Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Neferhotep I ang paraon ng Ikalabingtatlong Dinastiya ng Ehipto at isa sa pinakamakapangyarihang mga pinuno ng dinastiyang ito.[1] Ayon sa kanon na Turin, siya ay naghari ng 11 taon. Siya ay nagmula sa isang pamilyang militar. Ang kanyang lolong si Nehy ay may pamagat na opiser ng isang rehimenteng bayan. Si Nehy ay ikinasal kay Senebtysy. Ang kanilang tanging anak ay tinawag na Haankhef. Siya ay lumilitaw sa mga sanggunian na palagi bilang "ama ng Diyos" at ikinasal kay Kemi. Sina Haankhef at Kemi ang mga magulang ni Neferhotep I.[2] Ang pamily ani Neferhotep I ay tila nagmula sa Thebes, Ehipto. Ang kanyang kapatid na si paraon Sobekhotep IV ay ipinanganak doon ayon sa isang stela na inilagay sa kanyang paghahari sa templo ni Amun at Karnak. Gayunpaman, ang pangunahing kabisera ng ika-13 dianstiya ay nasa Itjtawy sa hilaga malapit sa modernong bayan ng el-Lisht. Si Neferhotep I ay namatay pagkatapos ng kanyang paghahari ng 11 taon. Ang kanyang kahalili ang kanyang kapatid na si Sobekhotep IV.[3] May ilang mga monumento na nagbabanggit kina Neferhotep I at Sobekhotep IV nang magkasama. Ito ay maaaring nangangahulugang sila ay sabay na naghari sa isang panahon.[4]
- ↑ W. Grajetzki: The Middle Kingdom of Ancient Egypt, London 2006 ISBN 978-0-7156-3435-6, 71
- ↑ Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period, 225-231
- ↑ Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period, 298
- ↑ W. Grajetzki: The Middle Kingdom of Ancient Egypt, London 2006 ISBN 978-0-7156-3435-6, 73