[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Hirosaki

Mga koordinado: 40°36′11.2″N 140°27′49.8″E / 40.603111°N 140.463833°E / 40.603111; 140.463833
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hirosaki

弘前市
Paikot sa kanan mula sa itaas: Kastilyo ng Hirosaki, Bundok Iwaki, Templo ng Saisho-in, Gusaling Panlungsod ng Hirosaki, dating punong tanggapan ng 55 Bank, Pista ng Hirosaki Neputa
Watawat ng Hirosaki
Watawat
Opisyal na sagisag ng Hirosaki
Sagisag
Kinaroroonan ng Hirosaki sa Prepektura ng Aomori
Kinaroroonan ng Hirosaki sa Prepektura ng Aomori
Hirosaki is located in Japan
Hirosaki
Hirosaki
 
Mga koordinado: 40°36′11.2″N 140°27′49.8″E / 40.603111°N 140.463833°E / 40.603111; 140.463833
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaAomori
Pamahalaan
 • AlkaldeHiroshi Sakurada <桜田 宏> (mula Abril 2018)
Lawak
 • Kabuuan524.20 km2 (202.39 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Abril 1, 2020)
 • Kabuuan168,739
 • Kapal320/km2 (830/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoPuno ng mansanas
- BulaklakSeresang namumulaklak
Bilang pantawag0172-35-1111
Adres1-1 Kamishirogane-machi, Hirosaki-shi, Aomori-ken 036-8551
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Hirosaki (弘前市, Hirosaki-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aomori, Hapon. Magmula noong 1 Abril 2020 (2020 -04-01), may tinatayang populasyon na 168,739 katao ang lungsod sa 71,716 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 330 katao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 524.20 square kilometer (202.39 mi kuw).

Umusbong ang Hirosaki bilang isang bayang kastilyo para sa 100,000 koku na Dominyong Hirosaki na pinamunuan ng angkang Tsugaru. Kasalukuyang isang panrehiyon na sentrong pangkomersiyo, at ito ay ang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga mansanas sa Hapon.[2] Isinusulong ng pamahalaang panlungsod ang mga pananalitang "Apple Colored Town Hirosaki" ("Kulay Mansanas na Bayan ng Hirosaki") at "Castle and Cherry Blossom and Apple Town" (Bayang Kastilyo at Seresang Namumulaklak at Mansanas) upang itaguyod ang pagtingin ng madla sa lungsod. Kilala rin ang bayan sa maraming mga gusaling estilong-kanluranin na buhat sa panahong Meiji.

Maraming mga pigurang hugis-tao ang nahukay sa palibot ng rehiyon na mula pa noong 12,000 taon. Maraming mga pigurang ito ay buhat sa mga panahong Jōmon at Yayoi.[3]

Bumuong bahagi ng mga dominyo ng Hilagang Dujiwara ang lugar sa paligid ng Hirosaki noong panahong Heian; binigay ito ni Minamoto no Yoritomo sa angkang Nanbu noong unang bahagi ng panahong Kamakura kasunod ng pagkatalo ng Hilagang Fujiwara noong 1189. Noong panahong Sengoku, inihayag ni Ōura Tamenobu, isang pampook na katiwala ng Nanbu, ang kaniyang pagsasarili noong 1571 at nakuha ang mga kastilyong pampook. Nanumpa siya ng pealtad (obligasyon ng katapatan) kay Toyotomi Hideyoshi sa kasagsagan ng Labanan sa Odawara noong 1590, at pinatotoo ito sa kaniyang mga lupang inuupahan kalakip ang kitang 45,000 koku. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan sa "Tsugaru". Pagkaraang pumanig sa Tokugawa Ieyasu noong Labanan sa Sekigahara, tiniyak siya muli sa kaniyang mga lupang inuupahan kalakip ang nominal na kokudaka ng 47,000 koku, at sinimulan niya ang pagtatayo ng isang kastilyo sa Takaoka (kasalukuyang Hirosaki). Hudyat ito ng pagsisimula ng Dominyong Hirosaki sa ilalim ng kasugunang Tokugawa. Tinapos ng kaniyang kapalit, si Tsugaru Nobuhira, ang kastilyo noong 1611, ngunit nawasak ng isang kidlat ang naglalakihang 5-palapag na tenshu noong 1627. Lumaki sa 100,000 koku ang kokudaka ng dominyo noong 1628.

Pumanig ang angkang Tsugaru sa Alyansang Satchō sa Digmaang Boshin ng Pagpapanumbalik ng Meiji, at ginawaran sila ng karagdagang 10,000 koku ng bagong pamahalaan ng Meiji. Subalit dahil sa pagbuwag sa sistemang han noong Agosto 29, 1871, biniwag ang Dominyong Hirosaki, at pinalitan ito ng Prepektura ng Hirosaki. Binago ang pangalan sa Prepektura ng Aomori noong Oktubre ng parehing taon, at inilipat ang kabisera ng prepektura sa mas-gitnang lugar na Aomori.

