[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Makinang panahi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Makinang panahi

Ang makinang panahi ay isang kagamitang pambahay o pampagawaan[1] na pantahi ng mga damit, sapatos, o ibang pinaggagamitan ng kayò (tela) at sinulid katulad ng sapin ng unan at higaan.

Pagkakawingan ng sinulid sa kabitan ng kayò

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahi sa kabitan

Ang pananahing may kawingan sa kabitan (tinatawag na edging o overlocking sa Ingles) ay ginagamitan ng dalawa hanggang apat na sinulid, isa o dalawang karayom, at isa o dalawang pang-ikot ng sinulid (looper). Ang mga panahi sa kabitan ay madalas may panabas ng kabitan ng kayò o tela upang maipantay ang kabitan sa bawa't tahi.

Isang paraan sa pagpapatibay ng tahi sa kabitan, o safety stitch, ay ang tumahi muna ng panugtungan, o chain stitch, gamit ang isang karayom at pang-ikot ng sinulid, o looper, at saka gawin ang tahi sa kabitan gamit ang mga iba pang karayom at looper. Limang sinulid o higit pa ang ginagamit dito. Ganito rin ang gamit na pangkabit sa mabanat na kayò o tela.

Dalawa hanggang apat na sinulid ang pinakamadalas na bilang na ginagamit sa panahi sa kabitan. Madalas na ang pagsasaayos ng panahi ay nababago ayon sa iba't-ibang pagtahi sa kabitan.

  1. Spool pin - lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas.
  2. Presser foot - umiipit sa tela habang tinatahi.
  3. Tension regulator - bahaging nagpapaluwag o nagpapahigpit ng tahi.
  4. Thread guide - gabay sa sinulid mula sa spool pin hanggang sa karayom upang hindi mawala sa lugar.
  5. Thread take up lever - humihila sa sinulid na panahi sa tela.
  6. Needle clamp - humahawak sa karayom ng makina.
  7. Presser bar lifter - nagbaba o nagtataas ng presser foot.
  8. Feed dog - bahaging nasa ilalim ng presser foot na nagtutulak sa tela habang ito ay nagtatahi.
  9. Bobina o bobbin - lagayan ng pang-ilalim na sinulid.
  10. Bobbin case - kaha na lalagyan ng bobina.
  11. Balance wheel - gulong sa ibabaw na hinahawakan ung sisimulan ang pagpapaandar o ihihinto ang pananahi.
  12. Stop motion screw - ang malaking turnilyio na nakakabit sa balance wheel na siyang nagpapahinto.
  13. Bobbin winder - kidkiran ng sinulid sa bobina.
  14. Stitch regulator - bahaging nagpapaikli o nagpapahaba sa tahi.
  15. Belt - koriyang nag-uugnay sa balance wheel at drive wheel.
  16. Drive wheel - malaking gulong na pang-ilalim.
  17. Treadle - tapakan na nagpapaandar sa malaking gulong habang nananahi.
  18. Belt guide - pumapatnubay sa koriya upang hindi ito mawala sa lugar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Sewing machine." Encyclopedia.com. Hinango noong 04 Marso 2019.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.