[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Saraseno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang Aleman na limbag-kahoy mula sa huling bahagi ng ika-15 siglo, na naglalarawan ng mga Saraseno
Pagsakop ng mga Saraseno sa Creta (miniatura mula sa Skylitzes Matritensis, ika-12 siglo)

Ang Saraseno (Ingles: Saracen; Kastila: Sarraceno) ay katagang tumutukoy sa mga Muslim na malawakang ginamit sa Europa noong hulihan ng gitnang kapanahunan (hulihan ng panahong midyebal). Ang kahulugan ng kataga ay umunlad habang nasa panahon ng kasaysayan nito. Sa loob ng maagang mga daantaon CE, sa mga wikang Griyego at Latin, tumukoy ito sa mga tao na nanirahan sa mga pook ng disyerto na nasa loob at malapit sa Romanong lalawigan ng Arabia, na mga taong tiyak na ipinagkakaiba mula sa mga Arabo.[1][2] Sa Europa, noong kaagahan ng gitnang kapanahunan, ang kataga ay nagsimulang gamitin na rin upang ilarawan ang mga tribong Arabo.[3] Sa pagsapit ng ika-12 daantaon, ang Saraseno ay naging kasingkahulugan ng Muslim sa loob ng panitikan ng Lating Midyebal (Latin ng Gitnang Kapanahunan). Ang pagpapalawak na ito ng kahulugan ay nagsimula mula sa mas maaga pang mga daantaon sa piling ng mga Griyegong Bisantino, na binigyang katibayan ng mga kasulatan na nasa wikang Griyegong Bisantino mula sa ika-8 daantaon.[1][4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Daniel, pg. 53.
  2. Retso, mga pahinang 505-506.
  3. "Saracen." Encyclopædia Britannica. 2012 Naka-arkibo 2007-12-18 sa Wayback Machine.. Britannica Concise Encyclopedia. 27 Abril 2012.
  4. Kahf, pahina 181.
  5. Retso, pahina 96.

IslamEuropaWika Ang lathalaing ito na tungkol sa Islam, Europa at Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.