[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Gas chromatography

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang gas chromatography ay ang pamamaraan para sa paghihiwalay at pagsusuri ng mga kompuwesto na madaling matuyo (volatile). Ang paghihiwalay ay batay sa pagkakahawig ng polaridad ng gaseous mobile phase sa solido o likidong stationary phase na dinadaanan nito. Ang mga kompuwesto na may pagkakahawig sa likidong stationary phase ay dumidikit sa ibabaw nito.

Ang kahigitan ng gas chromatography sa iba pang mga pamamaraan ay ang mabilis na pagsusuri, mataas na resolusyon at eksaktong impormasyon. Bukod pa dito, kaunting sample lamang ang kinakailangan, maaasahan at simpleng gamitin ang gas chromatograph. Ang mga limitasyon naman ng gas chromatography ay kinakailangang madaling matuyo ang sample at ito'y dapat nalulusaw at hindi nakakaapekto sa column.

Gas chromatograph

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang gas chromatography ay isinasagawa gamit ang gas chromatograph. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

  • Carrier gas tank – Ang bahagi ng gas chromatograph na ipunan ng mga gagamiting carrier gas. Ang mga karaniwang ginagamit na gas ay He, N2, Ar at CO2.
  • Flow regulators – Ito ang nagkokontrol sa bilis ng pagagos ng carrier gas galing carrier gas tank papuntang column.
  • Injection chamber – Bahagi ng Gas Chromatograph kung saan papapasukin ang sample.
  • Column – Ito ang pinakaimportanteng bahagi ng gas chromatograph. Ito ay tubo na gawa sa salamin o metal na naglalaman ng stationary phase.
  • Detector – Bahagi na sumasagap at kumikilala sa mga dumadaang eluate.
  • Thermostats – Aparato na nagkokontrol sa temperatura sa injection chamber, column at ng detector.
  • Data recorder – Nagkakalap ng impormasyon na nasagap ng detector at isinasalin ang mga ito upang maging elektronikong senyas na mababasa ng kompyuter.

Mga aplikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maaring gamitin ang gas chromatography sa pagsusuri ng polusyon sa hangin at tubig. Ginagamit din ito sa pagkilala ng mga pestisidyo na maaring naiwan sa mga gulay at palay at sa pagkumpirma ng lason at bawal na gamot.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • McNair, H.M. And Bonelli, E.J., Basic Gas Chromatography. USA, Agosto ,1968.
  • Skoog, D. A., et. al. Principles of Instrumental Analysis. Sixth Edition. Thomson Brooks/Cole. 2007.