[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Mababang aritmetika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mababang aritmetika o elementaryong aritmetika ay ang pinasimpleng bahagi ng aritmetika na kinabibilanganan ng pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, at paghahati. Ito ang kadalasang unang itinuturo sa mga estudyanteng nasa mababang paaralan.

Nagsisimula ang mababang aritmetika sa mga likas na bilang at ang mga simbolo nito (mga tambilang). Tradisyonal na pinakakabisado ng mga guro ang mga sagot ng isang pares ng mga bilang sa apat na operasyong ito, lalo na sa pagpaparami, kung saan ginagamitan ng hanayan ng pagpaparami ito upang makatulong at mapabilis ang pagkalkula sa sagot nito.

Kasama rin sa sakop ng mababang aritmetika ang mga hatimbilang at negatibong bilang, na parehong maaaring maipakita sa isang linya ng mga bilang.

Mga tambilang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang pangkat ng mga simbolo ang mga tambilang (Ingles: digit) na ginagamit para maipakita ang bilang. Sa isang sistema ng bilang, walang tambilang ang may kapareho ng halaga sa isa pang tambilang, ngunit maaaring mag-iba ang hitsura ng mga ito depende sa sistema at kultura ng gumagamit.

Sa modernong panahon, pinakaginagamit ang mga bilang-Arabo. Ang hitsurang ginagamit ngayon ay ang istilo ng Kanluranin. Ipinapakita ng sumusunod na simbolo ang mga tambilang at ang kani-kanilang mga halaga:

    , sero

    , isa

    , dalawa

    , tatlo

    , apat

    , lima

    , anim

    , pito

    , walo

    , siyam

Ang bawat tambilang na ito ang nagdidikta ng magiging halaga ng isang partikular na bilang na hihigit sa siyam. Sa sistemang Hindu-Arabo, ginagamitan ng notasyong pamposisyon ang mga bilang na may dalawa o higit pang tambilang. Sa mga sistemang ganito ang siste, ang halaga ay aangat nang aangat sa ganitong kaparaanan:

    

kung saan ang ay ang bilang, ang ang báse o radix ng sistema (hal. 10 sa sistemang desimal) na pinalakas ng posisyon ng tambilang na binawasan ng isa, at ang naman ang tambilang na nasa posisyong isinaad. Tuloy-tuloy ito hanggang sa marating nito ang kabuuang bilang ng mga puwesto sa isang partikular na bilang (hal. may 3 posisyon sa bilang na 201).

Halimbawa:

    

    

Ang pagdaragdag o pagdadagdag, kilala ring adisyón,[1] ay ang proseso ng aritmetika kung saan pinagsasama ang dalawa o higit pang bilang upang makabuo ng panibagong bilang. Ang tawag sa mga bilang na idadagdag ay panagdag,[2] samantalang ang sagot sa operasyong ito ay tinatawag na dagup[3] o suma.[4] Gayunpaman, madalas ginagamit ang mga deribatibo ng pandiwang dagdag para maihatid nang malinaw kung eksaktong panagdag ang pinag-uusapan, tulad halimbawa ng mga salitang idadagdag at dadagdagan.

Hindi naaapektuhan ang suma kahit na magpalit ng puwesto ang dalawang bilang. Di rin nagbabago ang sagot nito kahit na anumang pares ng bilang ang maunang idagdag bago ang isa pang bilang para sa mga ekspresyong may higit sa dalawang terminong dinadagdag.

Ang bilang na idinagdag sa sero ay magreresulta sa sarili nito.

Ang pagbabawas o subtraksiyon ay ang proseso ng aritmetika kung saan tinatanggalan ang isang bilang ng isang bilang. Ang bilang na babawasan ay tinatawag na bawasin,[5] ang bilang na babawas ay ang pamawas,[6] at ang sagot sa operasyong ito ay kaibhan[7] o diperensiya.[8] Gayunpaman, madalas ginagamit naman ang mga deribatibo ng pandiwang bawas para matukoy ang mga ito. Halimbawa, maaaring tawaging babawasan ang bawasin, samantalang maaaring tawaging tagabawas o babawas ang pamawas.

