 100 AD. Noong Medyebal na Sultanato ng Delhi mula 1000 hanggang 1500, nakaranas ang Indya sa kabuuan ng pangmatagalang paglaki ng populasyon sa unang pagkakataon sa libong mga taon, na lumago ang populasyon sa halos 50% sa 110 milyon noong 1500 AD.[35][36]

Habang nagkaroon ang subkontinenteng Indiyano ng mga mananakop mula sa Gitnang Asya simula noong sinaunang panahon, kung ano ang pinagkaiba ng mga pagsalakay ng mga Muslim ay hindi katulad ng mga naunang mananakop na sumama sa laganap na sistemang panlipunan, nanatili ang matagumpay na mananakop na Muslim sa kanilang Islamikong identidad at nilikha ang bagong legal at administratibong sistema na hinamon at kadalasan sa maraming kaso, pinalitan ang kasalukyang mga sistema ng panlipunang pag-uugali at etika, na naimpluwensiyahan din ang mga di-Muslim na katunggali at karaniwang masa sa isang malaking saklaw, bagaman naiwan ang di-Muslim na populasyon sa kanilang sariling mga batas at kostumbre.[37][38] Ipinakilala din nila ang bagong kodigong pangkalinangan na sa ilang mga paraan ay napakaiba sa kasalukuyang kodigong pangkalinangan. Nagdulot ito sa pag-angat ng isang bagong kulturang Indiyano na likas na magkahalo, iba sa sinaunang kalinangang Indiyano. Ang napakaraming Muslim sa Indya ay katutubong Indiyano na nag-Islam. May mahalagang papel din ang kadahilanang ito sa pagbubuo ng mga kalinangan.[39]

Nagsimulang sumulpot ang wikang Hindustani (Hindi/Urdu) sa panahon ng Sultanato ng Delhi, na umunlad mula sa Gitnang Indo-Aryan na apabhramsha na katutubong wika ng Hilagang Indya. Si Amir Khusro, na nabuhay noong ika-13 dantaon CE noong panahon ng Sultanato ng Delhi sa Hilagang Indya, ay gumamit ng isang anyo ng Hindustani, na isang lingguwa prangka noong panahon na iyon, sa kanyang mga sulatin at tinukoy ito bilang Hindavi.[14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jamal Malik (2008). Islam in South Asia: A Short History (sa wikang Ingles). Brill Publishers. p. 104. ISBN 978-9004168596.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Delhi Sultanate, Encyclopædia Britannica
  3. A. Schimmel, Islam in the Indian Subcontinent, Leiden, 1980 (sa Ingles)
  4. Sen, Sailendra (2013). A Textbook of Medieval Indian History (sa wikang Ingles). Primus Books. pp. 68–102. ISBN 978-9-38060-734-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Chapman, Graham. "Religious vs. regional determinism: India, Pakistan and Bangladesh as inheritors of empire." Shared space: Divided space. Essays on conflict and territorial organization (1990): 106-134.(sa Ingles)
  6. K. A. Nizami (1992). A Comprehensive History of India: The Delhi Sultanat (A.D. 1206-1526) (sa wikang Ingles). Bol. 5 (ika-2 (na) edisyon). The Indian History Congress / People's Publishing House. p. 198.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Mohammad Aziz Ahmad (1939). "The Foundation of Muslim Rule in India. (1206-1290 A.d.)". Proceedings of the Indian History Congress (sa wikang Ingles). Indian History Congress. 3: 832–841. JSTOR 44252438.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Satish Chandra (2004). Medieval India: From Sultanat to the Mughals-Delhi Sultanat (1206-1526) - Part One (sa wikang Ingles). Har-Anand Publications. ISBN 9788124110645.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Krishna Gopal Sharma (1999). History and Culture of Rajasthan: From Earliest Times Upto 1956 A.D. (sa wikang Ingles). Centre for Rajasthan Studies, University of Rajasthan.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Muḥammad ibn Tughluq Encyclopædia Britannica (sa Ingles)
  11. Hermann Kulke and Dietmar Rothermund, A History of India, Ikatlong Edisyon, Routledge, 1998, ISBN 0-415-15482-0, pp 187-190 (sa Ingles)
  12. Vincent A Smith, The Oxford History of India: From the Earliest Times to the End of 1911, p. 217, sa Google Books, Kabanta 2, Oxford University Press (sa Ingles)
  13. 13.0 13.1 Asher, C. B.; Talbot, C (1 Enero 2008), India Before Europe (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) edisyon), Cambridge University Press, pp. 50–52, ISBN 978-0-521-51750-8{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Keith Brown; Sarah Ogilvie (2008), Concise Encyclopedia of Languages of the World (sa wikang Ingles), Elsevier, ISBN 978-0-08-087774-7, ... Apabhramsha seemed to be in a state of transition from Middle Indo-Aryan to the New Indo-Aryan stage. Some elements of Hindustani appear ... the distinct form of the lingua franca Hindustani appears in the writings of Amir Khusro (1253–1325), who called it Hindwi ...{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. A. Welch, "Architectural Patronage and the Past: The Tughluq Sultans of India", Muqarnas 10, 1993, Brill Publishers, pp 311-322 (sa Ingles)
