[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Miss World 1961

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1961
Petsa9 Nobyembre 1961
Presenters
  • Peter West
  • Michael Aspel
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
BrodkasterBBC
Lumahok37
Placements15
Bagong sali
  • Republika ng Tsina
  • Suriname
Hindi sumali
  • Australya
  • Burma
  • Hordan
  • Kanada
  • Kenya
  • Noruwega
  • Tahiti
  • Tanganyika
Bumalik
  • Austrya
  • Bagong Silandiya
  • Beneswela
  • Ceylon
NanaloRosemarie Frankland
United Kingdom Reyno Unido
← 1960
1962 →

Ang Miss World 1961 ay ang ika-11 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 9 Nobyembre 1961.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng komedyanteng Ingles-Amerikano na si Bob Hope si Rosemarie Frankland ng Reyno Unido bilang Miss World 1961.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Reyno Unido sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Grace Li Shiu-ying ng Tsina, habang nagtapos bilang second runner-up si Carmen Cervera ng Espanya.[3][4]

Mga kandidata mula sa tatlumpu't-pitong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Peter West ang kompetisyon, samantalang si Michael Aspel ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1961

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa tatlumpu't-pitong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process.

Dapat sanang kakalahok si Miss France 1961 Luce Auger upang kumatawan sa kanyang bansa. Gayunpaman, siya ay napatalsik sa kanyang titulo dahil siya ay mayroon nang isang anak.[5][6] Si Auger ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Michèle Wargnier.[7] Iniluklok ang third runner-up ng Miss Holland 1961 na si Rita van Zuiden dahil lumahok na sa ibang internasyonal na beauty pageant si Miss Holland 1961 Anne Marie Brink at ang kanyang mga runner-up na sina Gita Kamman at Stanny van Baer.[8][9]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Republika ng Tsina at Suriname, at bumalik ang mga bansang Austrya, Bagong Silandiya, Beneswela, at Ceylon. Huling sumali noong 1955 ang Ceylon, noong 1956 ang Bagong Silandiya, noong 1958 ang Beneswela, at noong 1959 ang Austrya.

