[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Miss World 1964

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1964
Ann Sidney
Petsa12 Nobyembre 1964
PresentersMichael Aspel
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
BrodkasterBBC
Lumahok42
Placements16
Bagong sali
  • Aruba
  • Montserrat
Hindi sumali
  • Bulibya
  • Hordan
  • Israel
  • Malaysia
  • Mehiko
  • Niherya
  • Peru
  • Tsile
  • Tsipre
Bumalik
  • Ekwador
  • Hibraltar
  • Honduras
  • Italya
  • Libano
  • Moroko
  • Nikaragwa
  • Republika ng Tsina
  • Urugway
NanaloAnn Sidney
United Kingdom Reyno Unido
← 1963
1965 →

Ang Miss World 1964 ay ang ika-14 na edisyon ng Miss World pageant na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 12 Nobyembre 1964.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Carole Joan Crawford ng Hamayka si Ann Sidney ng Reyno Unido bilang Miss World 1964.[1] Ito ang pangalawang tagumpay ng Reyno Unido sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Ana María Soria ng Arhentina, habang nagtapos bilang second runner-up si Linda Lin ng Republika ng Tsina.[2][3]

Mga kandidata mula sa apatnampu't-dalawang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Michael Aspel ang kompetisyon.

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1964

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa apatnampu't-dalawang mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process.

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Jamaica 1964 na si Erica Cooke upang kumatawan sa kanyang bansa matapos hindi tanggapin ang hiling ng orihinal na nagwagi na si Mitsy Constantine na siya ay samahan ng kanyang ina sa kompetisyon.[4][5] Ito ay matapos na magbago ang patakaran sa kompetisyon kung saan ipinagbabawal na ang mga kandidata na samahan ng kanilang ina matapos sumama ang ina ni Miss World 1963 Carole Joan Crawford sa kanya habang siya ay nanunungkulan bilang Miss World.[6][7][8][9] Iniluklok si Jacqueline Gayraud bilang ang bagong Miss France 1964 na siyang kakatawan sa Miss World matapos tumangging lumibot sa buong Pransiya si Arlette Collot, ang orihinal na nagwagi.[10] Dapat sanang lalahok si Miss Turkey 1964 Ayten Ornek. Gayunpaman, inakusahan ng second runner-up na si Nurlan Coşkun ang mga organizer na sinabihan siya na siya ang mananalo. Upang masolusyonan ang kaganapang ito, ipinadala si Ornek sa Miss International,[11] at si Coşkun ay ipinadala sa Miss World.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga teritoryong Aruba at Montserrat. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Moroko na huling sumali noong 1958, Hibraltar at Honduras na huling sumali noong 1959, Libano na huling sumali noong 1961, at Ekwador, Italya, Republika ng Tsina, at Urugway na huling sumali noong 1962.

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Bulibya, Hordan, Israel, Malaysia, Mehiko, Niherya, Peru, Tsile, at Tsipre. Hindi sumali si Sonia Marino Cárdenas ng Bulibya dahil mas pinili nitong ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.[12] Hindi sumali si Ofira Margalit ng Israel dahil sa kanyang konskripsiyon.[13][14] Hindi sumali sina Katie Barnaba Faizah ng Hordan, Leonie Foo Saw Pheng ng Malaysia, Olga Ceniceros ng Mehiko, at Nora Pallarés ng Tsile dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali si Martha Bassey ng Niherya dahil sa kakulangan sa badyet. Hindi sumali ang mga bansang Peru at Tsipre matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat din sanang sasali sa edisyong ito sina Marvo Manning ng Barbados, Alice Weber ng Curaçao,[15] Henrietta Monteiro ng Sambia,[16] Lea Avaemai Vahine ng Tahiti, ngunit hindi rin sila nagpatuloy dahil sa mga hindi isiniwalat na dahilan.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1964 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1964
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 16

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition.[18] Gayunpaman, dahil dalawang kandidata ang nagkaroon ng kaparehong iskor para sa ikalabinlimang posisyon, napagdesisyunan ni Morley na isama ang dalawa at gawing labing-anim mga semi-finalist na tutuloy sa kompetisyon. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga labing-anim na semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.