Di tulad ng kabaligtaran nitong operasyon ng pagdaragdag, nakakaapekto ang puwesto sa maaaring maging kaibhan ng dalawang bilang. Halimbawa, magkaiba ang sagot ng at (4 at -4). Nagbabago rin ang sagot nito kung papalitan ang pares na unang babawasan. Halimbawa, hindi magkatumbas ang at (2 at 6).

Walang mababawas kung babawasan ng sero ang isang bilang. Gayunpaman, magreresulta sa isang negatibong bilang ang sagot kung babawasan ng isang bilang ang sero mismo, basta ba ang bilang na ito ay isang positibo.

Ang pagpaparami o multiplikasyon ay ang proseso ng aritmetika kung saan paulit-ulit na dadagdagan ang isang bilang sa sarili nito nang ilang beses depende sa isa pang bilang. Ang mga bilang na ginagamit sa operasyong ito ay tinatawag na mga kabuo[9] o produkto. Ang tawag sa bilang na paparamihin ay tinatawag na damihin,[10] samantalang ang tawag naman sa bilang na magbabawas ay parami.[11]

Gayunpaman, madalas ginagamit ang mga deribatibo ng pandiwang pagdami upang ipakita ang mga ito. Halimbawa, ginagamit minsan ang salitang paparamihin sa mga kabuo na paparamihin, at magpaparami naman sa kabuo na magpaparami sa paparamihin. Ginagamit din minsan ang salitang beses bilang isang katumbas na salita sa kabuo na magpaparami, tulad ng pangungusap na "tatlo paparamihin nang limang beses."

Hati ang pananaw sa kung ano nga ba talaga ang damihin at parami. Madalas itinuturing na parami ang pangalawang kabuo at ang unang bilang naman ang damihin,[12] ngunit minsan, nauuna ang parami sa damihin.[13] Mapaanuman ang pananaw, dahil na rin may katangiang komutatibo ang pagpaparami, hindi masyado mahalaga ang pagtukoy sa mga ito, liban na lamang sa ilang mga algoritmo ng pagpaparami tulad ng mahabaang pagpaparami, kaya tinutukoy madalas ang mga bilang na sangkot sa operasyong ito bilang mga "kabuo."[14]

Madalas tinatawag na paulit-ulit na pagdaragdag ang pagpaparami dahil maaari ring maisulat ang isang ekspresyon bilang isang sunod-sunod na pagdaragdag sa papamarihin sa sarili nito. Halimbawa:

    

Kagaya rin ng pagdaragdag, hindi mababago ang sagot kahit na magpalit ng puwesto ang mga salik. Hindi rin nakakaapekto ang sagot kahit na palitan ang pares na unang paparamihin.

Magreresulta sa sero ang sagot kung pinarami ang isang bilang sa sero.

Bagamat madalas ginagamit sa mababang paaralan ang pa-ekis na anyo ng tandang pamparami, hindi ito ginagamit madalas pagtungtong sa mataas na paaralan, dahil maaari itong ikalito sa x, na madalas gamiting baryabol. Ginagamit ang gitnang tuldok () o minsan (ngunit madalas sa mga wikang pamprograma), asterisko (*).

Ang paghahati o dibisyon ay ang proseso ng aritmetika kung saan hinahanap ang bilang ng isang bilang na kayang maipagkasya sa loob ng isang bilang, o ang paghahanap sa bilang na magreresulta sa pantay na pagkakahati sa isang bilang. Ang bilang na ihahati ay hahatiin (Ingles: dividend), ang hahati ay ang tagahati (Ingles: divisor), at ang sagot naman ay kosyente o bahagi (Ingles: quotient).

Ang paghahati ang kabaligtaran ng pagpaparami; ang isang bilang na y na pinarami nang x na beses ay maaaring mahati nang x na beses, na magreresulta sa y. Di tulad ng pagpaparami, nababago ang sagot kung babaguhin ang mga puwesto ng dalawang bilang. Ganon din ang kaso kung papalitan ang pares ng bilang na unang hahatiin kaysa sa isa pang bilang. Sa ekspresyong matematikal:

    , dahil ang sagot sa kaliwa ay 1 samantalang 4 naman ang sagot sa kanan.

Kaliwa-muna ang tradisyonal na ayos ng pagkompyut sa paghahati. Sa madaling salita, sa isang partikular na ekspresyong may sunod-sunod na dapat hatiin, unang hahatiin ang nasa kaliwa, bago muna sa kanan.