Hindi sumali ang mga bansang Australya, Burma, Hordan, Kanada, Kenya, Noruwega, Tahiti, at Tanganyika sa edisyong ito. Hindi sumali si Tahia Piehi ng Tahiti dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[10] Hindi sumali ang mga bansang Australya, Burma, Hordan, Kanada, Kenya, Noruwega, at Tanganyika sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat sanang sasali si Chriss Leon ng Hamayka. Nagkaroon ito ng ibigan sa isang doktor sa sasakyang-dagat na kanilang sinakyan papuntang Londres kasama ang kanyang chaperone na si Rhoda Henry. Nang umamin si Leon kay Henry na nagkaroon ito ng ibigan sa barko, nagalit ito at hindi pinayagan ni Henry na makapuntang Londres si Leon dahil pagsuway nito sa kanya. Imbis na pumuntang Londres, sila ay bumalik sa Hamayka.[11] Pagkalipas ng isang taon, pinayagan ni Morley na sumali si Leon dahil hindi sumali ang Miss Jamaica ng taong iyon, at kalaunan ay nakapasok ito sa Top 15.[12]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1961 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1961
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semi-finalist sa edisyong ito ay ibinaba sa labinlima mula sa labinwalo ng nakaraang edisyon. Napili ang labinlimang semi-finalist sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Nakipanayam kay Peter West ang labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.[14]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Denis Anthony Brian Butler – Ikasiyam na Erl ng Lanesborough[15]
  • Norman Hartnell – Tagadisenyong Ingles para kay Reyna Elizabeth II[15]
  • La Countess Ethel Beatty – Miyembro ng aristokrasyang Ingles[15]
  • Bob Hope – Aktor at komedyanteng Ingles-Amerikano[16]
  • Frances Manners – Dukesa ng Rutland[15]
  • Bernard Delfont – Ingles na impresario[15]
  • Billy Butlin – Negosyanteng Ingles
  • Richard Todd – Ingles-Irlandes na aktor[15]
  • John Spencer-Churchill – Ika-11 Duke ng Marlborough at pamangkin ni Winston Churchill[15]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tatlumpu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.[17][18]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Romy März[19] 20 Munich
Arhentina Arhentina Susana Pardal 22 Buenos Aires
Austria Austrya Hella Wolfsgrubej 18 Salzburg
New Zealand Bagong Silandiya Leone Mary Main 20 Auckland
Belhika Belhika Jacqueline Oroi[20] 20 Bruselas
Venezuela Beneswela Bexy Romero 18 Caracas
Brazil Brasil Alda Coutinho[21] 23 Guanabara
Bolivia Bulibya Nancy Justiniano 19 Santa Cruz
Sri Lanka Ceylon Sushila Perera[22] 19 Colombo
Denmark Dinamarka Inge Jörgensen 19 Odense
Ecuador Ekwador Magdalena Dávila[23] Pichincha
Espanya Carmen Cervera[24] 18 Barcelona
Estados Unidos Estados Unidos Jo Ann Odum[25] 19 Huntington
Greece Gresya Efstathia Karaiskaki[26] 22 Atenas
Hapon Hapon Chie Murakami[27] 19 Osaka
India Indiya Veronica Torcato[28] 25 Maharashtra
Irlanda (bansa) Irlanda Olive White[29] 17 Dublin
Israel Israel Er'ela Hod 18
Italya Italya Franca Cattaneo[30] 20 Genova
Lebanon Líbano Leila Antaki 22 Beirut
Luxembourg Luksemburgo Vicky Schoos 18 Lungsod ng Luksemburgo
Iceland Lupangyelo Jóhanna Kolbrún Kristjánsdóttir Reikiavik
Madagascar Madagaskar Jeanne Rakatomahanina 20 Diego-Suárez
Nicaragua Nikaragwa Thelma Arana 22 Granada
Netherlands Olanda Ria van Zuiden[31] 21
Finland Pinlandiya Ritva Wächter[32] 20 Helsinki
Pransiya Michèle Wargnier[33] 19 Paris
Taiwan Republika ng Tsina Grace Li[34] 19 Taipei
United Kingdom Reyno Unido Rosemarie Frankland[35] 18 Lancashire
Rhodesia at Nyasaland Angela Moorcroft 19 Salisbury
Suriname Kitty Essed[36] 18 Paramaribo
Suwesya Suwesya Ingrid Lundquist 21
South Africa Timog Aprika Yvonne Hulley 19 Overberg
Timog Korea Timog Korea Hyun Chang-ae[37] 19 Seoul
 Tsipre Andreava Polydorou 21
Turkey Turkiya Güler Samuray 20 Istanbul
Uruguay Urugway Roma Spadaccini Aguerre 25 Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "British beauty is new 'Miss World'". Simpson's Leader-Times (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1961. p. 2. Nakuha noong 19 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss U.K. wins title in Miss World contest". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1961. p. 1. Nakuha noong 24 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Miss United Kingdom is winner of Miss World title". The Daily News (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1961. p. 2. Nakuha noong 19 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "She's chosen, feathers fly". Press and Sun-Bulletin (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1961. p. 1. Nakuha noong 19 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Davies, Lizzy (15 Pebrero 2009). "Miss France's iron lady goes to court over winner's allegations of 'topless exploitation'". The Observer (sa wikang Ingles). ISSN 0029-7712. Nakuha noong 23 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng The Guardian.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Mathieu, Clement (4 Disyembre 2022). "Miss France 1961 : "Son bébé lui a coûté sa couronne"". Paris Match (sa wikang Pranses). Nakuha noong 23 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "FRANKRIJK heeft een nieuwe schoonheidskoningin 1961" [FRANCE had to choose a new beauty queen in 1961]. Het Parool (sa wikang Olandes). 8 Pebrero 1961. p. 5. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Oud-leerlinge AKI Enschede werd miss-Holland 1961 Anne Marie Brink leest graag" [Former student AKI Enschede became Miss Holland 1961 Anne Marie Brink likes to read]. Twentsch dagblad Tubantia (sa wikang Olandes). 18 Mayo 1961. p. 27. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Nederlandse schone naar Miss World verkiezing" [Dutch beauty to Miss World pageant]. De waarheid (sa wikang Olandes). 