  • Paul Anka – Kanadyanong mang-aawit
  • Billy Butlin – Negosyanteng Ingles[18]
  • John Cavanagh – Irlandes na taga-disenyo
  • Bernard Delfont – Ingles na theatrical entrepreneur
  • Tab Hunter – Amerikanong aktor[18]
  • Lady Sonia Elizabeth Melchett
  • Vidal Sassoon, CBE – Mangugulot at negosyanteng Ingles
  • Nicolette Elaine Katherine Vane-Tempest-Stewart – Marchioness ng Londonderry
  • Godfrey Herbert Winn – Ingles na mamamahayag[18]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Apatnampu't-dalawang kandidata ang lumahok para sa titulo.[18]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Juliane Herm[19] 19 Stuttgart
Arhentina Arhentina Ana María Soria[20] 23 Buenos Aires
Aruba Regina Croes[21] 21 Oranjestad
Austria Austrya Victoria Lazek 20 Viena
Belhika Belhika Danièle Defrere[22] 20 Bruselas
Venezuela Beneswela Mercedes Hernández 19 Caracas
Brazil Brasil Maria Isabel Avelar[23] 18 Aracaju
Sri Lanka Ceylon Marina Dellerene Swan 18 Colombo
Denmark Dinamarka Yvonne Mortensen 19 Copenhuague
Ecuador Ekwador María de Lourdes Anda 19 Guayaquil
Espanya María José Ulla[24] 19 La Coruna
Estados Unidos Estados Unidos Jeanne Marie Quinn[25] 20 East Meadow
Greece Gresya Mary Kouyoumitzou 18 Heraklion
Jamaica Hamayka Erica Cooke[26] 17 Kingston
Hapon Hapon Yoshiko Nakatani 24 Ibaraki
Gibraltar Hibraltar Lydia Davis 19 Hibraltar
Honduras Araceli Cano 23 Francisco Morazán
Irlanda (bansa) Irlanda Mairen Cullen 20 Dublin
Italya Italya Mirka Sartori[27] 20 Veneto
Canada Kanada Mary Lou Farrell[28] 21 Newfoundland
Colombia Kolombya Paulina Vargas[29] Huila
Lebanon Líbano Nana Barakat Beirut
Liberia Liberya Norma Dorothy Davis 19 Monrovia
Luxembourg Luksemburgo Gabrielle Heyrard 17 Lungsod ng Luksemburgo
Iceland Lupangyelo Rósa Einarsdóttir[30] 19 Reikiavik
Montserrat Montserrat Helen Joseph[31] 22 Plymouth
Morocco Moroko Leila Gourmala[32] 21 Rabat
Nicaragua Nikaragwa Sandra Correa Masaya
New Zealand Nuweba Selandiya Lyndal Cruikshank[33] 21 Invercargill
Netherlands Olanda Renske van der Berg[34] 19 Ang Haya
Finland Pinlandiya Maila Östring[35] 19
Portugal Portugal Rolanda Campos 24 Lisboa
Pransiya Jacqueline Gayraud[36] 18 Paris
Taiwan Republika ng Tsina Linda Lin[37] 22 Taichung
United Kingdom Reyno Unido Ann Sidney[38] 20 Parkstone
Suriname Norma Dorothy Tin Chen Fung[39] 18 Paramaribo
Suwesya Suwesya Agneta Malmgren 19
South Africa Timog Aprika Vedra Karamitas[40] 22 Transvaal
Timog Korea Timog Korea Yoon Mi-hee 23 Seoul
Tunisia Tunisya Dolly Allouche 18 Tunis
Turkey Turkiya Nurlan Coşkun[41] 18 Istanbul
Uruguay Urugway Alicia Elena Gómez Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Briton Wins Beauty Crown". The New York Times (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1964. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "A 'home win' for Britain in 'Miss World' contest". The Straits Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1964. p. 12. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "'Miss World' title won by 20-year-old Briton". St. Joseph Gazette (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1964. p. 1. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "10 things you didn't know about Mitsy Seaga". The Gleaner (sa wikang Ingles). 5 Agosto 2012. Nakuha noong 26 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Jackson, Kevin (26 Setyembre 2021). "Miss Jamaica was a confidence-builder for Mitsy Seaga". Daily Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Jackson, Kevin (26 Setyembre 2021). "Miss Jamaica was a confidence builder for Mitsy Seaga". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Found: The missing, so modest Miss Bolivia". The Straits Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1964. p. 18. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Beauty missing". The Dispatch (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1964. p. 3. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Army says 'no' to 'Miss Israel'". The Straits Times (sa wikang Ingles). 7 Nobyembre 1964. p. 1. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Miss France 1964 a ete couronnee" [Miss France 1964 was crowned]. Combat: Le Journal de Paris (sa wikang Pranses). Paris, Pransiya. 2 Enero 1964. p. 1. Nakuha noong 26 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Bibliothèque nationale de France.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Greece and Turkey meet". The Calgary Herald (sa wikang Ingles). 11 Agosto 1964. p. 82. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Found: The missing, so modest Miss Bolivia". The Straits Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1964. p. 18. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Army says 'no' to 'Miss Israel'". The Straits Times (sa wikang Ingles). 7 Nobyembre 1964. p. 1. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "'Dienstplicht gaat voor' Geen Miss-wedstrijd voor Israëls mooiste" ['Conscription comes first' No Miss competition for Israel's most beautiful]. Het vrije volk. 6 Nobyembre 1964. p. 2. