[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Leo IV ang Khazar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Leo IV
Emperor of the Byzantine Empire
Gold solidus of Leo IV and his son Constantine VI (obverse), with busts of his grandfather Leo III the Isaurian and his father Constantine V in the reverse
Paghahari25 March 775 – 18 June 780
Kapanganakan25 January 750
Kamatayan8 September 780 (aged 30)
SinundanConstantine V
KahaliliConstantine VI
KonsorteIrene
SuplingConstantine VI
DinastiyaIsaurian Dynasty
AmaConstantine V
InaTzitzak (Irene of Khazaria)
Dinastiyang Isauriano
Kronolohiya
Leo III 717–741
with Constantine V as co-emperor, 720–751
Constantine V 741–775
kasama ni Leo IV bilang kapwa-emperador, 751–775
Pag-agaw ni Artabasdos 741–743
Leo IV 775–780
with Constantine VI as co-emperor, 776–780
Constantine VI 780–797
under Irene as regent, 780–790, and with her as co-regent, 792–797
Irene as empress regnant 797–802
Succession
Preceded by
Twenty Years' Anarchy
Followed by
Nikephorian dynasty

Si Leo IV o Leon IV ang Khazar (Wikang Griyego: Λέων Δ΄, Leōn IV) (25 Enero 750 – 8 Setyembre 780) ang Emperador na Bisantino mula 775 hanggang 780 CE. Siya ay anak ng Emperador Constantino V sa kanyang unang asawa na si Irena ng Khazaria (Tzitzak),[1] na isang Khagan ng mga Khazar (na pinaniniwalaang ang Bihar). Siya ay kinoronahang kapwa-emperador ng kanyang ama noong 751 at kanyang pinakasalan si Irene na isang Ateniano mula sa isang maharlikang pamilya noong Disyembre 769. Noong 775, si Constantino V ay namatay na nag-iiwan sa kanyang ang tanging emperador.[2] Noong 24 Abril 776, hinirang ni Leo ang kanyang anak na si Constantino VI bilang kapwa emperador. Ito ay humantong sa pag-aaklas ng limang mga kalahating kapatid na lalake ni Leo kabilang si Caesar Nikephoros na umasang kanilang makuha ang trono. Ang pag-aaklas ay mabilis na sinupil at ang mga kasabwat ay ginulpi, tinonsura at ipinatapon sa Cherson sa ilalim ng isang bantay.[3]

Si Leo IV ay pinalakaing isang iconoclast sa ilalim ng kanyang ama ngunit ikinasal kay Irene na isang iconodule.[4][5] Sa pagkatanto ng paghahati sa kanyang nasasakupan, kanyang pinursigi ang isang landas ng pakikipagkasundo sa mga iconodule na nakaraang idineklarang erehe sa ilalim ng patakarang imperyal. Pinayagan ni Leo ang mga monghe na inusig at ipinatapon sa ilalim ng kanyang ama upang bumalik sa kanilang mga monasteryo. Siya ay pinahiran ng ilan sa ortodokso bilang "Kaibigan ng Ina ng Diyos" sa pagpayag sa mga monghe na panatilihin ang mga imahen ng Theotokos. Hinirang rin ni Leo ang nakikisimpatiyang iconophile na si Pablo ng Cyprus sa posisyon ng Patriarka ng Constantinople sa kamatayan ng kanyang hinalinhan. Sa wakas ng kanyang paghahari, kanyang binaliktad ang kanyang pagpayag sa mga ito.[6]

Ang paghahari ni Leo ay kasabay ng paghahari ng ikatlong Kalipang Abbasid na si Al-Mahdi na sumakop sa mga lupaing Bisantino sa mga sunod sunod na okasyon mula 777–780 bago paurungin ng mga hukbo ni Leo na pinangunahan ng mga heneral gaya ni Michael Lachanodrakon. Mismong si Leo ay nakidigma sa mga Bulgar ngunit namatay sa trangkaso habang nasa kampanya.[7][8]

Ang kamatayan ni Leo noong 8 Setyembre 780 CE ay humantong sa pag-akyat sa trono ng kanyang asawang si Irene. Itinala ni Theophanes na tagakumpisal na si Leo IV ay namatay dahil sa trangkasong dulot ng mga mahalagang bato sa isang koronang kinuha mula sa Hagia Sophia;[9] some scholars have indicated that upon his accession to the throne Leo was already sick,[10] bagaman ang ilan ay naniniwalang si Leo ay pinaslang ng mga hindi kilalang tao bagaman si Irene ang pinagsususpetsahan.[11] Si Constantino VI ang tanging anak na lalake ni Leo IV at humalili sa kanya bilang emperor na kapwa naghari ng kanyang inang si Irene.[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.roman-emperors.org/irenev.htm
  2. The Chronicle of Theophanes Anni Mundi 6095–6305 (A.D. 602–813): Tr. Harry Turtledove (University of Pennsylvania Press, 1982), p 135-136.
  3. The Chronicle of Theophanes Anni Mundi 6095–6305 (A.D. 602–813): Tr. Harry Turtledove (University of Pennsylvania Press, 1982), 137.
  4. Byzantium: The Imperial Centuries (A.D. 610–1071): Romilly Jenkins (Weidenfeld and Nicoloson, 1966), p 92.
  5. The Byzantine Revival: Warren Treadgold (Stanford University Press, 1988), p 5.
  6. Byzantium: The Imperial Centuries (A.D. 610–1071): Romilly Jenkins (Weidenfeld and Nicoloson, 1966), p 91.
  7. http://www.roman-emperors.org/leo4.htm#N_13_
  8. A History of Byzantium (second edition): Timothy E. Gregory (Blackwell, 2010), p 213.
  9. http://www.roman-emperors.org/leo4.htm#N_14_
  10. Byzantium: The Imperial Centuries (A.D. 610–1071): Romilly Jenkins (Weidenfeld and Nicoloson, 1966), p 90.
  11. The Byzantine Revival: Warren Treadgold (Stanford University Press, 1988), p 6.
  12. The Chronicle of Theophanes Anni Mundi 6095–6305 (A.D. 602–813): Tr. Harry Turtledove (University of Pennsylvania Press, 1982), p 136, 140.