    

Samantala, sa katangian naman ng pamamahagi (distributive property) sa pagdaragdag at pagbabawas, ibinabahagi lagi ng kanang termino sa kaliwa ang sarili nito. Halimbawa:

    

Bilang isang pagkukumpara, kayang ibahagi ng pagpaparami sa pagdaragdag o pagbabawas ang alinman sa dalawang salik nito.

    

Hindi mahahati ang sero, bagamat posible ito sa mataas na matematika.

Paghahanay at paglilipat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinuturo sa mababang edukasyon ang prinsipyo ng "paghahanay" sa ikakalkula. Ito ang pagpatong sa dalawa o higit pang bilang nang pahanay at pantay ang pagkakaayos. Halimbawa:

 17289
+ 2390
-------
 19679

Kinakalkula ang bawat puwesto ng tambilang mula kaliwa. Sa halimbawang binigay, unang idadagdag ang 9 at 0 bago ang sumunod na 8 at 9. Tuloy-tuloy ito hanggang sa madaan na ang lahat ng mga puwesto.

Samantala, dahil maaaring lumagpas sa siyam ang sagot sa ganitong proseso, may "paglilipat" (Ingles: carry over) na tinatawag. Ito ang paglipat ng sumobrang sampu (o hakbang (multiple) ng sampu) sa susunod na puwesto sa kaliwa. Ang halimbawa sa baba ay ang ikalawang hakbang sa pagkalkula sa nakaraang binigay na halimbawa:

   1
 17289
+ 2390
-------
    79

Dahil ang sagot sa 9 + 8 ay 17, iniwan ang 7 sa sagot samantalang "nilipat" ang natirang 1 sa susunod na puwesto, kung saan idadagdag ito sa sagot ng 2 at 3.

Madalas na dumedepende sa mga lokal na pamantayang itinakda ang mga paraan sa pagtuturo, pati na rin sa mga ituturo sa mababang paaralan. Sa Estados Unidos at Canada halimbawa, isa sa mga kontrobersiya sa larangan ay ang paggamit sa mga pangkalkula (calculator), na nagkaroon pa ng debate sa pagitan ng tradisyonal na matematika at nirepormang matematika.[15]

Mga kagamitan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit pa rin sa ilang bahagi ng Asya ang abakus, isang lumang kagamitan sa aritmetika. Sa makabagong panahon, nagsilitawan ang mga kagamitang nakakatulong sa mas mabilis na pagkakalkula, kabilang na ang mga smartphone, pangkalkula, at kompyuter.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "adisyon". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Nobyembre 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "panagdag". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "dagup". Tagalog Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "suma". Tagalog Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "bawasin". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "pamawas". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "kaibhan". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "diperensiya". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "kabuo". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "damihin". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "parami". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Crewton Ramone. "Multiplicand and Multiplier" [[Ang] Paparamihin at [ang] Beses] (sa wikang Ingles). Crewton Ramone's House of Math. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 26, 2015. Nakuha noong Nobyembre 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  13. Devlin, Keith (Enero 2011). "What Exactly is Multiplication?" [Ano ba Talaga ang Pagpaparami?] (sa wikang Ingles). Mathematical Association of America. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2017. Nakuha noong Nobyembre 7, 2020. With multiplication you have a multiplicand (written second) multiplied by a multiplier (written first) (Sa [operasyon ng] pagpaparami, paparamihin ng beses (unang isinusulat) ang paparamihin (pangalawang isinusulat).){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Chester Litvin (2012). Advance Brain Stimulation by Psychoconduction [Mataas na Pagpapasigla sa Utak gamit ng Sikokonduksiyon]. pp. 2–3, 5–6. ISBN 978-1-4669-0152-0 – sa pamamagitan ni/ng Google Book Search.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Star, Jon R.; Smith, John P.; Jansen, Amanda (2008). "What Students Notice as Different between Reform and Traditional Mathematics Programs" [Ang Mapapansing Pagkakaiba ng mga Estudyante sa pagitan ng Nireporma at Tradisyonal na Programang Pangmatematika]. Journal for Research in Mathematics Education [Dyornal para sa Pananaliksik sa Edukasyong Pangmatematika]. 39 (1): 9–32. doi:10.2307/30034886. ISSN 0021-8251. JSTOR 30034886.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]