[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Ordu

Mga koordinado: 40°48′41″N 37°32′26″E / 40.811388888889°N 37.540555555556°E / 40.811388888889; 37.540555555556
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lalawigan ng Ordu

Ordu ili
Lokasyon ng Lalawigan ng Ordu sa Turkiya
Lokasyon ng Lalawigan ng Ordu sa Turkiya
Mga koordinado: 40°48′41″N 37°32′26″E / 40.811388888889°N 37.540555555556°E / 40.811388888889; 37.540555555556
BansaTurkiya
RehiyonSilangang Dagat Itim
SubrehiyonTrabzon
Pamahalaan
 • Distritong panghalalanOrdu
Lawak
 • Kabuuan6,001 km2 (2,317 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016)[1]
 • Kabuuan750,588
 • Kapal130/km2 (320/milya kuwadrado)
Kodigo ng lugar0452
Plaka ng sasakyan52

Ang Lalawigan ng Ordu (Turko: Ordu ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa baybayin ng Dagat Itim. Kabilang sa mga katabing lalawigan ang Samsun sa hilagang-kanluran, Tokat sa timog-kanluran, Sivas sa timog, at Giresun sa silangan. Ang panlalawigang kabisera ay Ordu.

Umaasa ang ekonomiya ng lalawigan sa agrikultura. Kilala ang Ordu sa mga abelyana. Sa kabuuang Turkiya, nakapagagawa ito ng mga 70 porsiyento ng mga abelyana sa buong mundo,[2] at ang Ordu ang pangunahing prodyuser sa Turkiya. Mahalaga din sa Ordu ang pag-alaga sa pukyutan, na nakagawa noong 2010 ng 12.8% ng mga pulut-pukyutan sa Turkiya.[3]

Nahahati ang lalawigan ng Ordu sa 19 na distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):

  • Akkuş
  • Aybastı
  • Çamaş
  • Çatalpınar
  • Çaybaşı
  • Fatsa
  • Gölköy
  • Gülyalı
  • Gürgentepe
  • İkizce
  • Kabadüz
  • Kabataş
  • Korgan
  • Kumru
  • Mesudiye
  • Altınordu (kalagitnaang distrito, dating tinatawag din na Ordu)
  • Perşembe
  • Ulubey
  • Ünye

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
  2. Inventory Of Hazelnut Research, Germplasm And References (sa Ingles)
  3. Ordu İli Doğa Turizmi Master Planı (PDF) (sa wikang Ingles). Turkish Ministry of Forestry and Water Management. pp. 30–1. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 7 Pebrero 2014. Nakuha noong 25 Hunyo 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)