  16. J. A. Page, Guide to the Qutb, Delhi, Calcutta, 1927, pahina 2-7 (sa Ingles)
  17. Pradeep Barua The State at War in South Asia, ISBN 978-0803213449, p. 29–30 (sa Ingles)
  18. Bowering et al., The Princeton Encyclopedia of Islamic Political Thought, ISBN 978-0691134840, Princeton University Press (sa Ingles)
  19. Richard Eaton (Setyembre 2000). "Temple Desecration and Indo-Muslim States". Journal of Islamic Studies (sa wikang Ingles). 11 (3): 283–319. doi:10.1093/jis/11.3.283.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Randall Collins, The Sociology of Philosophies: A Global Theory of Intellectual Change. Harvard University Press, 2000, pahina 184–185 (sa Ingles)
  21. Craig Lockard (2007). Societies, Networks, and Transitions: Volume I: A Global History (sa wikang Ingles). University of Wisconsin Press. p. 364. ISBN 978-0-618-38612-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Gul and Khan (2008)"Growth and Development of Oriental Libraries in India", Library Philosophy and Practice, University of Nebrasaka-Lincoln (sa Ingles)
  23. Richard Eaton, Temple Desecration and Muslim States in Medieval India sa Google Books, (2004) (sa Ingles)
  24. Ludden 2002, p. 67.
  25. Asher & Talbot 2008, pp. 50–51. harv error: multiple targets (4×): CITEREFAsherTalbot2008 (help)
  26. Asher, C. B.; Talbot, C (1 Enero 2008), India Before Europe (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) edisyon), Cambridge University Press, pp. 19, 50–51, ISBN 978-0-521-51750-8{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Richard M. Frye, "Pre-Islamic and Early Islamic Cultures in Central Asia", sa Turko-Persia in Historical Perspective, pat. Robert L. Canfield (Cambridge U. Press c. 1991), 35–53. (sa Ingles)
  28. Tingnan:
    • M. Reza Pirbha, Reconsidering Islam in a South Asian Context, ISBN 978-9004177581, Brill (sa Ingles)
    • The Islamic frontier in the east: Expansion into South Asia, Journal of South Asian Studies, 4(1), pp. 91-109 (sa Ingles)
    • Sookoohy M., Bhadreswar - Oldest Islamic Monuments in India, ISBN 978-9004083417, Brill Academic; (sa Ingles) tingnan ang usapan ng pinakamaagang mga salakay sa Gujarat
  29. Asher, C. B.; Talbot, C (1 Enero 2008), India Before Europe (ika-1 (na) edisyon), Cambridge University Press, p. 19, ISBN 978-0-521-51750-8{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Peter Jackson 2003, pp. 3–30.
  31. T. A. Heathcote, The Military in British India: The Development of British Forces in South Asia:1600-1947, (Manchester University Press, 1995), pp 5-7 (sa Ingles)
  32. Barnett, Lionel (1999), Antiquities of India: An Account of the History and Culture of Ancient Hindustan, p. 1, sa Google Books, Atlantic pp. 73–79 (sa Ingles)
  33. Madison, Angus (6 Disyembre 2007). Contours of the world economy, 1–2030 AD: essays in macro-economic history (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 379. ISBN 978-0-19-922720-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Madison 2007, p. 376.
  35. Angus Maddison (2001), The World Economy: A Millennial Perspective, pahina 241-242 Naka-arkibo 2020-11-11 sa Wayback Machine., OECD Development Centre (sa Ingles)
  36. Angus Maddison (2001), The World Economy: Historical Statistics|The World Economy: A Millennial Perspective, pahina 236 Naka-arkibo 2020-11-11 sa Wayback Machine., OECD Development Centre (sa Ingles)
  37. Asher, C. B.; Talbot, C (1 Enero 2008), India Before Europe (ika-1 (na) edisyon), Cambridge University Press, p. 47, ISBN 978-0-521-51750-8{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Metcalf, B.; Metcalf, T. R. (9 Oktubre 2006), A Concise History of Modern India (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon), Cambridge University Press, p. 6, ISBN 978-0-521-68225-1{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Eaton, Richard M.'The Rise of Islam and the Bengal Frontier, 1204–1760. Berkeley: University of California Press, c1993 1993, hinango noongn 1 Mayo 2007 (sa Ingles)