3 Nobyembre 1961. p. 39. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "60 ans de Miss Tahiti : (re)découvrez toutes les lauréates du concours". Polynésie la 1ère (sa wikang Pranses). 27 Abril 2021. Nakuha noong 24 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Romance Rankles Chaperone; Sends Beauty Home". Jet (sa wikang Ingles). Chicago, Illinois: Johnson Publishing Co. Inc. 16 Nobyembre 1961. Nakuha noong 24 Marso 2023.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Thomas, Marcia (7 Enero 2020). "Jamaica at Miss World: A 60-year success story". The Gleaner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 13.3 13.4 13.5 13.6 "Miss World". "Nieuw Suriname (sa wikang Olandes). 10 Nobyembre 1961. p. 4. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Lacrime e litigi fra le "superbelle per la scelta di "Miss Mondo 1961" [Tears and quarrels between the "super-beauties" for the choice of "Miss World 1961]. La Stampa (sa wikang Italyano). 10 Nobyembre 1961. p. 3. Nakuha noong 24 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 15.4 15.5 15.6 "Stasera nel salone del "Lyceum,, il còmico Bob Hope incorono lo prescelta" [Tonight in the "Lyceum" hall, comedian Bob Hope crowned him the winner]. La Stampa (sa wikang Italyano). 9 Nobyembre 1961. p. 4. Nakuha noong 24 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "«Miss Mondo» è un'inglese di 18 anni fa l'indossatrice ed aspira al cinema" ["Miss World" is an 18-year-old Englishman model and aspires to cinema]. La Stampa (sa wikang Italyano). 10 Nobyembre 1961. p. 3. Nakuha noong 24 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "37 beauties prepare for Miss World contest". The Daily News (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1961. p. 1. Nakuha noong 19 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "In Knokke is Nicole Ksinozenicki uit Sint Gillis (Brussel) tot miss België uitgeroepen" [In Knokke, Nicole Ksinozenicki from Sint Gillis (Brussels) was proclaimed Miss Belgium.]. Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 25 Mayo 1961. p. 3. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. ""Miss Mondo" sarà eletta domani" ["Miss World" will be elected tomorrow]. La Stampa (sa wikang Italyano). 8 Nobyembre 1961. p. 5. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. ""Miss" Minas Gerais e a nova "Miss" Brasil". Jornal do Brasil (sa wikang Portuges). 19 Hunyo 1961. p. 1. Nakuha noong 24 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "La chioma di Miss Ceylon" [Miss Ceylon's hair]. La Stampa (sa wikang Italyano). 8 Nobyembre 1961. p. 3. Nakuha noong 24 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Candidale ai massimi titoli di bellezza" [Nominee for top beauty titles]. La Stampa (sa wikang Italyano). 1 Hulyo 1961. p. 5. Nakuha noong 24 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. De los Rios, Elena (21 Hunyo 2021). "Miss España a los 18, viuda a los 30, madre soltera a los 37 y baronesa Thyssen a los 42: así pasó Carmen Cervera de los concursos de belleza a convertirse en la mujer más poderosa (y rica) del arte en España". Mujer Hoy (sa wikang Kastila). Nakuha noong 13 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Miss U.S.A. is Southern Brunette, 19". The Spokesman-Review (sa wikang Ingles). 28 Agosto 1961. p. 3. Nakuha noong 13 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Preoccupati gli organizzatori del concorso per "Miss Mondo,," [The organizers of the contest for "Miss World" are concerned]. La Stampa (sa wikang Italyano). 6 Nobyembre 1961. p. 11. Nakuha noong 24 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Queenly trio". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 26 Hunyo 1961. p. 39. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "... Tomorrow the World". Daily News (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1961. p. 684. Nakuha noong 19 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Model Olive White Marries". RTÉ Archives (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Balzarotti, Leda (7 Setyembre 2016). "Miss Italia: tutte le reginette dal 1939 a oggi". IO Donna (sa wikang Italyano). Nakuha noong 12 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Miss Holland nummer vier, Rita van Zuiden, is gisteravond van Schip- hol naar Londen vertrokken voor de verkiezing van Miss World" [Miss Holland number four, Rita van Zuiden, left Schiphol for London last night for the Miss World pageant.]. Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 4 Nobyembre 1961. p. 1. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Lehtikanto, Katariina (29 Disyembre 2020). "Kun kuvankaunis Ritva pyrki lentoemännäksi vuonna 1963, raati mietti pitkään, kelpaako hän työhön". Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 24 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Qui a falsifié l'acte de candidature de Mlle Auger au titre de miss France 1961 ?". Le Monde (sa wikang Pranses). 18 Marso 1967. Nakuha noong 24 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Grace takes No. 2 place". The Straits Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1961. p. 3. Nakuha noong 24 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Untitled". The Vancouver Sun (sa wikang Ingles). 22 Setyembre 1961. p. 16. Nakuha noong 19 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Ook Surinaamse naar Miss World-verkiezing" [Also Surinamese to Miss World pageant]. Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 3 Nobyembre 1961. p. 15. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Three hope to be Miss World". The Straits Times (sa wikang Ingles). 7 Nobyembre 1961. p. 20. Nakuha noong 24 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]