[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Kansuswit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kansuswit
Superb Lyrebird
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Suborden:
Pamilya:
Menuridae
Sari:
Menura

Latham, 1802
Mga uri

Ang mga kansuswit[1] (Ingles: lyrebird[2]; bigkas: layr-bird), mga ibong lira, o mga menura (mula sa saring Menura) ay anuman sa dalawang uri ng may pagkakayumangging mga ibong naninirahan sa lupa na matatagpuan sa mga kagubatan at mga dawagan sa Australya[2], na natatangi at pambihira dahil sa kanilang kakayahang gumaya ng mga likas at likhang-taong mga tunog na naririnig nila mula sa kanilang kapaligiran. Mayroon silang mga pambihirang mga pluma o balahibong pambuntot na may katamtamang kulay. Kabilang ang mga ito sa mga kilalang mga katutubong ibon ng Australya, bagaman hindi madalas makita sa kanilang likas na kapaligiran. Bukod sa kanilang pambihirang kakayahan sa paggaya ng mga tunod, kilala rin ang mga ito sa nakakaakit na kagandahan at kakislapan ng mga malalaking buntot ng mga kalalakihang ibon, lalo na kapag ibinuka ang mga buntot na ito. Sinasabing kahawig ito ng mga puntas o tiras (Ingles: lace). Umaabot ang haba ng mga Menura sa mga 37 pulgadang haba, na ang 22 pulgada nito ay haba na ng buntot.[2] Mayroon din silang pambihirang ritwal ng panliligaw.

May dalawang uri ng mga lyrebird:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. lyre bird, kansuswit Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org at Regala, Armando A.B., Geocities.com
  2. 2.0 2.1 2.2 "Lyrebird". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa L, pahina 411.

Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.