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Kroon Kroont I. de Windt Miss Curacao". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 6 Hulyo 1964. p. 3 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "She's not black, so she can't be beauty queen". The Straits Times (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 1964. p. 2. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.00 17.01 17.02 17.03 17.04 17.05 17.06 17.07 17.08 17.09 17.10 17.11 17.12 17.13 17.14 17.15 "Fue declarada 'Miss Mundo' una joven británica" [A young British woman was declared 'Miss World']. La Opinion (sa wikang Kastila). 13 Nobyembre 1964. pp. 1, 8. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 18.2 18.3 18.4 "50 girls in search of beauty jackpot". The Straits Times (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 1964. p. 10. Nakuha noong 12 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Miss World hopefuls". The Telegraph-Herald (sa wikang Ingles). 5 Nobyembre 1964. p. 21. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. ""Miss Mundo" en una misión internacional" ["Miss World" on an international mission]. La Nacion (sa wikang Kastila). 12 Disyembre 1964. p. 37. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Miss Aruba morgen naar Puerto Rico" [Miss Aruba to Puerto Rico tomorrow]. Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 26 Marso 1964. p. 6. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 10 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. ""Miss" Brasil usará traje de vaqueiro em Londres e dará sela de Sergipe a Perfeito" ["Miss" Brazil will wear a cowboy outfit in London and give the saddle of Sergie to Perfect]. Jornal do Brasil (sa wikang Portuges). 29 Oktubre 1964. p. 8. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Fallece en Madrid María José Ulla, que fue miss España en 1964" [María José Ulla, who was Miss Spain in 1964, dies in Madrid]. El Correo Gallego (sa wikang Kastila). 31 Enero 2022. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Arms and the man". The Progress-Index (sa wikang Ingles). 7 Setyembre 1964. p. 5. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Jackson, Kevin (26 Setyembre 2021). "Miss Jamaica was a confidence builder for Mitsy Seaga". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Le vincitrici del concorso" [The winners of the competition]. La Stampa (sa wikang Italyano). 7 Setyembre 1964. p. 4. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Miss Dominion". The Buckingham Post (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1964. p. 8. Nakuha noong 10 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Paulina Vargas ira a concurso de Miss Mundo". El Tiempo (sa wikang Kastila). 30 Oktubre 1963. p. 4. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Fegurðardottning Islands" [Iceland's beauty queen]. Alþýðublaðið (sa wikang Islandes). 26 Mayo 1964. p. 5. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Martin, Edwin L. (7 Hunyo 2019). "The untold story of Helen Joseph, Montserrat's only Miss World contestant". Montserrat Spotlight (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Babas, Latifa (8 Pebrero 2019). "History : When beauties competed under the Moroccan flag in international beauty pageants". Yabiladi (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Smith, Pat Veltkamp (12 Hunyo 2018). "The many Misses who stole hearts". Stuff (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Schenking" [Donation]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 7 Nobyembre 1964. p. 3. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Himberg, Petra (3 Nobyembre 2009). "Miss Suomi 1964 Sirpa Suosmaa". Yle (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 10 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Foreau, Laurent (16 Disyembre 2022). "Miss France : c'est le grand soir pour Emma Guibert, Miss Pays de la Loire" [Miss France: it's the big night for Emma Guibert, Miss Pays de la Loire]. Les Sables (sa wikang Pranses). Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Three Who Walk in Beauty". Taiwan Journal (sa wikang Ingles). 1 Agosto 1964. Nakuha noong 26 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "She's "Miss United Kingdom"". The Jackson Sun (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 1964. p. 14. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Suriname's mooiste" [Suriname's most beautiful]. De Volkskrant (sa wikang Olandes). 3 Nobyembre 1964. p. 6. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Sonia Booth was Miss SA 2001 'second princess'". Opera News (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Abril 2023. Nakuha noong 21 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa wikang Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]