Itinatag ang Mababang Paaralan ng Chōyō noong Oktubre 1, 1873. Ipinakilala sa Hirosaki noong 1877 ang hortikultura sa mansanas, at binuksan noong Marso 1878 ang ika-59 na Pambansang Bangko, ang sinundan ng Bangkong Aomori. Inihayag na isang lungsod ang Hirosaki noong Abril 1, 1889 kalakip ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Dahil diyan, isa ito sa 30 unang mga lungsod sa Hapon. Ito rin ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Tōhoku sa panahong iyon, kasunod ng Sendai at Morioka. Ini-ugnay ng Pangunahing Linya ng Ōu ang Hirosaki sa Aomori noong Disyembre 1, 1894.

Naging tahanan na bayang garison ang Hirosaki para sa ika-8 Dibisyon ng Hukbong Imperyal ng Hapon mula Oktubre 1898. Kilalang aktibo ang dibisyon sa Digmaang Ruso-Hapones.

Itinatag ang Ospital ng Lungsod ng Hirosaki noong 1901, at noong 1906 naman ang Aklatan ng Lungsod ng Hirosaki. Nagsimula ang unang serbisyong telepono noong 1909. Idinaos noong 1918 ang unang Pista ng Seresang Namumulaklak. Noong 1927, ini-ugnay ng Daambakal ng Kōnan ang Hirosaki sa Onoe. Itinatag ang Unibersidad ng Hirosaki noong 1949.

Noong Marso 1, 1955, lumawak ang Hirosaki sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga karatig-nayon ng Shimizu, Wattoku, Toyoda, Horikoshi, Chitose, Fujishiro, Niina, Funazawa, Takasugi, Susono, at Higashimeya. Naging isang engklabe ang Nishimeya. Lumawak la ang lunsgod noong Setyembre 1, 1957, nang kinuha nito ang karatig-nayon ng Ishikawa.

Idinaos ang unang Pista ng Krisantemo at Arse (Chrysanthemum ang Maple Festival) noong 1964, at noong 1977 naman ang unang Hirosaki Castle Snow Lantern Festival. Noong 1979, ini-ugnay ang lungsod sa Tōhoku Expressway sa pamamagitan ng isang daang sangay, ang "Daang Apple."

Noong Nobyembre 15, 2006, sinanib ang dating lungsod ng Hirosaki, bayan ng Iwaki, at nayon ng Sōma sa lumaking lungsod ng Hirosaki.

Ayon sa senso ng datos sa Hapon,[4] bumaba nang bahagya ang populasyon ng Hirosaki sa loob ng 40 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1960 170,919—    
1970 174,644+2.2%
1980 192,291+10.1%
1990 191,217−0.6%
2000 193,297+1.1%
2010 183,473−5.1%
Datos ng klima para sa Hirosaki (1981–2010)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 1.5
(34.7)
2.2
(36)
6.3
(43.3)
14.5
(58.1)
19.8
(67.6)
23.5
(74.3)
26.9
(80.4)
28.9
(84)
24.5
(76.1)
18.2
(64.8)
11.0
(51.8)
4.5
(40.1)
15.2
(59.4)
Arawang tamtaman °S (°P) −1.8
(28.8)
−1.3
(29.7)
1.9
(35.4)
8.5
(47.3)
13.8
(56.8)
17.9
(64.2)
21.7
(71.1)
23.5
(74.3)
18.9
(66)
12.5
(54.5)
6.1
(43)
0.9
(33.6)
10.2
(50.4)
Katamtamang baba °S (°P) −5
(23)
−4.8
(23.4)
−2.2
(28)
3.1
(37.6)
8.3
(46.9)
13.3
(55.9)
17.6
(63.7)
19.1
(66.4)
14.3
(57.7)
7.6
(45.7)
1.8
(35.2)
−2.4
(27.7)
5.9
(42.6)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 120.7
(4.752)
94.5
(3.72)
77.4
(3.047)
59.4
(2.339)
71.8
(2.827)
69.6
(2.74)
113.1
(4.453)
132.1
(5.201)
127.2
(5.008)
90.5
(3.563)
110.0
(4.331)
116.8
(4.598)
1,183.1
(46.579)
Balasaking pag-niyebe cm (pulgada) 248
(97.6)
208
(81.9)
131
(51.6)
11
(4.3)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
20
(7.9)
142
(55.9)
760
(299.2)
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 57.0 78.5 126.1 183.3 201.4 175.0 160.8 181.8 146.2 141.4 89.1 58.0 1,598.6
Sanggunian: Japan Meteorological Agency

Ang Hirosaki ay ang sentrong pangkomersiyo sa timog-kanlurang Prepektura ng Aomori. Pangunahing mga produktong pampagsasaka ang mga mansanas at bigas, at ang Hirosaki ay bumubuo sa 20 porsiyento ng kabuoang produksiyon ng mga mansanas sa Hapon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hirosaki City official statistics (sa Hapones)
  2. Hirosaki Tourism and Convention Bureau
  3. Schellinger, Paul; Salkin, Robert, mga pat. (1996). International Dictionary of Historic Places, Volume 5: Asia and Oceania. Chicago: Fitzroy Dearborn Publishers. p. 345. ISBN 1-884964-04-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hirosaki population statistics

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Hirosaki mula sa Wikivoyage