[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Eratostenes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol ito sa isang Griyegong iskolar noong ika-3 daang taon BK. Para sa sinaunang politiko ng sinaunang Atenas noong ika-5 daang taon BK, pumunta sa Eratostenes (politiko).
Eratostenes
(Ἐρατοσθένης)
Larawan ni Eratostenes
Larawan ni Eratostenes
Kapanganakan276 BK
Kamatayan195 BK
Kabisera ng Tolomeong Ehipto
TrabahoMaepikong makata, libraryano (tagapangasiwa ng aklatan), iskolar, imbentor

Si Eratostenes ng Sireno (Griyego Ἐρατοσθένης, bandang 276 BK[1] – bandang 195 BK[2]) ay isang Griyegong matematiko, makata ng elehiya (malungkot na tula), atleta, heograpo, astronomo, at teorista ng musika. Siya ang unang taong gumamit ng salitang "heograpiya" at umimbento ng disiplina ng heograpiya ayon sa ating pagkakaunawa sa kasalukuyan.[3] Umimbento siya ng isang sistema ng latitud at longhitud.

Siya ang unang taong unang kumalkula sa sirkumperensiya ng mundo sa pamamagitan ng paggamit ng isang sistema ng pagsukat na ginagamitan ng mga estadyo, o haba ng mga istadyum noong panahong iyon (na may kahangahangang katumpakan). Siya ang unang kumalkula sa kiling ng aksis ng Daigdig (na may kahangahanga ring katumpakan). Maaari ring tumpak niyang nakalkula ang layo ng daigdig sa araw at nakaimbento ng araw ng bisyesto.[4] Lumikha rin siya ng sinaunang mapa ng mundo batay sa makukuhang kaalamang pangheograpiya noong kapanahunang iyon. Bilang dagdag, si Eratostenes ang tagapagtatag ng kronolohiyang siyentipiko; nagpunyagi siyang ayusin ang mga petsa ng pangunahing mga kaganapang pampanitikan at pampolitika mula sa pagsakop sa Troya.

Ayon sa ipinasok sa Suda (ε 2898) (isang sanggunian noong ika-10 daang taon), pinangalanan siya ng kanyang mga kasabayan bilang "beta", mula sa pangalawang titik ng alpabetong Griyego, dahil itinuturing na napatunayan niya ang kanyang sarili bilang ikalawang pinakamahusay sa mundo sa lahat ng anumang mga larangan.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ayon sa Suda ipinanganak siya sa ika-126 na Olimpiyada, (276–272 BK). Pero ayon kay Strabo (Heograpiya, i.2.2), na isa siyang "mag-aaral" (γνωριμος) ni Zeno ng Citium (na namatay noong 262 BK), na nagpapahiwatig ng isang mas maagang taon ng kapanganakan (bandang 285 BK) dahil hindi siya maaaring nakapag-aral sa ilalim ni Zeno sa napakabatang gulang na 14. Subalit maaaring ring mangahulugan ang γνωριμος bilang "taong kakilala," at hindi masasabing tiyak ang petsa ng kamatayan ni Zeno. Nakapasok bilang Eratosthenes sa Dictionary of Scientific Biography (1971)
  2. Sinasabi ng Suda na namatay siya sa gulang na 80, ayon kay Censorinus (De die natali, 15) sa gulang na 81, at ayon kay Pseudo-Lucian (Makrobioi, 27) sa gulang na 82.
  3. Eratosthenes' Geography - Fragments collected and translated, with commentary and additional material, ni Duane W. Roller, Princeton UP, Princeton (2010)
  4. Alfred, Randy (19 Hunyo 2008). "Hunyo 19, 240 B.C.: The Earth Is Round, and It's This Big". Wired.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Tingnan din ang Asimov, Isaac. Asimov's Biographical Encyclopedia of Science and Technology, bagong binagong edisyon. 1975. Pagpapasok #42, "Eratosthenes", Pahina 29. Pan Books Ltd, London. ISBN 0-330-24323-3. Pinanindigan din ito ni Carl Sagan, 31 mga minuto sa episodyo ng Cosmos na The Shores of the Cosmic Ocean [1][patay na link]

Matematiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.