[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Arnis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga patpat na ginagamit sa arnis.
Isang guro ng arnis na nagpapakita ng tamang anyo ng paghawak at paggamit ng mga sandatang kahoy na pang-arnis.

Ang arnis, kilala din bilang kali o eskrima/escrima, ay ang pambansang sining pandigma ng Pilipinas.[1] Ang tatlong katawagan ay halos napagpapalit-palit ang gamit para sa tradisyunal na sining pandigma sa Pilipinas, na binibigyan-diin ang pakikipaglabang may armas at ito ang mga kahoy na pambambo, kutsilyo, matatalim na sandata, at improbisong armas, at gayon din ang mano-manong pamamaraan na walang armas.

May mga kampanya para gawin ang arnis na manomina sa mga Talang Pamanang Pangkalinangan na Di-nahahawakan ng UNESCO, kasama ang ibang sining pandigma sa Pilipinas. Noong 2018, may nakatalang siyam na pamanang pangkalinangan na may kaugnayan sa sining pandigma sa UNESCO.[2]

Nagmula ang katawagang arnis sa arnés,[3] isang Lumang Kastilang salita para sa baluti. Hinango naman ang eskrima (binabaybay din bilang escrima) mula sa salitang Kastila para sa palakasang esgrima.[4][5] Ang kaugnay nito sa Pranses ay escrime at may kaugnayan sa katawagnang Ingles na skirmish.

Malamang hinango ang pangalang kali mula sa katawagang Filipino bago dumating ang mga Kastila para sa mga talim at sa palakasang eskrima, ang kalis (baybay sa Kastila: "calis"),[6] na dinokumento ni Antonio Pigafetta, ang tagapagtala ng ekspedisyon ni Fernando de Magallanes noong paglalakbay nila sa Kabisayaan, at sa diksyunaryong lumang Kastila sa sariling wikang Filipino, at mga bokubolaryong aklat na pinetsa mula 1612 hangang sa huling bahagi ng dekada 1800, tulad ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Padre Pedro de San Buenaventura.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pangilinan, Leon Jr. (Oktubre 3, 2014). "In Focus: 9 Facts You May Not Know About Philippine National Symbols" (sa wikang Ingles). Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 26, 2016. Nakuha noong Enero 8, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Browse the Lists of Intangible Cultural Heritage and the Register of good safeguarding practices". UNESCO (sa wikang Ingles).
  3. Wiley, Mark V. (2000). Filipino Fighting Arts: Theory and Practice (sa wikang Ingles). Tuttle Publishing. pp. 1–15. ISBN 0-86568-180-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "History of Filipino Martial Arts". Seasite.niu.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-25. Nakuha noong Nobyembre 11, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Warriors Eskrima – Worcestershire". Warriorseskrima.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 19, 2009. Nakuha noong Nobyembre 11, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lorenz Lasco (2011). "Kalis – The Precolonial Fighting Art of the Philippines". Dalumat Ejournal.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Perry Gil Mallari (Mayo 10, 2011). "Etymology as the Basis of Usage of the Term Kali" (sa wikang Ingles). FMA Pulse. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 19, 2017. Nakuha noong Hulyo 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)